E P I L O G U E.

65.1K 2.2K 724
                                    


Epilogue:

Sabay-sabay kaming lumabas ng gubat kasama si Tyler. I was too lost in my own thoughts na hindi ko na napansin na sila ang bubungad sa amin paglabas.

"Dad." Mabilis ko siyang nayakap at naibaling ang atensyon kay Tito Matthew na halos parang nanigas sa kinatatayuan niya. Nahihiya akong humarap sa kanya ngunit kailangan.

"T-Tito, I'm sorry. Hindi ko nailigtas si Tyler." Humahagulgol pa rin ako at halos hirap nang huminga. Hindi ko nagawang lapitan si tito dahil lumapit siya kila Jester na ngayon ay buhat si Tyler. Lumuhod siya at saka yumuko habang umiiyak at mahigpit na hawak ang kamay ni Ty. Lumingon ako kay dad at saka yumakap ulit.

"Dad, what am I going to do? Wala na si Tyler, kasalanan ko 'to."

"Shh. It's not your fault, don't blame yourself." Hinimas niya ang likura ko at saka ko nilapitan si Tito Matthew.

"Tito, I'm sorry." Paghingi ko ng tawad nang hawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ako kaya napayuko ako. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. I can't look him in the eyes.

"Don't apologize. May sariling desisyon si Tyler kung bakit niya ginawa ang bagay na 'yon. Masakit, Erin. Sobrang sakit dahil wala akong nagawa para sa anak ko." Niyakap ako ni tito kaya pumatak na naman ang luha ko.

Ilang oras ang lumipas ay nakauwi na kami sa bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto habang ang iba ay nasa ibaba at ginagamot ni mommy at Aki. Wala akong ihaharap sa kanila, nahihiya ako. Sana ako na lang.

Sinamahan ni dad si Tito Matthew para asikasuhin ang burol ni Ty. Hindi ko matanggap. Ang bilis ng pangyayari, parang noong nakaraan lang ay ang saya pa namin sa mga rides na sinakyan namin.

"Erin, anak? Can you open the door?" Dahan-dahan akong bumangon at pinagbuksan si mommy.

"He died happily because he was able to save you. Hindi magugustuhan ni Tyler kapag nakita niyang gan'yan ang mukha mo." Sabi ni om kaya pinilit kong 'wag umiyak. I even tried to smile dahil iyon na lang ang nakikita kong paraan para makabawi. Tyler loves to see me smiling kaya pipilitin kong ngumiti kahit na ang sakit-sakit ng nangyari.

"Bumaba ka na, nag-aalala sila sa 'yo." Tumango ako at saka bumaba sa sala. Yakap naman ni Zero ang bumungad sa akin. Pumikit lang ako at agad ding kumalas, tinignan niya lang ako at saka siya bahagyang ngumiti.

"It's over now. Nabawasan man tayo, alam kong masaya si Tyler dahil siya ang dahilan kung bakit natapos ang problema." Aniya kaya ngumiti rin ako.

Days has passed.

"Erin let's go. Uulan na, gusto mo bang maging guard ng puntod ni Tyler?" Tanong ni Zero kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinawakan ko ang lapida niya habang nakangiti.

"Hanggang sa muli, Tyler. Magpapakabait ako para magkita tayo d'yan sa langit." Sabi ko at saka tumayo, dahan-dahan naman akong lumingon kung saan nakatayo sila Zero with the rest of our squad. Xian, Jennie, Chloe, Jester, Alex at Rozee. Tumakbo ako papunta sa kanila.

Sabay-sabay naman kaming naglakad papunta sa tapat ng kotse kung saan naghihintay ang mga parents namin.

"Male-late na tayo. Kailangan na natin magpunta ng airport." Sabi ni mom at tumango ako. Sumakay kami sa mga kanya-kanyang kotse at nagpunta sa airport.

"Erin. Mami-miss kita." Kunwaring naiiyak na sabi ni Jennie.

"Tigilan mo ako, sasapukin kita."

"Ito naman joke lang, eh. Anong oras ba 'yong flight ni Aki?"

"Sabi 1:00 daw, eh. Nandito na ba siya?" Tanong ni Xian.

"Guys." Sabay-sabay kaming napalingon at doon nakita si Akira kasama ang mommy niya. Tipid kaming nagkatinginan ni Tita Sunny bago ko mabilis na niyakap si Akira.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon