Chapter Thirty three

52.2K 1.9K 390
                                    


33: Revealing the traitors.
-

Isang linggo ang lumipas at walang pagbabago sa sitwasyon ni Akira. Tahimik akong nakaupo sa classroom, ilang linggo na lang at matatapos na ang school year.

“Erin.” Tawag ni Alex.

“Bakit?”

“Ayos ka lang ba?” Tumango lang ako, ilang beses ko na bang narinig ang tanong na iyon? May sasabihin pa sana siya ngunit nabigla kami nang bigla na lang tumayo si Jester.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Xian.

“Napaaga ‘yong uwi ni Jennie, susunduin ko siya sa airport.” Nagmadali siyang tumakbo palabas ng classroom at napailing na lang si Alex.

“He’s really serious about her, huh? Poor Jester.” Ani Zero.

“Alam naman nating lahat na gusto ni Jennie si Xian noong bata pa tayo.” Dagdag pa ni Tyler kaya naibaling ko ang atensyon kay Xian.

“May gusto si Jennie sa ‘yo?”

“You know her?” Tanong niya pabalik.

“Unfortunately yes, she’s happened to be my teammate sa women’s basketball team noong nasa America ako. Kailan ko lang din nalaman na anak siya ni Tito Ramon.” Tumango si Xian at saka sumandal sa upuan niya.

“Naging magkakaklase kami noon no’ng grade 5. Naging malapit din ako sa kanya pero pag-graduate namin no’ng elementary, lumipat siya sa Amerika. Bago siya umalis ay sinabi niya na gusto niya ako pero hindi ko ‘yon pinaalam kay Jester kasi alam kong may gusto siya kay Jennie.” Paliwanag niya.

“Ah, eh ‘di maf-friend zone lang pala si Jester gaya ni Chloe.” Komento ko bago nag pangalumbaba.

“What do you mean?” Tanong ni Alex.

“Ah wala, oo nga pala. Bibisita ako kay Akira after class. Kawawa naman si Kevin, siya na lang lagi ang nagbabantay sa hospital.”

“I’ll go with you.” Ani Zero at tumango  naman ako. Normal naman lahat, wala pang kahit anong kahina-hinala ang nangyayari sa paligid. Maliban na lang sa pagiging down ni Tyler. Parang madalas na malalim ang mga iniisip niya. I really want to confront him pero hindi ko magawa, ayokong mag-jump to conclusion. I need more evidence.

Mabilis lumipas ang oras, pagbalik ko sa dorm ay saktong nag-ring ang phone ko.

Hello.” Masayang bungad niya sa akin.

Hello mo muka mo! Magpakita ka na nga sa ‘kin ng matapos na ‘to! Ano bang kailangan mo sa ‘kin? Miyembro ka ba ng red org?!

Chill, but to answer your question... Parang gano’n na nga. Okay, hindi ko na patatagalin, meet me, same time same place. ‘Wag mo subukang magdala ng kahit na sino kung ayaw mong may masaktan ulit.”

Ibinaba niya ang tawag at wala sa sarili ko na lang ‘yong pader sa inis. Siya ang may gawa ng lahat ‘to? Sino ka bang hayop ka? Sinisigurado kong pagsisisihan mo lahat ng ‘to.

What do you mean? Hindi ka na bibisita? Masama ba pakiramdam mo?Tanong ni Zero nang tawagan ko siya.

Oo, baka bukas na lang ako bibisita.”

“Where are you? Pupuntahan kita.”

Ze, kaya ko sarili ko. Bye!” Agad kong binaba ang tawag at nagmadaling lumabas ng academy pero pinigilan ako ng gwardya.

“Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas mo ng mag-isa, Ms. Cross.” Anito, dahilan para mapataas ako ng kilay. What the? Since when?

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora