"Focal Point"

1.4K 70 3
                                    


"Focal Point"

Natatawa ako habang pinapanuod ko ang episode ng sunday pinasaya ngayon. Nakita ko kasi na gamit niya ang cap na kinuha nalang niyang bigla sa kotse ko.

"Ang kulit mo talaga."

Natatawang sabi ko.

"Moses, stop phoning. Manunuod tayo then ganyan?"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sorry Mom."

Habang naglalakad kami may naaninag ako na isang pamilyar na mukha.

"Janine..?"

Nagbeso sila nila Mommy. Naguguluhan ako. Bakit nandito siya?

"Hi Moe."

"Uhm..Hi. Kamusta?"

"I'm good."

Tumango tango ako. Tiningnan ko si Mommy. Umiwas siya ng tingin sakin at naglakad na. Ano nanaman ito? Nawala ako sa mood kahit pa nagsimula na ang papanuorin namin. Katabi ko si Arkin at si Janine. Minsan hindi ko na talaga alam ang ginagawa ni Mommy. Tumayo ako.

"Excuse me, comfort room lang ako."

Lumabas muna ko.

"Shit! What's that? Issue nanaman to."

"Moses."

Napatingin ako kay Mommy. Nasa labas lang kasi ako ng CR. Buti nga at hindi gaano kadami ang tao.

"Mom, why is she here?"

"I invited her."

"Great. Just to remind you Mom, Janine is not my girlfriend, Julie is."

"Alam ko."

"Pero bakit siya nandito? After telling sa buong press na wala na kami then ito? Makikita nila ito for sure. Yung mga fans namin ni Julie. Ano nanaman ang iisipin nila? Mommy, I'm trying to fix something here. My relationship with my fans and me and Julie."

"I just invited her."

"You invited her? How about my real girlfriend? Did you ever think of inviting her?"

"Moses."

"Just...I need to be alone, Mom."

Umalis na muna ko at pumunta sa sasakyan. Sumasakit ang ulo ko sa ginagawa ni Mommy. Ang daming nakasalalay sa ginawa niya. First, samin ni Julie, second sa fans namin, and third, great. Hindi pa man nagsisimula ang born for you baka bumagsak na kami. Damay pa si Janella.

"Kelan ba niya maiisip yung nararamdaman ko?"

TOK TOK.

Napatingin ako sa bintana ng kotse ko. Si Janine. Sumenyas siya sakin na lumabas. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao.

"Hi.."

Pilit akong ngumiti.

"Hi"

"Sorry kung nandito ako."

"No, it's okay. Mom invited you."

Sumandal siya sa kotse.

"Namiss ko lang family mo. Hindi ko naisip yung consequence ng action ko."

"Okay lang, Janine."

"How are you?"

"Hmm. I'm good. We're good."

JuliElmo One Shots Book 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ