"Take Two"

1.2K 61 4
                                    


"Take Two"

SNBO.

Ipapalabas ngayon ang In Control concert niya kaya naman hindi pa ko natutulog kahit ang totoo niyan ay antok na antok na talaga ako. Gusto ko kasi mapanuod ang In Control niya kahit pa nandun ako. Yes, nandun ako. Todo disguise lang ako ng mga panahon na yan at sinakto ko talaga na pa close na ang gate bago ako dumating para alam mo na, lahat ng tao nasa loob na.

Hindi ko mapigilan na maisip ang nangyari sa concert niya. Ang marinig ko na sinisigaw nila ang JuliElmo. Ang marinig ko ang pangalan ko sa concert niya mismo. Kahit pa wala ako doon hindi talaga matatanggi na ako ang gusto makita ng mga tao doon. Kung pwede lang talaga sabayan siya sa bawat pagkanta niya ginawa ko na. Pinayagan naman na kasi ako ang problema may loveteam ako at si Janella yun. Ayoko naman na isipin ng tao sa paligid namin na ginagamit ko si Janella.

"Kuya!"

Oo nga pala may kasama ako. Si Arkin.

"What?"

"Kung ayaw mong sagutin yang phone mo sana ioff mo nalang dahil busy ako sa paglalaro ng into the dead. Nakakairita kaya!"

Napailing ako. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at automatic na napangiti ako. Tumayo ako at pumunta sa may veranda namin.

"Oh Maqui?"

(Peste! Bakit ang tagal mo sumagot?)

"Uhm..nanunuod kasi ako ng In Control ni Julie."

(Oh yeah? Guess what?)

"What?"

(Habang nanunuod ka dyan yung karibal mo nandun sa bahay nila at nakikinuod.)

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Maqui.

"What? Totoo ba yan? Pumunta pa talaga siya sa bahay nila Julie para makinuod? Ano wala ba siyang TV?"

(Loko! Malamang part nanaman yan ng karumaldumal na taktika niya.)

Napabuntong hininga ako.

"Ayaw na ata talaga sakin ng bestfriend mo eh."

(Gago ka din eh! Kung kumikilos ka kaya dyan para hindi ka natatalo? Wala ka naman kasing ginawa kundi magpagwapo eh!)

"Eh anong gagawin ko? Alangan naman puntahan ko din siya? Hindi ba siya binalaan ni Tito Jonathan ng curfew ni Julie?"

(Diba ang sabi mo ikaw ang manok ni Tito? Ano tutunganga ka nalang? Magpapatalo ka nalang? Naku Elmo Magalona! Sayang ang pusta namin sayo kung ganyan ganyan ka din. Babagal bagal!)

Binaba na ni Maqui ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko. Madaling sabihin na pupunta ka lang doon pero paano kapag nandun ka na? Paano kung hindi ka niya pansinin at mas bigyan niya ng pansin yung isa? Paano ako? Ayoko naman magmukhang kawawa pero ganun pa din ang labas ko.

"Alam mo puntahan mo na."

Napatingin ako sa likod ko.

"Arkin?"

"Walang mangyayari satin kung magpapatalo ka. Akala ko ba fighter ka? SuperElmo ka pa man din tapos magpapatalo ka lang sa isang CHAR-mander? Tss. So not you, Kuya."

"Hay. Bahala na nga!"

Nag ayos muna ko bago kunin ang susi ng kotse. Papatayin ko ang sarili ko nito. Ang layo kaya ng bahay niya. Pero good thing hating gabi na at wala ng traffic.

"Kuya!"

Tiningnan ko si Arkin bago ako lumabas ng pinto.

"Remember you are a Magalona!"

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now