Chapter Fifteen

63.7K 2.4K 179
                                    


15: Mall.
-

Erin’s POV

It’s been 5 days simula nang tumira kami sa iisang bahay. Bukas, babalik na rin kami ng academy. Maraming kaweirduhan ang nangyari sa loob ng limang araw, I don’t know why but I feel like there’s something wrong with Zero and Xian.

[Flashback]

Pagtapos naming maglaro ay mas pinili ko na lang ang matulog sa kwarto.

Kinabukasan, si Third ang gumising sa akin. Maaga pa lang ay inaya na niya ako sa kusina para ipagluto ang lima, labag man sa kalooban ko, sinakyan ko na lang ang gusto niya since nag-insist ako na maging ate mommy niya for the mean time.

“Sure ka ba na ito ang ilalagay?” Tanong ko dahil useless talaga ako kapag nasa kusina. Sa dami ng pwedeng almusalin, bakit cake pa?

“Oo Ate, ‘yan ang nakalagay rito sa recipe ni mommy, eh.” Aniya at tuluyan ko nang nilagay ang vanilla extract. Matapos namin mai-mixed lahat ng ingredients ay nilagay na namin ‘yon sa baking pan at ipinasok sa oven. Habang naghihintay ay ginawa na namin ang icing para ilalagay na lang mamaya. Nagbasag kami ng itlog at ‘yong white lang ang kinuha namin, minixed namin ‘yon sa mixer at saka nilagyan ng confectioner sugar hanggang sa maging icing na siya.

“Grabe, nakakapagod pala ‘to.” Sabi ko nang maupo ako at bumuntong hininga. Naupo naman sa harap ko si Third at saka ako nginitian.

“May chance ba na ma-inlove ka sa lima? Kasi ‘di ba Ate handa silang protekahan ka, para silang Knight in shining armors.” Natawa lang ako sa sinabi ni Third. Mahilig pala sa fairytale ‘tong bata na ‘to, but honestly hindi ko alam kung pwedeng mangyari ‘yon. Hindi ko ma-imagine.

“I don’t know. Dipende siguㅡ”

“Good morning!” Masiglang bati ni Xian nang pumasok siya sa kusina. Kasama niya si Tyler.

“Ikaw bata-bata mo pa may inlove inlove ka nang nalalaman, ah?” Sabi ni Xian nang akbayan niya si Third habang si Tyler naman ay naupo sa tabi ko. Panandalian kaming nagkwentuhan habang hinihintay tumunog ang oven. Maya-maya ay tinawag ako ni Xian at saka nilapitan habang busy ang dalawa sa pagkulay sa icing.

“Yung sinabi mo sa laro na may R and O ‘yung crush mo. Si Zeㅡ”

“Anong meron?” Sabay kaming napalingon ni Xian nang dumating si Jester. Nasa likuran niya si Zero at Alex. Bakit ba ang aga magsigising ng mga kumag na ‘to? Hindi na tuloy surprise ‘yong cake. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa tanong ni Jester at binaling na lang ulit ang atensyon kay Xi.

“Ano nga ulit ‘yong tanong mo?”

“No, nothing.” Ngumiti siya ng tipid bago tumayo at makisali kila Third, kumunot na lang ang noo ko. Kailan pa siya nagsinungaling sa akin?!

Pagtapos ma-bake ng cake, sabay-sabay na namin ‘yon nilagyan ng icing, habang si Alex at Tyler ay nagtitimpla ng hot chocolate. Sobrang kalat dito sa kusina kaya mas pinili naming doon na sa sala mag-almusal. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa akin ang ginawa ni Zero. Plano niya pala ang lahat ng ‘to, at first akala ko ay inutusan lang siya ng parents niya para patirahin ako rito, pero akala ko lang pala ‘yon dahil all this timeㅡsarili niyang desisyon ang dito ako mag-stay ng one week. That’s really weird.

[End]

“Mga kuya, Ate Erin papasok na po ako.” Paalam ni Third, kasalukuyan kaming nandito ngayon sa sala at nanunuod ng movie.

Sa loob ng ilang araw masasabi ko namang napalapit na ako sa kanilang lahat maliban kay Zero, simula kasi noong naglaro kami ng spin the bottle ay hindi na niya ako kinausap. Gano’n ba talaga kalaki ang galit niya sa akin dahil lang sa umalis ako? Geez! Ang bata pa namin noon.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon