"Pokemon"

1.1K 67 2
                                    


"Pokemon"

"Kaya naman pala ang tagal lumabas, iniistalk lang pala ang girlfriend."

Natawa naman ako.

"She's not my girlfriend, Janella."

"Oh really, Cookie Monster?"

Ngumisi ako.

"Not yet...again."

Natawa naman siya at hinampas ako. Kinuha niya ang cellphone ko at tiningnan ang mga larawan doon na kaka save ko lang.

"Ang ganda niya noh. Blooming. Siguro, in love."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At kanino naman?"

Time naman ni Janella na ngumisi.

"Kay Charmander."

Kinuha ko ang cellphone ko sakanya.

"Tss. Asa! Buhusan ko ng tubig yang charmander na yan para tuluyan ng mawala ang apoy sa buntot niya!"

Para tuluyan na siyang mawala. Natawa si Janella.

"Seloso! Haha. Sus Elmo, nagsawa na siya sa sesame street doon naman siya sa pokemon."

Tumayo ako at kinuha ang script ko.

"Jea, ito lang yan. Ayawan man niya ang sesame street di pa rin siya makakawala sakin."

"Hm?"

"Poke-MOE-n. Itaga nila sa bato yan!"

Iniwan ko si Janella ng tawa ng tawa sa loob ng dressing room. Nagsimula na kaming mag take. Konti lang naman para sa araw na ito, umuulan kasi. Matapos yun nakita ko na may nag notif sa cellphone ko. Napakunot noo ako ng may itag sakin ang mga fans namin.

"Tang inang, commentzone nanaman sila."

"I told you so.."

Tiningnan ko si Janella.

"Ayaw na niya sa sesame street."

Ngumisi ako.

"Talaga? Then I'll make her love it again."

"At paano?"

"Basta."

Tumingin ako sa cellphone ko. I'll get you back. Matapos ang taping nagpunta ako sa grocery para bumili ng pagkain ko. Napapadalas na kasi ang pagbili ko ng pagkain sa resto kesa lutong bahay. Sakto lang naman ang get up ko. Lakad dito at lakad doon ako at ng matapos dinala ko muna ang mga pinamili ko sa kotse ko.

"Shit! Nakalimutan ko bumili ng desserts."

Umakyat ako sa taas para hanapin ang favorite dessert shop ko ng may pamilyar na tao akong nakita.

"Kita mo nga naman ang pagkakataon.."

Lumapit ako sakanya. Malamang nasa loob din siya ng favorite dessert shop ko.

"Ano kayang masarap dito.."

"Lahat naman."

Napatingin siya sakin.

"Elmo."

Ngumiti ako.

"Alam mo din pala itong shop na ito, Benj?"

"Ahh. Oo, may nakapag sabi lang na masarap nga daw dito."

"Sino naman?"

"Ha?"

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now