"Coin"

1.6K 50 10
                                    


"Coin"

"So...kamusta ang pag mamall niyo nung isang araw?"

Napayuko ako at tiningnan ang papel na hawak ko.

"Okay lang, Val."

"Hmm? Eh bakit parang hindi ka naman okay ngayon? Anong nangyari? Nag away ba kayo?"

Umiling ako.

"Hindi ah."

"So anong nangyayari sayo at napakalalim ng iniisip mo?"

Tumayo ako. Napabuntong hininga muna ako bago ko sagutin si Valeen. Tumingin ako sakanya.

"Nagkita kami."

"Ha?"

"Nagkita kami nung time na nagpunta kami ni Ben sa mall. Nakita namin siya."

Nanlaki ang mata niya.

"What? As in si Ex? Nakita mo si Ex with your present nung araw na yun?"

Tumango ako.

"Anong nangyari?"

"Okay lang naman. Napaghandaan ko naman na kung sakali na may pagkakataon na magkita kami. Alam mo naman na mapaglaro ang tadhana."

"Anong reaksyon niya?"

"Wala."

"Ha?"

Flashback...

Natatawa ako sa mga kwento ni Ben ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Napatingin ako sa tinitingnan niya. Halos tumigil ang takbo ng oras ng makita ko siya na kakalabas lang sa isang shop. Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Ben sa kamay ko. Napatingin naman ako sakanya.

"It's okay.."

Muli kaming tumingin kay Elmo na ngayon ay nakatingin na samin. Lumapit pa kami sakanya.

"Hi Elmo."

Sabi ni Ben. Tumango lang si Elmo kay Ben tapos tumingin siya sakin.

"H..Hi.."

Umayos ka Julie. Bakit kailangan mong kabahan sa presence niya? Nandito si Ben. Hindi ka niya papabayaan.

"Hi."

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong meron pero parang nasasaktan ako ng makita kong walang kahit anong emosyon akong nakikita sa mata niya. Kilala ko si Elmo. Pareho kaming may gusto ng mata ng isa't isa. At ngayon...nasasaktan ako dahil wala akong makita kahit isang emosyon dito.

"Kamusta ka na, Elmo? Congrats pala sa album mo." Sabi ni Ben.

"Salamat. Ok lang ako, kayo ba?"

"Okay naman kami. Mag isa ka lang ata?"

Bigla siyang tumingin sakin. Nagulat naman ako. Sana hindi niya napansin na kanina ko pa siya tinititigan.

"Oo mag isa lang ako. Don't worry, sanay na ko."

Pareho kaming natahimik ni Ben. Double meaning ba yun? Bakit ka ganyan, Elmo? Wala kang binibigay na emosyon. Pero bakit nakakaya mo pa rin akong masaktan sa ginagawa mo?

"I mean, busy kasi ang pamilya ko kaya nag mall muna ko. Pabalik na din ako sa condo."

Tumango naman si Ben.

"Sige, nice seeing you, Elmo."

Muli, tumango lang siya samin at naglakad na. Hahayaan mo ba siya, Julie? Wala ka man lang bang sasabihin sakanya? After all, naging kaibigan at naging...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon