Chapter Eighteen

61K 2.2K 269
                                    


18: Friends.
-

Mabilis lumipas ang araw. Ito na ang araw ng battleground, ‘yong about naman sa pag-aaya sa akin ni Xander na maging date niya, tinakbuhan ko lang siya noong araw na ‘yon. I really don’t mind hanging out with him or what, hindi ko lang talaga alam kung ano ang trip niya.

“Aki! Mauuna na ako.” Sigaw ko dahil naliligo pa lang siya. Hindi siya sumagot kaya naman lumabas na ako at dumiretso sa Intrepid’s headquarter. Doon ko namang naabutan si Zero na nakaabang sa may gilid, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

“Erin.” Tawag niya at parang first time niya yata tawagin ang pangalan ko.

“Problema?” Tanong ko at nanlaki na lang ang mata ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya pero hindi ko siya itinulak at hinayaan lang.

“A-anong problema mo?” Tanong ko ulit pero mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin.

“Si Third, na-hospital si Third. A-ayokong sabihin sa ‘yo dahil battleground ngayon peroㅡ” Hindi ko na siya pinatapos at agad siyang hinawakan sa kamay bago hinila palayo sa Intrepid’s headquarter.

“Saan tayo pupunta?” Tanong niya.

“Are you stupid? Kay Third of course! Wala akong pakialam sa battleground. Pwede kong bugbugin ang Lexy na ‘yon kahit anong oras ko gusto.” Sabi ko habang hindi siya nililingon. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya.

Sabi niya ay mahina raw ang resistensya ni Third, hindi pwedeng mapagod ng sobra kaya bumigay raw ang katawan habang nasa school dahil pinilit niyang mag-basketball. Hindi ko akalain na gano’n si Third, hindi halatang mahina ang resistensya niya dahil palagi siyang cheerful at saka ang energetic niya.

“Magiging okay rin si Third.” Sabi ko habang nagmamaneho si Zero, bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala niya. Hindi ko alam kung paano ko isya i-comfort, kahit naman kasi sabihin na palagi kaming nagtatalo at hindi gano’n magkasundo, part pa rin naman siya ng buhay ko at isa pa, kaibigan ko siya. Hindi nga lang halata.

“During the spin the bottle. Si Xian ba tinutukoy mo? Montero?” Bigla niyang tanong kaya kumunot ang noo ko, bakit ba big deal ‘yon sa kanila?

“No, fictional character ‘yon, sa anime. Si Kuroko, you know how much I love basketball.” Seryoso kong sagot at nabigla na lang ko nang bahagya siyang natawa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero napangiti ako. At least napatawa ko siya, bihirang-bihira siyang tumawa so it’s a rare sight.

“Ay wow, happy ‘yarn?”

“Baduy! Akala ko naman kung sino.” Nakangiti pa siya nang sabihin niya ‘yon. Napailing na lang ako at saka niya ako nilingon.

“Friends?” Sabay naming tanong kaya sabay din kaming natawa pero sabay din kaming tumango patunay na tinatanggap namin ang isa’t isa bilang kaibigan. Pagtapos noon ay hindi na ulit kami kumibo dahil nakarating na kami sa hospital, pero pagdating namin sa kwarto kung nasaan si Third, natagilan si Zero. Nandoon kasi si Tita Zea at Tito Jiro.

“Oh! Anak, Erin. Pasok kayo.” Ani Tita Zea. Ngumiti naman ako saka pumasok pero hindi tumuloy si Zero, nagkatinginan na lang sila Tito dahil sa inasal niyang ‘yon, mukhang malayo pa rin talaga ang loob niya sa mga magulang niya. Hindi ko rin naman siya masisisi.

“Hi, Ate.” Masiglang bati ni Third, agad naman akong naupo sa tabi niya at saka ginulo ang buhok niya. Parang wala naman siyang sakit.

“Pagaling ka ha? Para makalabas ka agad.” Aabi ko at tumango lang sya habang nakangiti. Pagtapos noon ay nagkumustahan kami nila tita, ilang minuto rin kaming nagkausap pero hindi pa rin pumapasok dito si Zero.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now