"Ocean Eyes"

1.4K 53 0
                                    


"Ocean Eyes"

Napakamot ako sa ulo ko kasi tinatawanan ako ni Tito Jonathan at hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.

"Jonathan, stop na nga yan."

"Haha. Sorry asawa ko. Si Elmo kasi nakakatawa."

"Hmm? Ano naman ang nakakatawa sa ginawa niya? Ang sweet nga eh."

Pagtatanggol sakin ni Tita.

"Pambihira ka Elmo. Kung hindi pa kita nakilala kanina edi hindi ka makakapasok dito? Sobrang pag disguise naman kasi ang ginawa mo anak."

"Uhm..ayoko lang po kasi na gamitin ang pagka Elmo Magalona ko dito. Hindi po natin alam baka may mga press sa paligid."

Napailing si Tito. "Sabihin mo nga sakin anak, anong sadya mo dito?"

"Po?"

"Jonathan! Siyempre ang makita ang anak natin."

Ngumisi si Tito. "Asawa ko, dalawang bagay lang naman yan eh. Ang makita ang prinsesa niya at bantayan ang sirena niya."

Napakunot noo si Tita Marivic.

"Oh...dahil ba.."

Tumingin siya sakin.

"So tama ba ang Tito mo Elmo?" Ngisi niya.

"Ah..eh..ano po..uhm.."

Tinapik ni Tito ang balikat ko.

"Dyan naman ako bilib sayo Elmo eh. Yung pinapaalam mo sa iba kung ano ang pag aari mo. Pagpatuloy mo ah? Hanggang finish line."

Napangiti naman ako.

"Opo Tito. Sama sama tayo hanggang finish line."

"Okay boys. Tama na yan. Anak, hindi ka muna ba magpapakita kay Julie?"

Umiling naman ako.

"Mamaya na po siguro, Tita. Ayoko naman po kasi na madistract siya habang kinukuhaan siya"

"Totoo ba yan anak? O baka naman ayaw mo lang makita ka ni Julie na nagseselos?"

"May tiwala naman po ako sakanya. Minsan lang talaga nauunahan ako ng selos."

Tumango tango si Tito.

"Sige anak, ikaw ang bahala. Sa kotse na muna ko ah? Maiwan ko muna kayo ng Tita mo."

Umalis na siya. Naiwan kami ni Tita sa tagong cottage na ito. Tumingin ako kay Julie na hindi naman ganun kalayo samin. Sapat lang para hindi niya ko makita at sapat para mabantayan ko siya.

"She never stopped dreaming anak.."

Napatingin ako kay Tita Marivic.

"Po?"

Tumingin siya kung nasaan si Julie.

"She still believe that you and her will be joining in one stage again...together. Sa concert niya. Nakita ko kung paano siya malungkot kapag nakakabasa siya ng tweets about you na gusto ka ng fans niyo na makita sa concert niya. Gusto niyang pagbigyan pero paano? Hindi niya sinasabi sayo kasi alam niyang imposible."

Tumingin siya sakin.

"Elmo, anak, nagawa mong maging surprise guest sa debut ni Janella, sana magawa mo din maging guest sa concert niya. Kahit sa dressing room lang. Alam ko na magiging busy ka na pero sana kahit konting minuto ibigay mo sakanya sa May 14."

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang wallet ko at may kinuha doon. Inabot ko sakanya. Agad niya itong binuksan at napatingin kaagad sakin.

"You mean.."

JuliElmo One Shots Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt