"Quits"

1.2K 65 27
                                    


"Quits"

"Cookie monster ang sarap nitong ice cream na binili ko gusto mo?"

Napatingin ako kay Janella.

"Cookie monster?"

Pilit akong ngumiti sakanya. Lumapit ako sakanya. Alam ko na alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. Binaba niya ang binili niyang ice cream at lumapit ulit sakin.

"Hug nalang kita?"

Niyakap ko nalang siya at doon nagsimulang umiyak. Hindi ko akalain na maipapakita ko kay Janella ang side kong ito. Yung down na down. Para akong batang inagawan ng candy, iniwan ng magulang, nasugatan dahil sa pag bibike.

"Shh..kaya mo yan."

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa balikat niya. Ilang minuto din akong umiyak sakanya. Umupo kami. Nakatulala lang ako habang siya naman pinapanuod ang video na nagpabago ng takbo ng puso ko. Nagpabago sa takbo ng pinanghahawakan ko. Nagpabago sa pananaw ko.

"Cookie Monster.."

Tumingin siya sakin matapos niyang mapanuod yun. Hindi ako nagsasalita. Tumayo siya at lumabas muna. Ilang sandali pa bumalik na siya. Tahimik lang kami doon lalo na ako na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Masyado kong iniisip ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Cookie monster, labas muna tayo. Pahangin ka muna. Kapag masakit na ihinga mo muna."

Kinuha niya ang kamay ko at inilabas ako. Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

"Moe!"

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko na kakalabas lang ni Maqui sa kotse niya. Nakatingin siya sakin. Lumapit siya sakin.

"Moe.."

Napayuko nalang ulit ako.

"Halika nga.."

Binigyan niya ko ng madiin na yakap. Heto nanaman ang tubig sa mata ko gusto nanaman nilang bumagsak. Kumalas si Maqui.

"Tinawagan ako ni Janella."

"Alam ko kasi na mababawasan ang sakit na nararamdaman mo Cookie Monster kung may tao kang masasabihan."

"Sorry Moe. Wala ako sa tabi mo nung nasasaktan ka na ng best friend ko."

"Maq.."

"Tagay tayo?"

"Moe.."

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at naglakad na. Bago pa ko makapasok sa kotse ko narinig ko na sumigaw si Janella.

"Cookie Monster!"

Huminto ako sa paglalakad.

"Ya I liked him palang naman. Hindi pa naman yes i'll marry him. May pag-asa ka pa!"

Nilingon ko si Janella. Pilit akong ngumiti sakanya. Tiningnan ko si Maqui. Sumakay na siya sa sarili niyang sasakyan. Sumakay na din ako at nag drive. Mabilis akong nakarating sa isang convenience store. Bumaba ako at bumili ng maraming alak.

"Moe, ang dami naman niyan."

"Nag text ako kala Rocs. Pupunta sila sa condo. Doon nalang tayo mag inuman."

Napabuntong hininga si Maqui.

"Kuha lang akong chips."

Matapos namin mabayaran nagpunta na kami sa condo ko. Nagbihis muna ko. Nagpunta ako sa kusina at nagluto ng pwede naming mapulutan.

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now