Chapter 1: The Announcement

775 17 6
                                    

ALEXANDER’S POV

“Ladies and gentlemen! Let me welcome you, My son, Alexander Jacob Larue, ang tagapagmana ng Larue Group of Companies”

*Handclap*Pinakilala na ako sa mga business partners ng papa ko as official tagapag-mana..

Ayaw ko naman talaga maging tagapag-mana eh!! Kaya lang hindi pwede. Simula kase nang namatay si kuya, naipasa na sa akin ang obligasyong humawak ng isang malaking kompanya balang araw..

GRRR!

Nakakinis talaga!

I hate the fact that balang araw, alam kong stuck ako sa isang 4 cornered na lugar habang nakaupo sa isang swivel chair!

Siya nga pala, ako si Alexander Jacob Larue.

19 years old. ‘Future tagapag-mana RAW ng Larue Group of Companies’

PUCHA! Kalokohan!

By the way,

Isa akong JERK,

PLAYBOY,

at CASSANOVA..

Nalulong rin ako sa bisyo. Ngunit hindi ako nag-da-drugs!.

Hindi naman ako ganito dati eh.

Ngunit ng dahil sa pagkawala ni kuya, pilit kong binabago ang aking sarili.

Kinakailangan ko kasing magrebelde sa mga magulang ko at baka magbago pa ang isip nila..

Pumupunta ako sa mga night bars gabi-gabi kasama ang barkada at nag-me-make out sa mga babae..

Madalas rin ang pag-uwi ko ng lasing.

Ngunit! Wa epek talaga sa kanila ang ginagawa ko.

“Ngumiti ka naman sa audience baby ko..”

I snapped out of my mind ng biglang nagsalita si Mama sa tabi ko...

At oo, baby ang tawag niya sa akin! Nakakainis nga eh!

“Pwede ba ma, huwag mo nga akong tawaging baby! Matanda na ako”

Pabulong kong sabi kay mama!

Tsss!

Walangya!! Pinagtawanan lang ako oh!

Nung bumaba na kami sa stage, agad naman akong nagpaalam kina mama’t papa na aalis na ako.

Pinagbigyan ko lang naman sila ngayon eh!

Nung una, ayaw nila akong payagang umalis..

Ngunit wala silang magawa.. Aalis at aalis pa rin ako >:D

Hindi naman nila ako mapipigilan. Sobrang busy din nila eh! Nag-e-entertain sa mga bisita.

“Oh tol! Kamusta na? Musta ang opisyal na tagapag-mana ng isa sa mga pinakamalaking kompanya sa mundo?” --- Chase

“HAHAHA! Congrats! P-burger ka naman pare!” --- Simon

“Burger! Burger! Burger!” --- Chase, Simon, Ash

“Tigilan niyo nga ako oh! Badtrip na nga yung tao eh!”

Nandito ako ngayon sa isang bar. Magpapalipas muna ng oras..

Ayoko pa kaseng umuwi sa amin eh! Amp >.<

“Kung magpakalayo-layo ka kaya muna pare.. At nang mahimasmasan ka.” --- Ash

Magpaka-layo-layo? Lumayas? Oo nga noh!

“Ikaw talaga Ash! Ano ba yang sina-suggest mo! Haha! ” --- Chase



“Oo nga naman! Hindi kayang mabuhay ni Alex ng wala sa puder ng mga magulang niya noh! HAHAHA!” -- Simon

Akala niyo lang yun!

*Ring Ring Ring ......*


Mom’s Calling

“Hello”

[Hello Alex! Where the hell are you?]

“I’m in hell”

[Alex! Why are you doing this? Akala ko ba napag-usapan na natin to? Umayos ka nga!]

“Diba sabi ko naman sa inyo, tutol ako sa mga plano niyo!!!”

At binabaan ko na si mama.

Walang modo na kung walang modo..

AISH! Kelangan ko na talagang lumayas!

“Mga pare, matagal na tayong magkakaibigan diba? Tulungan niyo naman ako oh”

O__O ----> Silang tatlo

“Seryoso ka jan dude?” -- Chase

*****************

Nandito na ako sa bahay at kasalukuyan akong nag-iimpake.

Napapayag ko naman ang barkada at tutulungan nila akong magpakalayo-layo rito sa Maynila.

May bahay raw ang ate ni Simon sa Davao na walang tumitira kundi caretaker lang.

May pera naman ako sa sariling bank account ko eh..

Ngunit di ko pwedeng gamitin yun at baka ma-trace ako ng mga magulang ko. Amp..

Mag-wi-withdraw na lang muna ako ng pocket money ko para dun at ako ng bahalang maghanap ng trabaho.

Tanggap naman siguro ako agad dun. Tss..

Bahala na !

Alas dos ng madaling araw ako susunduin ng mga kaibigan ko.

Hindi uuwi sina mama’t papa ngayon sa bahay. Dun muna sila sa hotel.

Haba rin kase ng byahe eh.

Nagsulat muna ako ng runaway note.

Pucha! Nakakabakla naman ito!

=__=

Pagkatapos, humiga muna ako sa kama habang hinihintay ang oras ng pag-alis ko..

Nakapag-book na agad ng flight si Ash para saken..

Para saan pa ang pagiging tagapag-mana rin nila kung wala silang mga connections.

Oo. Tagapagmana rin sila ngunit okay lang naman yun sa kanila eh!

Ako lang talaga ang di sang-ayon sa kagustuhan ng parents ko! Amp.

*teeteet teeteet*


From: Mokong_Simon

Tol, d2 na kame labas! Bilisan mo na!

Sa pag-alis ko, pilit kong ibalik sa dati ang buhay ko at malayo sa buhay ko sa Maynila..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Runaway Prince**Where stories live. Discover now