Chapter Twenty five

51.2K 2K 458
                                    


25: Change of heart.
-

Gusto kong tanungin si Akira, gusto kong itanong kung bakit sila nagkikita at nag-uusap ni Zero but damn it! I can’t do it, that was very unusual of me kung gagawin ko ‘yon at isa pa ay baka may malalim na dahilan kung bakit hindi rin pinapaalam sa akin ni Akira ang tungkol doon.

“Wala pa rin si Zero.” Ani Xian pagpasok namin ng classroom. Hindi na ako kumibo at tumingin lang sa ibang direksyon.

“Montero, bakit hindi pumapasok si Villaruel? Wala siyang excuse na binibigay.” Bungad ng prof pagpasok nito ng classroom.

“Ah... Sorry po, sir. Kakausapin ko siya mamaya.” Sagot ni Xian at nag-umpisa na ‘yong klase, tinignan lang ako nila Tyler at Alex. Ugh! Ano bang nangyayari? Seriously. May mas gugulo pa ba rito?

Ilang oras ang lumipas, pag-dismiss ng klase ay dumiretso ako sa infirmary kung saan nakasalubong ko si Chloe.

“Erin, saan ka pupunta?” Tanong niya.

“Hihingi ako ng gamot sa infirmary, ang sakit ng ulo ko eh.” Nagpatuloy ako sa paglakad at sinamahan niya ako. Tahimik lang kaming naglalakad pero bigla na lang niya akong hinatak para magtago.

“Bakit?” Tanong ko ngunit no’ng sasagot na siya ay may pamilyar na boses ang nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon, hindi ako pwedeng magkamali, boses ‘yon ni Zero.

Magkita tayo mamaya sa parking lot.” Sinilip ko kung sino ang kausap niyaㅡsi Akira.

Sige, but are you sure about this?”

“Of course. Sige na, babalik na ako sa dorm.” Bumalik ako sa pagkakatago at tinignan si Chloe. Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinasabi niya na okay lang ‘yon. Ngumisi ako kasi gano’n na ba ka-obvious na nasasaktan ako? Para akong tanga. I should be happy, right? Nakapag-confess na si Akira and now, nagkakamabutihan na sila, so bakit hindi ako masaya?! How stupid!

“They’re gone.” Sabi ni Chloe kaya lumabas na kami sa pagkakatago at pumasok sa infirmary.

“Mukhang nagiging close na sila, ah. Okay lang ba ‘yon sa ‘yo?”

“Oo naman! Bagay nga sila, eh.” Tinawanan lang niya ang sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang makahingi na ako ng gamot ay minabuti kong magpahangin muna sa field ng mag-isa. Mabuti na lang at marunong makabasa ng sitwasyon si Chloe kaya hinayaan niya ako.

Bakit hindi kinikwento sa akin ni Akira ‘yong mga nangyayari? That was very unusual of her, madaldal siyang tao. Kapag nasa dorm, kwento siya nang kwento sa akin kahit hindi ako nakikinig but now... Ugh! Erin, stop stressing yourself!

“Alone?” Sinamaan ko lang ng tingin si Josh nang maupo siya sa tabi ko.

“May nakikita ka pa bang kasama ko?” Iritang tanong ko.

“Intrepid ka rin ‘di ba? Pwede mo ba ko samahan?” Tinaasan ko siya ng kilay at nagpanggap na wala siya sa paligid ko.

“Please?”

“Uy, dali na. Hindi ko pa kabisado ‘yong lugar na ‘to.”

“At isa pa, ang daming kailangan gawin, sige na.” Napatayo na lang ako sa pagkabwisit. Hindi siya titigil sa kakasalita, gustong gusto ko siyang suntukin para mabasawan ang inis na nararamdaman ko.

“Fine! Sa isang kondisyon, mag-sparring tayo.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko pero agad ding napalitan ng pilyong ngiti.

“Deal.” Naglakad na ako papunta sa Intrepid’s headquarter habang siya ay nakasunod lang. He kept on asking pero ni isa ay wala akong sinagot.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon