Chapter Thirty two

55.7K 2K 332
                                    


32: Unexpected betrayal.
-

Erin’s POV

“Her brain deprived of oxygen due to blood loss, the patient is in coma.” Awtomatiko akong napaupo nang ibungad sa akin iyon ng doctor pagkalabas ng operating room.

“Erin.” Hingal na tawag ni Zero, agad ko siyang nilingon at niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang paglabas ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang nasa ambulansya. In the end ako pa rin ang naghatid kay Akira rito sa hospital.

“May nakita ka ba? May nahabol ka?” Nagmadali akong punasan ang luha ko nang kumalas ako sa pagyakap. Hinintay kong magsalita si Zero ngunit tanging pag-iling lang ang isinagot niya sa akin. Sobrang nanghihina ang tuhod ko sa mga nangyayari kaya hindi ko na napigilan ang mapaupo.

I was so lost in thought na hindi ko na naiisip kung anong itsura mayroon ako ngayon. Punong-puno ng dugo ang damit ko at tagaktak ang pawis ko.

“Ano nang nangyari kay Akira?”

“She’s in coma.” Tipid na sagot ko. Maya-maya lang ay naririnig ko na ang boses nila Chloe. Mabilis niya akong nayakap habang si Kevin naman ay pilit pumapasok sa operating room. He was crying and it hurtsㅡKasalanan ko ‘to, eh.

“Pupunta rito si dad mamaya, siya na ang bahala sa hospital bills.” Sabi ni Alex at napatango na lang ako bago nilapitan si Kevin na nakatulala sa sa tapat ng pintuan.

“Sweetie, anong nangyari kay Akira? Sino gumawa nito?” Niyakap ko lang siya. Kahit ako ay hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. Wala akong ideya, and I hate myself for that. I’m so useless.

“Erin, magpahinga ka muna. Ako na magpapaliwanag kay Kevin.” Sabi ni Zero nang hawakan niya ang balikat ko. Kumalas ako sa pagyakap at saka siya tinignan, tumango lang ako ng tipid.

“Gusto kong umuwi sa bahay.” Agad akong nilapitan ni Tyler para alalayan.

“Ako na maghahatid sa ‘yo.” Tipid akong ngumiti at bago tuluyang umalis ay tinignan ko muna si Xian.

“Keep an eye to Zero, don’t let him to do reckless things on his own.” Bilin ko at tumango naman siya.

“Baby, what happened?” Nagmamadaling tanong ni dad pagpasok namin ni Tyler ng bahay.

“Nabaril ‘yong kaibigan ko, dad. And it’s my fault. What should I do?” Napayakap ako sa kanya kahit na ang dumi-dumi ko. Ramdam na ramdam ko naman ang higpit ng yakap ni dad at ilang segundo lang din ay kumalas siya at saka hinawakan ang balikat ko.

“Don’t blame yourself, it’s not your fault. Maglinis ka muna, manghiram ka ng damit kay mommy, natutulog siya kaya ikaw na bahalang mamili... Tyler let’s talk.” Umakyat na ako sa taas at hinayaan nang si Tyler ang magpaliwanag kay dad.

Pagpasok na pagpasok ko sa cr ay agad akong naligo. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. I really need to find out kung sino ang may gawa nito. Hindi ko na hahayaan na may iba pang madamay.

“Nak, Erin.” Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni mom. Nagmadali ako sa pagligo at saka kinuha ‘yong twalya.

“Mom.”

“I heard what happened. It’s going to be okay, naranasan ko na ‘yan noon nang masaksak ang Tita Ayesha mo... Hindi ko alam kung anong mayroon sa pamilya natin at nagiging lapitin tayo sa mga ganitong klase ng problema. Pero trust me, Anak. Kung nalagpasan ko ‘yong akin noon, sure ako na malalagpasan mo rin ‘to.”

Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi ni mom at saka nagbihis. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap sa ibaba kung saan naroon pa rin si Tyler.

“Baby, pwede bang dalin mo muna si Tyler sa itaas? Mag-uusap lang kami ng mommy mo.” Sabi ni dad. Tumango lang ako at saka dinala si Ty sa kwarto ko.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now