Chapter Twelve

74.9K 2.5K 654
                                    


12: Villaruel’s.
-

Erin’s POV

Naikwento na sa akin ni Tyler ang nangyari. Siya kasi ang bumungad sa akin kahapon paggising ko matapos matanggal ang balang tumama sa akin. It’s been a day, maya-maya lang ay pwede na rin akong ma-discharge.

“Mamaya babalik na rito si Zero, may pasok pa kasi kaya kailangan naming bumalik sa academy. Siya muna mag-aalaga sa ‘yo.” Sabi ni Alex, siya ang nakabantay sa akin ngayon. Actually kasama niya si Jester pero wala siyang ginawa kung hindi ang matulog, kanina ko pa siya gustong batuhin ng unan. Pumunta ba siya rito sa hospital para mag-relax?

“Inaasikaso naman ni Xian ‘yong letter niyo para ma-excuse kayo ni Zero ng one week sa klase.” Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Alex. Malinaw naman ang pagkakasabi niya pero hindi ko naintindihan. Bago ko pa maitanong ang nasa isip ko ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Zero.

“Pwede na kayo bumalik sa school, makakaabot pa kayo sa dalawang subject.” Aniya, tinignan ako ni Alex at saka ginulo ang buhok ko.

“Pagaling ka, ah? Bisitahin ka namin sa Wednesday.” Sabi niya bago gisingin si Jester na kanina pa natutulog sa sofa. Paglabas nila ay inalalayan na akong tumayo ni Zero.

“Alam na ni dad ‘yong nangyari. Wala tayong choice na dalawa, so whether you like it or not... Doon ka muna sa bahay mag-i-stay ng one week.” Seryosing sambit ni Zero, dahilan para mapahinto ako sa paglakad. He gotta be kidding me.

“What? Sa tingin mo ba hindi alam ng parents mo ‘yong nangyari? ‘Wag ka na mag-inarte.” Dagdag pa niya at nagpatuloy siya sa pag-alalay sa akin hanggang sa makasakay kami ng kotse niya. Tahimik lang ako sa loob habang nakatingin sa labas ng bintana. Paniguradong nag-aalala na si mommy. I hope she’s okay.

“Are you okaㅡ” Biglang nag-ring ang phone ko kaya hindi naituloy ni Zero ang balak niyang sabihin.

Hello, Xi. Okay na ako, don’t worry too much.” Bungad ko dahil alam ko naman kasi na itatanong niya kung okay na ba ako.

Yah I know, pero nag-aalala pa rin ako. Habang nakila Zero ka, ‘wag kang lalabas, okay?” Napangiti ako nang sabihin niya iyon at bahagyang nailing.

“Come on, Xi. Hindi na ako bata.”

Alam ko, pero matigas ‘yang ulo mo, eh. So please, makinig ka. ‘Wag kang lalabas ng bahay. It’s for your own safety.” Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot ulit.

Okay fine. Sige na, mag-ingat din kayo d’yan. Ciao~” Pagbaba ko nang tawag ay agad kong binaling ang tingin kay Zero. Itatanong ko sana kung ano ang sasabihin niya kanina ngunit bigla niyang hininto ang kotse sa tapat ng convenience store.

“May bibilin lang ako.” Bumaba siya ng kotse habang ako ay nanatili lang dito sa loob. Maya-maya ay nag-ring ang naiwan niyang phone.

“Third?” Basa ko sa pangalan ng tumatawag. Mukha namang matagal pa si Zero kaya sinagot ko na iyon.

Hi Kuya, kasama mo na ba si ate sungit?... Hey Kuya, ba’t di ka nagsasalita? Siguro kinakabahan ka kasi kayo lang dalawa sa kotse no? UyyyㅡAgad kong ibinaba ang tawag at inilapag ang phone kung saan ‘yon nakalagay kanina. Nakita ko na kasing lumabas ng convenience si Zero. Well, bakit naman kakabahan ang lalaking ito dahil lang kasama niya ako? Hmmm.

Pagsakay ng kotse ni Zero ay hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagmaneho hanggang sa huminto na kami sa isang malaking bahay. Bumusina siya at kusa ng bumukas ang mataas na gate, ipinarada niya ang kotse sa mismong tapat ng hagdan at saka bumaba habang dala niya ang plastic na galing sa convenience.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon