Chapter Thirty eight

56.4K 1.9K 547
                                    


38: Reunion.
-

3 months has passed. We’re already a sophomore student, everything’s fine. Malaya kami, walang gulo at walang kahit anong bakas ng mga kaaway sa paligid.

“Ano ba! Sa tabi ako ni Xian!” Sigaw ni Jennie kay Zero na ngayon ay nagtatalo sa iisang upuan. Lahat kami ngayon ay magkakaklase, maging si Chloe at Akira ay kasama na namin.

Wala na rin sila Kevin sa school dahil simula noong mangyari ang ground zero ay hindi na sila nagpakita pa sa amin. Sinunod nila iyong deal kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag at lumaya sa problema.

“Ano ba? Upuan lang pinag-aagawan pa.” Singhal ko bago hinila si Xian para i-upo sa tabi ng upuan ko.

“Kayong dalawa ang magtabi.” Sabi ko kay Jennie at Zero, dahilan para mapanganga silang dalawa at tila hindi makapaniwala. Nilingon ko si Xian at nginitian niya ako, araw-araw na lang sila ganyan, nagtatalo sa walang kwentang bagay.

Maya-maya ay pumasok na ‘yong prof namin pero hindi ko inaasahan na siya ang papasok. What’s the meaning of this?

“Good morning, I’m Axel Sevilla and I will be your prof starting today.” Ani tito at saka siya nag-discuss agad, wala nang introduction para sa mga estudyante. Woah!

Tahimik kaming nakikinig sa kanya nang bigla akong kalabitin ni Tyler mula sa likuran.

“Hey, I have two tickets. Do you want to go with me? Sa amusement.” Tanong niya. These past few months, wala akong nakitang kahina-hinala sa kanya. Mukhang naparanoid lang ako and I really hate myself for doubting him.

“After class?” Tanong ko at tumango siya ng tipid. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng amusement park. At saka gusto ko rin magkaroon ng time kasama si Tyler, para kahit paano ay makabawi ako sa kanya.

“Yes, sure!” Masayang sabi ko at ngumiti siya kaya binalik ko ulit ang atensyon sa white board. Maraming diniscuss si tito na parang ang mga keen lang yata ang makakaintindi sa kanya. Napailing na lang ako, bakit siya naging prof? Leader na siya ng mga keen kaya bakit nandito pa siya para magturo?

“Kanina ka pa nakasimangot.” Puna ni Alex kay Zero. Tahimik siyang kumakain habang nandito kami sa iisang lamesa.

“What’s wrong?” Tanong ko.

“Shut up.” Mabilis kong naibaba ang hawak na utensil nang sabihin niya iyon. Wait, galit ba siya sa ‘kin?

“What’s your problem?!” Halos pasigaw na tanong ko kaya mabilis na hinimas ni Tyler at Alex ang likuran ko para pakalmahin.

“Ikaw! Ikaw ‘yong problema ko!” Nagsalubong ang kilay ko nang magtaas siya ng boses. What the hell?

“Ako? Ano na namang ginawㅡ”

“Nagseselos ako!” Sigaw niya, dahilan para mapunta sa amin ang lahat ng atensyon ng mga tao rito sa cafeteria. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa kanya. Simula noong matapos ang ground zero ay mas naging open na siya sa mga nararamdaman niya pero para ipagsigawan ‘yon? Ugh. What does he think he’s doing?

“Ang sabi ko nagseselos ako. Mas gusto mo ba katabi si Xian kaysa sa ‘kin? Tatlong buwan na akong nanliligaw taposㅡ”

“Lower your voice, you jerk!” Reklamo ko. Seriously, hindi niya kailangan lakasan ang pagsabi ng bagay na ‘yon. Is he doing this on purpose?

“Tara na guys, baka madamay tayo rito.” Aya ni Alex at saka sila tumayo at lumipat sa kabilang lamesa, dahilan para kami na lang ni Zero ang natira rito. Ni isa sa amin ay walang kumikibo, nagpapalitan lang kami ng masamang tingin. Ugh. Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking ‘to?!

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now