Chapter Twenty three

57.3K 2.2K 369
                                    


23: Identity Revealed.
-

Mabilis akong bumalik sa dorm para tignan kung nandoon si Aki, nakahiga lang siya sa kama niya kaya naman lumapit na ako.

“Aki.”

“Oh! Erin, sorry kung umalis na ako roon mukha naman kasing hindi pupunta si Zero, salamat sa tulong mo pero tingin ko kahit mag-confess ako wala pa rin siyang pakialam... By the way, since linggo naman ngayon, gusto mo lumabas? Isama natin sila Kevin at Chloe.” Aya niya na parang okay lang siya and to be honest, halata namang hindi siya okay.

“Sige okay lang sa ‘kin.” Agad siyang bumangon sa kama at tinawagan ‘yong dalawa, maya-maya lang ay nagkita kita na kami sa may parking lot, hindi ko rin sila matatakasan kaya sumama sa amin ngayon si Alex.

“First time natin lalabas ng magkakasama, ah?” Nakangiting sabi ni Kevin sabay pulupot sa akin kaya naman siniko ko siya, tumawa lang si Chloe, naalala ko tuloy ‘yong nangyari last night. I really find her mysterious.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ni Alex.

“May alam akong resto, masarap ‘yong mga pagkain nila ro’n. Libre ko, tara? Hindi naman siya malayo rito sa academy kaya pwede na natin lakarin.” Sabi ni Akira at sumangayon na kaming lahat, naglakad lang kami papunta sa main road dahil nandoon lang naman daw banda ‘yong resto na sinasabi niya.

Pagpasok namin sa loob, naupo na agad kami pero nagpaalam ako na may bibilhin sa convenience.

“Sasamahan kita.” Ani Alex.

“Hindi na, saglit lang ako.” Mabilis akong lumabas at nagpunta sa convenience pero pagpasok ko roon, nabangga ako ng isang lalake.

” Mabilis akong lumabas at nagpunta sa convenience pero pagpasok ko roon, nabangga ako ng isang lalake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Sorry.” Nakangiting sabi nito at tumango lang ako saka dumiretso ng pasok pero bigla niya akong hinarangan.

“Sa Montrous ka ba nag aaral?” Tanong niya kaya napataas ako ng kilay.

“Yeah, why?”

“Ohh english speaking. Mag-transfer kasi kami roon ng mga kaibigan ko, pwede ko ba malaman ang pangalan mo?”

“Sorry pero wala akong interes sa ‘yo. Bye!” Nginitian ko siya ng pilit at saka nilagpasan, dumiretso ako sa may stand kung nasaan ‘yong mga marshmallow. Magbabayad na sana ako sa counter nang mapatingin ako sa may labas. Nandoon pa rin ‘yong lalake pero this time may mga kasama na siya. Naningkit ang mata ko dahil parang pamilyar ang mga mukha nila.

I’m sure nakita ko na sila somewhere, saan nga ba?

“Miss, kukunin mo na ba ‘yan? Marami nang nakapila.” Sabi ng babae sa counter. Mabilis akong tumingin sa likuran ko at saka binarayan ‘yong marshmallow at lumabas. Tinignan lang ako noong mga lalaking ‘yon na para bang pinag-uusapan nila ako. Geez! Saan ko ba nakita ‘yong mga 'yon?! I can’t remember.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon