"Manga"

1.4K 79 10
                                    


"Manga"

Naghihintay ako ngayon sa isang tao dito sa may centris. Walang masyadong tao dito kaya sigurado ako na makakapag usap kaming dalawa.

"Moe!"

May narinig ako na tumawag sakin. Nandito na siya. Dahan dahan akong lumingon. Nasa likod na siya at nakangiti sakin.

"Hey bro!"

Sumama ang tingin ko sakanya na siya namang nagpawala sa ngiti sa labi niya. Nakalagay ang dalawang kamay ko sa aking bulsa. Iniiwasan na may magawa akong kasalanan sa taong ito.

"Uhm..bakit nakipagkita ka, Moe?"

"Alam kong alam mo ang dahilan."

Natahimik siya at mukhang nag iisip sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin.

"Tungkol ba ito.."

"Exactly."

"Moe, wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko dun eh. Wala talaga. Hindi ko naman inisip na may masasabi at mag rereact ang mga fans niyo sa sinabi ko. At isa pa hindi ko naman alam na malalabas agad yun eh diba taping yun."

Napakunot noo ako.

"Alden, wala akong pakialam sa kung kahit ano pa mang dahilan mo o sa kahit ano pang gusto mong iparating. Ang sinasabi ko lang at ang punto ng pag uusap natin ngayon at iwasan mo madamay si Julie. And what did you say a while ago? Hindi mo naisip na magrereact fans namin? Stop blaming our fans! They also have the right to react, Alden. Alam mo yan."

"Pero mali sila ng pagkakaintindi, Moe. Nag react sila kaagad."

"Because of you fans!"

Natahimik siya.

"They don't even care about you, Alden. They just don't. Pero yung fans mo, diba nag react din sila? Bakit lahat ng blame nasa fans namin?"

Napayuko siya.

"I'm sorry, Elmo."

"Hindi sakin. Sakanya dapat pero since ayoko na lumapit sakanya, ako nalang ang magsasabi ng sorry mo kung talang sincere ka sa pag hingi mo ng tawad."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko para protektahan siya."

Umiling ako.

"Hindi mo siya kailangan protektahan, Alden. That's my job. Because I'm Elmo Magalona and I belong to Julie Anne San Jose and she belongs to me."

"Sorry ulit, Elmo."

"One wrong move again, Alden. One wrong move."

At naglakad na ko palayo. Sumakay ako sa kotse ko at huminga ng malalim. Napapikit ako. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko kung hindi baka ano na ang nangyari. Tiningnan ko ang cellphone ko. Pupuntahan ko muna siya. Sigurado ako na nakarating na sakanya ang nangyari at sigurado ako na iniisip na niya ngayon yon.

"Alam ko na.."

May dinaanan muna ako bago pumunta sa GMA. May taping kasi sila at sure ako na siya ang ihuhuli. Masaya ako na umakyat sa taas ng marinig ko ang tawa niya. Agad akong napangiti. Nasa green room siguro siya.

"Chelmo?"

Napalingon ako.

"Val."

Nag beso kaming dalawa.

"Kamusta? Ove the bakod ka ulit, hahaha."

Ngumiti ako.

"Oo para kay Choolie Anne."

JuliElmo One Shots Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt