Chapter Thirty six

53.1K 1.8K 335
                                    


36: The dangerous deal.
-

“W-what the hell are you saying?” Nauutal kong tanong.

“Ititigil ko na ‘to pero sa isang kondisyon.” Kumunot ang noo ko pero bago pa siya magsalita ay bigla na lang ulit sumulpot si Zero.

“I knew it.” Aniya at saka ako hinatak palayo kay Josh.

“Sabi na at may mali. Fine! In love, huh? Ibibigay ko sa ‘yo si Erin.” Mabilis akong napalingon nang sabihin iyon ni Zero. Wha the hell?

“But let’s make a deal. Grupo mo laban sa grupo ko. Kapag nanalo kayo, sa ‘yo na si Erin pero kapag nanalo kami. Ititigil mo na ‘yang ilusyon mo.”

“Are you fucking serious? Ano ‘to, gagawin niyo akong human trophy? Stop this nonsenㅡ”

“Fine, you vs. me? Labanan ng intrepid. Jun vs. Jester, labanan ng insolent. Ming vs. Tyler, labanan ng amiable. Xian vs. Hoshi, labanan ng probity at Alex vs. Kevin, labanan ng keen.”

“Wait, paano nasali si Kevin dito?” Tanong ni Zero. Naitago ko ang labi ko gusto kong pumalakpak sa galing niyang umarte.

“Uh, nakakasawa na magpanggap. Okay fine, to set things straight. Kami ang may kagagawan ng lahat ng ‘to. Si Kevin ang bumaril sa ex mo, masaya ka na?” Nabigla na lang ako dahil hindi ko inaasahan na aamin siya ng gano’n kadali, pero mas nabigla ako nang bigla na lang siyang suntukin ni Zero.

Hindi ako umawat kasi tinatamad ako. Hinayaan ko lang silang magsuntukan, tutal mukhang hindi rin naman sila papaawat.

“Hayop ka talaga!” Sigaw ni Zero bago niya sipain si Josh, nakaiwas ito at ngumisi.

“Still a loser, huh” Pang-aasar pa ni Josh nang suntukin niya si Zero. Nagsuntukan sila hanggang sa dumating sila si Xian at Hoshi para umawat.

“Lumaban ka ng patas kung hindi ka talaga duwag at saka sinasabi mong girlfriend mo si Erin? Sino ginawa mong tanga? Para lang sabihin ko sa ‘yo. Akin si Erin!” Sigaw ni Zero. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

“Pagsisisihan niyo lahat ng ginagawa niyo. Ako na mismo nagsasabi sa ‘yo, Josh. ‘Wag mong hintaying mapatay kita.” Dagdag pa niya bago ako hinila palayo kasama si Xian. Napalingon ako kay Josh at nakitang nakatingin lang siya sa akin habang nakahawak sa panga niya.

Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Pagtapos ng lahat ng nangyari bigla na lang niyang ititigil? What is he plotting to?

“Hoy, Zero! Oa na, ah. Pwede ka nang tumigil sa paghila sa ‘kin.” Sabi ko nang makalayo kami. Napahawak ako sa palapulsuhan ko dahil namanhid iyon. Hindi ko naman inaasahan na bigla na lang niya akong yayakapin ng mahigpit.

“Maiwan ko muna kayo.” Ani Xian at saka siya umalis pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay bumitaw na si Zero.

“Follow him.” Tumango ako at mabilis na tumakbo papunta kay Xian, pinalo ko ang braso nito ng pabiro para lumingon siya sa akin.

“I missed you, Xi. Sorry, pinag-alala ko kayo.” Ngumiti siya at saka kinurot ang pisngi ko pero laking gulat ko na lang nang may pumalo sa kamay niya.

“What are you doing?” Tanong ni Jennie. May problema talaga sa utak ang isang ‘to.

“Hindi ba pinaalam ni Xian sa ‘yo na mas una nila akong naging kaibigan kaysa sa ‘yo?” Sabi ko nang yakapin ko ang braso ni Xian. Nakita ko naman kung paano magdilim ang aura ni Jennie kaya napangisi ako. Would you look at that.

“Hey.” Napalingon ako nang akbayan ako ni Zero.

“Hindi rin ba nasabi ni Xian sa ‘yo na may gusto rin siya kay Erin gaya ko?” Panggagatong pa ni Zero.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now