"One of Us"

1.2K 58 2
                                    


"One of Us"

"Aalis muna ko."

"Ma? Saan ka po pupunta? Diba po lalabas tayo nila Papa? Treat ko po kayo sa labas?"

Napangiti naman ako. Lumapit ako kay Julie at hinalikan siya sa pisngi.

"Julie, babalik naman ako. May pupuntahan lang ako."

"Saan naman po?"

"Uhm, sa mga amiga ko. Wag ka na magtanong hindi mo naman sila kilala. Old friends kumbaga. Aalis na ko para makabalik ako mamaya. Magsisimba pa tayo diba?"

"Hm, okay po. Alam na po ba ni Papa na aalis ka po?"

Tumango naman ako.

"Oo. Oh, alis na ko ah?"

"Teka po, may susundo po ba sainyo, Ma? Gusto mo po hatid ko na kayo?"

"Ano ka ba, dyan ka nalang. Tumawag na ko ng grab car. Kaya ko na ito."

"Pero.."

Hinalikan ko siya sa pisngi at naglakad na palabas.

"Sige na, anak! See you later!"

Lalabas na sana ako sa gate ng tinawag nanaman ako ni Julie. Nilingon ko naman siya.

"Ma!"

"Hmm?"

Ngumiti siya.

"Happy Birthday po."

"Salamat anak."

Tuluyan na kong lumabas at sumakay na sa grab car. Ilang minuto pa nakarating na ko. Nagpababa ako malapit sa isang mall doon. Sakto naman na nakita ko siya na nakatayo doon. Simple lang, naka shorts at white polo.

"Anak!"

Napatingin siya sakin. Nakita ko ang pagka excite sa mukha niya. Agad siyang tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mama! Happy Birthday po!"

"Hahaha! Ikaw talaga. Salamat!"

Hinarap niya ko at hinalikan sa pisngi.

"Ma, namiss po kita."

"Namiss din kita. So ano? Tara na? May lakad pa kasi kami mamaya."

Ngumiti siya sakin.

"Sure, Ma."

Sumakay kami sa kotse niya. Knowing him? Alam ko na dadalhin niya ko sa mga resto na hindi ko pa napupuntahan.

"Hindi naman po sila naghinala, Ma? Lalo na po si Julie?"

"Hindi naman. Sinabi ko naman na mga amiga ko ang kasama ko."

"Ahh.."

Tinapik ko siya sa balikat.

"Ikaw naman kasi, Anak. Bakit ba kasi hiniling mo na itago pa natin? Si Papa mo lang ang nakakaalam. Tska, papayag naman si Julie if ever na sinabi natin yung totoo."

Nakita ko na pilit lang siyang ngumiti sakin.

"Ma, hindi po ako makakatulong kapag ginawa ko yun."

"Tulong saan?"

"The more na mas napapalapit po kayo sakin, the more na hindi niyo po mabibigyan ang choice niya na makilala niyo siya ng lubusan."

"Elmo.."

Nginitian niya nalang ako.

"Wag nalang po natin isipin yun, Ma. Mag enjoy nalang po tayo."

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now