Chapter Twenty eight

53.6K 2K 704
                                    


28: Birthday camp (part 2)
-

“Erin, wake up. We’re already here.” Napahawak na lang ako sa leeg ko at saka nag-unat. Nakatulog pala ako sa balikat ni Xian, pagtingin ko sa paligid wala na ‘yong iba.

“Nasaan sila?”

“Nakababa na. Tara na?” Aya niya at tumango lang ako. Mahaba-haba rin pala ang naging byahe namin. Inabot na kami ng 7:00. Pagbaba namin sa mini bus ay isang malamig na hangin ang humampas sa mukha ko. The hell! Ang lamig dito. Tumingin ako sa paligid, gubat at nag-iisang bahay lang ang nandito. Wow, in all fairness, rich kid ‘tong si Kevin.

“Pumasok muna tayo sa villa para malapag ‘yong gamit natin tapos ayusin natin ‘yong tent. Mas masarap sa labas, mag-barbecue tayo tapos maglagay ng bonfire habang nagk-kwentuhan, o kaya naman ilagay natin sa stick ‘yong marshmallow. Gusto mo ‘yon ‘di ba, sweetie?”

“Hey sweetie, guys pakinggan niyo ako!” Sabi ni Kevin pero walang nakinig sa kanya kasi naglakad na kami lahat papasok sa villa. Mukha namang kami lang ang nandito kaya agad akong tumalon sa couch at naupo.

“Waaaah ang sarap dito. Hey, Kevin. Tutal may nagawa ka namang maganda sa buong buhay mo. Anong gusto mong regalo?” Tanong ko. Sobrang nakaka-relax dito sa villa nila. Ang tahimik, tanging pagwasiwas lang ng puno ang maririnig sa labas.

“Talaga, sweetie? Reregaluhan mo ko? Uhm. Tabi tayo matulog.” Sabi niya at sabay-sabay nagpunta sa harap ko si Tyler, Alex, Xian at Jester habang nakatutok ang kamao nila sa mukha ni Kevin.

“Ito gusto mo?” Sabay-sabay nilang tanong at wagas na umiling si Kevin.

“Ito naman, joke lang eh. Tawagin mo na lang akong sweetieㅡ”

“Ayoko.”

“Ha? Oh sige, sabihin mo na lang na mahal mo koㅡ”

“Asa.”

“Hmm, kiss mo na lang ako kahit sa cheeks lang. ‘Yon na lang, please?” Sinamaan ko siya ng tingin pero tumayo pa rin ako at binigay ang hiling niya. Sa pisngi lang naman ‘yon, no big deal.

“Happy birthday.” Nakangiti kong bati pagtapos kong halikan ang pisngi niya. Hindi siya kumibo at nakatayo lang habang nakatulala sa kawalan.

“Tara Xi, Chloe. Doon tayo sa labas.” Aya ko at sabay-sabay kaming lumabas kasama sila Alex, sumama rin ‘yong grupo ni Josh pati na rin sila Akira at Zero. Sa madaling salita, lahat kami ay lumabas at iniwan mag-isa ‘yong baliw na si Kevin.

“Lamig dito, okay ka lang ba? Babalik ko na ‘tong jacket.” Sabi ko kay Xi pero umiling lang siya at inakbayan ako. Nakatingala lang kami sa langit, ang ganda ng mga star.

Chloe’s POV

Nasa labas lang kaming lahat at may kanya kanyang mundo. Magkasama si Xian at Erin habang nakatingin sa mga stars.

Si Akira at Zero naman ay nasa isang sulok habang magkahawak ang kamay. Parang ang bilis ng pangyayari, sila na ba talaga? Hindi kasi halata. Parang iisang tao lang ang masaya sa relasyon nila.

‘Yong grupo ni Josh ay nakaupo sa batong upuan habang nagk-kwentuhan. Busy naman si Kevin sa pagtatayo ng tent kasama si Tyler, Alex at Jester. Ako lang yata ‘yong mag-isa kaya lumapit na ako sa kanila para tumulong.

“Ako na.” Sabi ko kay Alex nang kukunin niya na sana ‘yong tent pole. Mabilis ko namang naabot ‘yon sa kanya at saka niya ikinabit.

“Chloe, tara rito.” Tawag ni Jester sa kabilang side. Nabigla na lang ako nang bigla niyang ipatong sa ulo ko ‘yong jacket na nakapulupot sa baywang niya kanina.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now