Chapter Nineteen

59.1K 2.1K 380
                                    


19: Sparring.
-

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon, dito sa bahay nila Zero na siya at ako lang ang magkasama.

“Bakit ba tayo nandito? Okay lang ba si Third na katulong lang ang kasama niya?” Tanong ko habang naglalakad paakyat sa hagdan, wala akong idea kung bakit kami nandito. We were supposed to be in the hospital right now!

“Mahimbing naman siyang natutulog... Samahan mo ako sa kwarto.” Bigla na lang akong naubo sa sinabi niya. Ano na naman ang iniisip ng lalaking ‘to?! He’s so casual about it!

“Hoy ‘wag kang nag-iisip ng kung ano, ‘di kita re-rape-in. May ibibigay lang ako.” Aniya habang hindi ako nililingon. Pagpasok naman namin sa kwarto niya ay bigla na lang akong namangha.

“You really love robots, aren’t you?” Tanong ko nang makita ko ang napakaraming robots na nakapila sa isang mahabang cabinet.

“Mas #$%&*.”

“Ha? Ano? May binubulong ka?” Lumapit ako sa mga robot na collections niya, napangiti ako kasi nandoon ‘yong robot na pinag-aagawan namin noon. ‘Yong bigay ni Xian sa kanya pero pilit kong kinukuha.

“Wala. Tara na, roon tayo sa kusina.” Nilingon ko siya at nakitang may hawak siyang libro at plastic. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang i-abot niya sa akin ‘yong libro. Cook book? Ito ibibigay niya sa akin? Unbelievable.

“Gusto ko ipagluto si Third, tulungan mo ako.” Sabi nya at lumabas na. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan siya papunta sa kusina. Nagsuot siya ng apron at nabigla na lang ako nang suotan niya rin ako. Nakatingin lang ako sa kanya at gano’n din siya sa akin.

“Erin, I liㅡ”

“Nandito pala kayoㅡ” Napalingon kaming dalawa dahil sa boses ni Jester. Maya-maya lang din ay nagsidatingan na sila Alex, Tyler at Xian. They just stared at us. Ano naman ang ginagawa ng mga ‘to rito?”

“What brings you here?” Tanong ni Zero ngunit nanatiling tahimik ‘yong apat. They must be shocked, tss hindi naman nila kailangan maging oa dahil lang sa nakikita nilang magkasundo na kami ni Zero. Seriously, hanggang kailan nila balak tumitig sa amin ng parang nakakita sila ng multo?

“Guys, oa na ha? Oo na magkasundo na kami ni Zero, bakit nga kayo nandito?” Agad lumapit sa amin si Xian at inakbayan kaming dalawa. Sa kanilang apat, siya lang ang masaya and to be honest, I can still see the sadness in his eyes. Bakit? Bakit gano’n?

“Nagpunta kami ng hospital pero sabi ng mga katulong umuwi kayo kaya nandito kami. Kayo? Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Xian nang bumitaw na siya sa amin.

“Ah, ito kasi gusto niya raw ipagluto si Third. Tutal nandito na rin kayo, mind helping us? Para mabilis tayong makabalik sa hospital.” Sabi ko at nagsitanguan lang sila habang si Jester ay lumabas ng kusina. Cold talaga kahit kailan. Hindi ko alam na mas malala pa pala siya kay Zero.

Chloe’s POV

Almost five hours na ng umalis si Erin, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko dahil sa panggugulo na ginagawa ni Lexy, pakiramdam daw niya ay minaliit siya dahil sa hindi ginawang pagpunta ni Erin sa battleground as if walang halaga sa kanya ang event na ‘yon.

“Ano ba?! Hindi niyo sasabihin kung nasaan ‘yong kaibigan niyo?” Sigaw niya. Kasalukuayan kaming nasa field ngayon at maraming estudyante na ang nakatingin sa amin. Nakatago lang si Aki at Kevin sa gilid ko dahil ayaw raw nilang mabugbog.

“Hindi nga namin alam! ‘Wag ka nga mag iskandalo. Kung gusto mo manatiling maayos ‘yang mukha mo, ‘wag mong hamunin si Erin sa paraang hindi niya magugustuhan!”

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now