"Cruel Dreamer"

1.5K 53 3
                                    


"Cruel dreamer"

"Sabi na nga ba nandito ka eh."

Napatingin ako sa gilid ko. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito. Nakatingin lang ako sakanya at hindi ko makuhang magsalita. Julie speak up.

"Okay ka lang?"

"Tingin mo.."

Ngumiti siya at umiling. Totoo nga ang sabi nila, masakit pala talaga ang ganung gesture.

"Matagal tagal na din tayong hindi nagkasama. Matagal ng hindi sabay na kumanta.."

Tumango tango ako. Ang alam ko gusto ko mapag isa pero nandito siya at anong pinag uusapan namin? Ang nakaraan namin.

"Hey."

Humarap siya sakin. Nag indian seat siya at pinaharap niya ko sakanya.

"Kwentuhan tayo."

"Ha?"

Ngumiti siya. "Natatandaan mo? Noon pa man hirap na tayong mag usap. Mahiyain kasi ako. Mas gusto ko na ako lang mag isa. Tapos biglaan lang lahat, sinabi lang naman na mag prod tayo at kita mo, nag boom ang career nating dalawa. Hindi ko naman kasi inakala na ang pagkakaroon ng ka-loveteam ay makakatulong pala sa career natin."

"Hmm. Yeah."

"Pero alam mo? Hindi lang naman love team o tandem lang ang nahanap ko sa pagsasama natin. Nakahanap ako ng bagong kaibigan. Taong makakaunawa sakin, taong magtuturo sakin ng mga simpleng bagay, at taong maglalabas ng tunay kong kakayahan."

Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga sinasabi niya. Aware ba siya na ang pinag uusapan namin ay yung nakaraan namin? Kung paano kami nagsimula? Ito ang dahilan kung bakit ako nanahimik pero ito din ang dahilan kung bakit nandito siya.

"Julie, hindi ka lang basta parte ng buhay ko. Kung sinasabi nila na bakit hindi mo ko iguest sa concert mo eh parte naman ako ng 10 years mo dito. Iba kasi sakin eh. Alam mo yun.."

Yumuko siya. Hindi ko na napigil ang luha ko at tumulo na sila.

"Hindi ka lang basta parte, ikaw mismo ang naging buhay ko nung mga panahon na yun. Halos sa ating dalawa umikot ang career natin at hindi ako nagsisisi doon. Natutuwa pa nga ako. Palagi kong hinihintay na magka duet tayo..kumanta, sumayaw o umarte pa yan. Lahat gusto ko. Hindi lang ako showy."

"Moe.."

"Lahat yun Julie mahalaga sakin. At alam ko mahalaga din sayo yun. Ngayon na magkahiwalay tayo, ang katanungan ng lahat, paano si Elmo kung wala si Julie? Paano si Julie kung wala si Elmo? At paano ang fand natin kung wala tayo? Nalagpasan na natin yan diba?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya yun at hinalikan.

"Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan natin. Lalo na sa part ng fans natin pero kung ito talaga ang itinadhana satin, kailangan natin tanggapin. Naghiwalay tayo di dahil gusto natin, naghiwalay tayo dahil kailangan natin. So kung masaktan, so be it. Kailangan natin yun."

"Pero ayoko na silang masaktan kahit pa alam ko na bawat kilos ko nasasaktan ko na sila."

Napayuko ako.

"Gusto kong ibigay yung mga hinihiling nila. Dahil alam ko na importante sakanila ito. Importante yung mga bagay na nagpa grow sakin bilang artista. Gusto ko, Elmo. Gustong gusto ko. Lahat na binigay ko, lahat na inalay ko na sakanila pero Moe, may kulang. Kulang lahat ng ginagawa ko para sakanila kasi kulang ako kung wala ka.."

"Julie.."

Napapailing nalang ako at walang humpay ang luha ko.

"Julie, hindi totoo yan. Hindi ka nagkulang, ako. Ako ang nagkulang."

"Wag na tayong magsisihan, Moe..dahil kahit anong gawin natin hindi natin mabibigay ang gusto nila. Ang dream nila na magsama ulit tayo.."

Pareho kaming nanahimik. Naalala ko sa stage na ito, pareho kaming kumakanta. Nag aalay ng mga kanta, sayaw sa lahat ng nanunuod samin. Ngayon, maaalala ko ito na pareho kaming nasasaktan. Ipinikit ko ang aking mata. Nagbabasakali na panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto ko lang naman magpasaya ng tao, wala naman akong pinangarap na makapanakit ng tao lalo na ng mga taong dahilan kung bakit ako nandito.

When the light disappears
And when this world's insincere
You'll be safe here

Minulat ko ang mata ko. Nakita ko siya na nakatingin sakin habang kumakanta.

When nobody hears you scream
I'll scream with you
You'll be safe here

Hindi ko maiwasan na maalala na nag aaway away na ang mga fans namin dahil lang sa mga hinaing nila na naiintindihan ko naman. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil pare-pareho lang kaming nasasaktan.

In my arms
Through the long cold night
Sleep tight
You'll be safe here

Inakbayan niya ko at hinalikan sa noo.

When no one understands
I'll believe
You'll be safe..

Nasasaktan na ko. Nakakasakit na ko..


You'll be safe

Tumingin ako sakanya. Nakikita ko na nasasaktan din siya.


You'll be safe here..

Ano pa bang dapat kong gawin? Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Napatingin ako doon. At napatingin ako sakanya.

Put your heart in my hands

"You'll be safe here.."

Nakatingin lang ako sakanya. Parang sinasabi ng mata ko kung ano ng gagawin namin. Sinasabi nito na kailangan ko na ng tulong niya.

"Life could be cruel if you're a dreamer, Julie. If I were them, I'd rather believe because if you do believe in something you can achieve anything."

"Moe.."

Ngumiti siya sakin.

"I have 23 days left to make it happen. If I fail, you're still the greatest thing that ever happened to me."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Lord, hindi ko po alam kung ano pong iisipin ko ngayon pero gusto ko pong magpasalamat kasi binigay niyo siya sakin. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako bumibitaw. Sana maging maayos na po..

"Mahal kita.."

Mahal din kita, Elmo. At least I have you by my side. Thank you.

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now