Chapter Sixteen

73.3K 2.3K 483
                                    


16: Travis & Gino.
-

Chloe’s POV

Monday na and we’re all expecting na babalik na si Erin kasama ang lima. Alam kong may hindi tamang nangyayari kaya nag-aalala ako para sa kanya.

Naghahanda na ako para pumasok pero biglang nag-ring ang phone ko. Si mommy.

Chloe, kumusta ka na d’yan?

My, okay lang ako rito, kayo ni dad? kumusta kayo d’yan sa Japan?

“We’re doing good. Don’t let them know who you really are, okay? Mag-iingat ka palagi.”

Opo kayo rin, I love you. I need to go, Mom. Bye!” Binaba ko ang tawag at agad lumabas ng dorm pero natigilan ako nang makita ko si Erin kasama si Jester at Alex sa may lobby.

“Erin, where have you been? Ang tagal mo nawala.” Nginitian niya ako ng tipid at saka sinabihan ang dalawa na okay na siya. Pag-alis nila ay hinatak ako ni Erin papunta sa kwarto niya.

“Oh my God!” Pagbukas namin ng pinto ay iyon agad ang bungad sa amin ni Akira kaya bago pa siya maiyak ay nagsalita na si Erin.

“Okay, sorry kung pinag-alala ko kayo. But seriously, I’m fine. Kung gusto niyo ako maging kaibigan, hindi kayo mangingialam sa mga desisyon ko.” Nanatili kaming tahimik ni Akira, gustuhin man naming hindi sumangayon, wala kaming magagawa.

“O-okay.” Sabay naming sagot ni Akira, tumayo naman agad si Erin at dumiretso ng banyo para magbihis. Parang walang nangyari, parang wala lang sa kanya na mag-alala kami ng isang linggo. I still wonder kung tama bang nakipagkaibigan ako sa kanya, pero nandito na ako. Kailangan kong panindigan ‘to.

“Uy, Akira. ‘Wag ka na mag-alala masyado.” Sabi ko nang mapansin kong tahimik siya. Ngumiti lang siya ng tipid saka kinuha ang laptop niya, may tinype siyang password at hindi ako pwedeng magkamali. AKIZERO ang tinype niya, so tama nga ang hinala ko na may gusto siya kay Zero. Walang duda.

Erin’s POV

Unang klase pa lang ay naiirita na ako, na sa akin na naman ang atensyon at ang mas malala pa ro’n, ‘yong lima na naman ang nakikita ko. Nagsasawa na ako sa pagmumukha nila.

“Cross, pinapatawag ka ni Travis.” Sabi ng prof pagkapasok niya ng classroom. Nagkatinginan kami ni Zero kasi nga pareho kaming intrepid and I don’t have any idea why did I do this time para ipatawag ng lalaking ‘yon.

“Sasamahaㅡ”

“Ako na sasama sa kanya.” Pagputol ni Xian sa sasabihin sana ni Zero, they’re acting funny again.

“Intrepid ako, Xi. And you’re not allowed inside the headquarters, wala ka nito.” Inangat ni Zero ang palapulsuhan niya at ipinakita ang tattoo niya roon. Tinignan ko na lang si Xian at hinawakan ang kamay niya.

“May problema ba?” Tanong ko at umiling lang siya. Tss, nagsisinungaling na naman siya. Anong nangyayari sa ‘yo Xian? Bakit kailangan mong magsinungaling? I know it’s hard for you since probity ka but what’s keeping you from lying?

“Sige na, babalik din ako agad.” Tumayo na ako habang si Zero ay nakasunod sa akin. Paglabas namin ng classroom, sinalubong ako ni Kevin. May dala siyang bouquet ng bulaklak, napahawak na lang ako sa noo ko.

“The hell, Kev?” Reklamo ko pero kinuha ko pa rin ang bulakak, sayang naman kasi ang effort niya.

“Sweetie, na-miss kita.” Sabi nya at akma pa siyang yayakap sa akin pero bigla siyang tumakbo nang umabante ng lakad si Zero papunta sa kanya. Ugh! Naalala ko na naman tuloy ang paghalik niya sa akin.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now