"Iron Girl"

1.6K 63 0
                                    


"Iron Girl"

Wala naman masyadong gagawin at sobrang inip na inip ako. Gusto ko makipaglaro kay Jac kasi busy naman siyang matulog. Si Joanna naman busy sa pagbabasa ng libro. Hay. Bumaba ako baka sakaling may magawa ako. Nakita ko si Mama na namamalantya.

"Ma?"

"Oh anak? Bakit? Nagugutom ka?"

Umiling ako. "Wala po akong magawa sa taas."

Napangiti si Mama.

"Mag twitter ka, snapchat o kaya insta."

"Nagsawa po ako eh."

Umupo ako sa may sofa at tiningnan lang siya.

"Si Papa po?"

"Ah..may pinuntahan lang."

"Ahh.."

Pinapanuod ko lang si Mama kung anong ginagawa niya. Hindi kasi ako marunong mamalantya. Hindi ko din naman alam kung anong gagawin ko kaya..

"Ma? Can I try?"

Nakita ko na nanlaki ang mata ni Mama.

"Ano anak? Try? Hindi ka naman marunong baka mapaso ka lang."

"Eh Mama sige na po."

"Julie, kapag napaso ka naku."

"Turuan mo nalang po ako Mama."

"Okay sige."

Lumapit ako kay Mama. Tuturuan niya sana ako ng biglang may narinig si Mama sa kusina.

"Hala! Nagbake nga pala ako ng pandesal. Sandali lang."

Umalis na muna siya. At dahil medyo inakala ko na madali lang ang pagplantya nag marunong ako. Nung una okay pa. Madali lang pala ito. Maya maya bigla kong narinig ang boses niya. Nakita ko siya sa commercial. Natulala ako at parang dinala ako sa ibang mundo nito.

"JULIE ANNE! BAKA MASUNOG YUNG DAMIT!"

Dahil sa gulat ko hindi ko naiwasan na mapaso ng iron. Napalayo ako.

"Aray aray! Ang init!"

Lumapit kaagad sakin si Mama.

"Ayan naman kasi anak. Bakit hindi mo ko hinintay? Tingnan mo oh."

Halos maiyak ako kasi ang sakit pala.

"Anong nangyari?"

Napatingin kami kay Papa na kakapasok palang.

"Paano gusto matuto mamalantya eh hindi naman ako hinintay muntik pa masunog damit niya."

Nag pout ako.

Tumawa si Papa. "Naiinip na talaga ang anak ko noh? Osya, tamang tama pala itong dala ko. Mapagkakaabalahan mo."

"Po?"

Biglang may pumasok sa pinto namin. Nanlaki naman ang mata ko.

"E..Elmo?"

Ngumiti siya sakin. Tumingin ako kay Papa.

"Alam ko na miss na miss mo na siya at dahil sobrang busy niya ako na mismo ang sumundo sakanya. Mabuti nalang at wala din siyang ginagawa kanina ka pa pala niya tinatawagan di mo sinasagot."

Lumapit si Elmo kay Mama at humalik.

"Namiss po kita Tita."

"Namiss din kita Elmo. Ano yang mga dala mo? At alam ba ni Pia na hihiramin ka namin?"

Tumango si Elmo. "Alam po ni Mommy. Ito po pala yung pasalubong ko sainyo nung nag Japan po ako."

"Ay salamat."

Lumapit si Elmo sakin. Hinalikan niya ko sa noo.

"Hey beautiful. Anong nangyari?"

Nag pout ako. "Napaso."

Napatingin siya sa ginagawa ni Mama. Napangiti siya.

"Tara gamutin ko."

"Anong gamot dito?"

"Toothpaste."

"Sige na umakyat na kayo Julie kasama mo naman na si Elmo hindi ka na maiinip."

Tumango naman ako. Umakyat na kami ni Elmo sa kwarto ko. Pinaupo niya ko sa kama ko habang siya naman ay nasa banyo kumukuha ng toothpaste.

"Oh lalagyan ko na.."

"Later na."

Niyakap ko siya. Namiss ko talaga ang mokong na to. Yumakap naman siya pabalik. Nag sway kami. Slow dance kumbaga.

"Bakit mo ba kasi naisipan mag plantsya?"

Tumingin ako sakanya. "Kasi baby.."

"Hmm?"

Hinarap niya ko sakanya. Napabuntong hininga ako.

"Naalala mo nung nasa condo mo tayo? Lukot lukot yung polo mo. Dahil sa pagmamadali mo dahil may shoot ka eh hindi ka na nakapag plantsya. Ayoko naman na umalis ka na lukot ang damit mo kaya ayun..eh hindi ako marunong. Sinabi ko sa sarili ko na matututo ako mag plantsya para sayo."

Nakita ko na napangiti si Elmo.

"Ikaw talaga. Thank you for being so sweet pero wag mo na ulitin. Ayoko na mapaso ka ulit."

"Gusto ko pa din matuto, Moe."

Natawa siya. "Tigas ng ulo pero ikaw bahala Iron girl."

"Lakas mang asar! Makikita mo matututo din ako. Dapat ikaw din para ikaw ang Iron man ko."

At nagtawanan kami. Humiga ako sa kama habang nagpapalit naman ng damit si Elmo. Paglabas niya ng CR, lumapit kaagad siya sakin.

"Masakit pa din ba? Ayaw mo ba na lagyan natin ng toothpaste para malamigan?"

"Medyo pero kaya naman."

"Tss. Hindi yan."

Natawa ako. "Nag tataray ka nanaman. Kiss mo nalang."

Ngumisi siya. "Sige."

Kiniss niya ko pataas. Pak! Wrong move Julie Anne. Hindi nagpapalamig si Elmo, nagpapainit yan edi mas lalo kang napaso. Shiz. Pataas ng pataas hanggang..

"Ouch Moe!"

Narinig ko na napa giggle siya.

"Bakit mo kinurot?"

"Para magising ka. Nakatulala ka kasi sakin eh."

"Tss."

Umupo ako. "Shit Moe! Namumula."

"Oh talaga?"

"Oo. Ito yung paso ko sa kamay. Bakit ba sa baba ka nanggaling?"

Ngumisi ulit siya. "Para exciting."

Umupo siya at kinuha ang cellphone ko. Tinitingnan ko ang kinurot niya.

"Good shot."

"Ha?"

"Nothing. Mawawala din yan. Sorry na baby."

"Hay. Oo na pero para makabawi ka kuha mo muna ko ng juice sa baba."

Tumango siya. "Sige po kamahalan."

Hinalikan niya ko sa labi bago bumaba. Tiningnan ko ang ginawa niya sa phone ko. Wala naman. Mag snapchat nga ako ng paso ko dito sa kamay. Pagkabukas ko..shiz! What the? May snapchat doon ng legs ko na napaso ako ng iron. Tingin mo may maniniwala sakin na napaso ako sa legs pa? Waaah. Baka isipin nila...

"ELMO MAGALONA!!!!!!"

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now