"Destination"

1.4K 65 1
                                    


"Destination"

Akala ko kapag nanghingi ako ng break sa mga sakit na nararamdaman ko magiging okay ako, but it is so wrong to believe that. Based in my experience, having a break means losing the one you love.

"Julie, for once lang ah? For once can you be honest? Hindi ka na nagiging honest sa sarili mo pati na din sa mga taong nasa paligid mo. Kita mo napapala mo? Ayan, masakit."

Huminga ako ng malalim bago uminom ng wine na iniinom namin ni Maqui. Yes, inimbitahan ko si Maqui dito.

"Honest? Nakalimutan ko na ang salitang yan at kung anong definition niyan, Maq."

"Tss. Matalino ka nga, bobo ka naman sa pag ibig. You started it right? Inumpisahan mong bumitaw."

"Hindi naman pag bitaw ang tawag dun, Maq. Nanghingi lang ng break, space, masakit na eh. Kailangan ko muna huminga."

"At sa paghinga mo, hinayaan mo siya? Nung hinayaan mo siya may bonus pa, binigyan mo siya ng karapatan na maghanap ng iba? Oh ngayon, nandito ka, nagpapanggap na okay, nag eentertain ng suitors pero yung puso mo iba ang hanap. Julie naman, yun ba plano mo? Ang epic ah."

Umiling ako.

"Hindi yun ang plano ko Maq. Wala akong plano. Break, breathe, yun lang.."

Napakamot ng ulo si Maqui.

"Ang gulo mo din, Julie Anne. Break, breathe, akala mo naman ikaw lang may kailangan nun. Siya ba hiningi din niya yan? Ang alam ko hiningi niya sayo maghintay ka kasi aayusin niya yung gusot. Aba, hindi naman nakapaghintay eh."

Napayuko ako. Tiningnan ano wine glass na hawak ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Maq."

"Okay ganito.."

Tumingin ako sakanya. Hinila niya ko papasok sa kotse ko.

"Maq, sabi ko dito lang tayo sa bahay. Saan tayo pupunta?"

"Gaga! Hindi tayo aalis! Sakay."

Sumakay ako. Sumakay din siya.

"Ano bang gagawin natin, Maq?"

"Ngayon, ipikit mo ang mata mo."

Imbis na magreklamo at magtanong ako, pumikit ako.

"Isipin mo, wala ako ngayon sa tabi mo. Ikaw lang. Nagmamaneho ka sa isang road."

Ginawa ko ang sinasabi ni Maqui.

"Tapos yung road napakahaba, ang tagal mo ng nagmamaneho hanggang sa napagod ka. Dahil sa napagod ka kailangan mong magpahinga, so nag stop over ka. Nung kaya mo na, nagmaneho ka ulit tapos napagod then stop over ulit, hanggang sa nakasanayan mo na dahil nga mahaba yung daan na tinatahak mo, ngayon isipin mo, sa kaka stop over mo, paano mo mararating ang destination mo?"

Minulat ko ang mata ko. Tiningnan ko si Maqui.

"Julie, yang example na yan parang ikaw, parang kayo. May tinatahak kang daan, nung napagod ka, nagpahinga ka. Tulad ng sabi mo, huminga kasi masakit na. So nag stop over ka, yung stop over na yun, may mga nakikilala ka. Mga taong nagpaparamdam din sayo na importante ka, gusto ka, mahal ka na, pero Julie, hindi yun ang destination mo."

"S..Saan nga ba ang destination ko, Maq.."

Napayuko ako.

"Kung gusto mo talaga malaman, mag drive ka."

Napatingin ako sakanya.

"Saan ako pupunta?"

Ngumiti si Maqui sakin.

"Sa taong may hawak ng puso mo."

Nagising ako ng maaga at medyo masakit ang ulo ko. Sinandal ko ang ulo ko sa head board. Napaisip ako sa lahat ng pag uusap namin ni Maqui. Iniisip ko kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Humawak ako sa dibdib ko. Pinakiramdaman ang bawat pintig ng puso ko.

"What if hindi na natin kayang isalba? What if mas maganda kung hindi ko na mahanap ang daan patungo sayo? What if kunin ko na sayo ang puso ko?"

"JULIE! MAG AYOS KA NA ANAK MAY SPS KA PA!"

Nag ayos na ko ng sarili ko at pumunta na kami sa GMA. Nag rehearsal muna kami. Ilang sandali pa nagsimula na ang sps.

"Julieta, alam mo kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Sabi ni Barbie.

"True! Yan kasing nangyayari sainyo very Romeo and Juliet! Bawal na pag ibig!" Sabi ni Joey.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi naman sa bawal hindi lang talaga pwede. Yung alam mong para kayo sa isa't isa pero hindi kayo pwede magsama."

Umupo si Joey sa tabi ko.

"Pwede, Julie. Kung marunong ka lang maging selfish."

"Ha?"

"True! Tama si Joey, Hulyeta. Kung mahal mo pa rin talaga siya maging selfish ka na at sabihin mo sakanya! Go go go!"

Napangiti ako.

"Thanks Guys ah. Kayo lang nakakaintindi ng sitwasyon namin ni Elmo."

"Hmm, so anong balak mo?"

"Pupuntahan ko siya mamaya."

Matapos ang SPS agad na kong pumunta sa condo niya. Kumatok ako at wala namang nagbubukas. Wala pa siguro siya dahil galing silang resorts world. Umupo muna ko sa sahig sa gilid ng pinto niya.

"Julie..Julie..."

Nararamdaman ko na may kumakalabit sakin. Napamulat ako at bumalik sa wisyo na nakatulog pala ako. Napatingin ako sa harap ko.

"E..Elmo.."

"Nakatulog ka.."

Tumayo ako at inalalayan naman niya ko. Pinagpag ko ang damit ko at tumingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm.."

"Pasok ka muna."

Binuksan na niya ang pinto. Pinauna niya ko. Huminga ako ng malalim bago harapin siya pero mas nagulat ako. Niyakap niya ko patalikod.

"Hindi ko alam kung anong rason kung bakit nandito ka pero wala na kong pakialam. Masaya ako na nandito ka.."

Dinama ko ang yakap niya. Tinago niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko na may maliliit na halik sa leeg ko. Hinarap niya ko sakanya.

"Namiss kita.."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag salita nung nakita ko ang mata niya. Hinalikan niya ko sa labi. Tinutulak ako ng labi niya papunta sa kwarto niya. Naramdaman ko na nalaglag ang katawan ko sa kama. Napunta ang halik niya sa leeg ko. Ang kamay niya sa bewang ko. Ang kamay ko sa balikat niya.

"M..Moe.."

Tumingin siya sakin. Ngumiti siya sakin at parang lahat ng what if, worries, at kahit ano pang iniisip ko ay biglang nawala. Ngumiti nalang ako sakanya.

"I found my destination and that is you."

Ngumiti siya sakin.

"It's been a long ride."

"A very long ride."

Hinalikan niya ko at ngumiti.

"But we still found each other."

Tumango ako.

"Please wag kang magsasawa sa ride na ito."

"I will. Next destination na tayo?"

"Hmm? Saan?"

"Making babies?"

Pinalo ko siya at namula naman ako. Tumawa siya.

"Just kidding. Our next destination is forever."

"Forever. Kapit lang."

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now