Chapter Four

80.5K 2.7K 555
                                    


4: Punishment.
-

Kanina pa ako nakaupo sa upuan na ‘to at kanina pa ako tinitignan ng lalaking ito. Ano bang kailangan niya sa akin?

“It is your first day in this academy as a student at naghahanap ka na agad ng gulo?” Mahinahong tanong ng lalaking nag ngangalang Travis Milfior. Iyon kasi ang nakalagay sa desk plate niya na may nakalagay na Intrepid’s leader. Ngumisi lang ako ng bahagya, so siya pala ang pinaka-leader ng Intrepid, which means I’m his responsible starting today. Too bad for him.

“I don’t go looking for trouble. Trouble usually finds me.” I answered smartly. How can I be so sarcastic at this moment? I’m sure I’m going to be punished for that.

“Really? Then let trouble finds you. I’m going to punish you. After class dumiretso ka sa indoor pool and clean the whole area including the crs and locker rooms.” Napanganga na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagreklamo dahil agad siyang umalis. He gotta be kidding me.

Nasa last subject na ako. Wala akong kilala rito but they kept on glancing at me.

“Do you have a staring problem?” Tanong ko sa tatlong babaeng nasa harapan na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Anong oras na pero hindi pa rin dumadating ang prof.

I told you, siya ‘yong babae sa cafeteria.”

Oo mukhang siya nga. Pang-squatter kasi ‘yong attitude.”

Mukhang nagkamali ng test sa kanya. She should be insolent, not intrepid.”

Hindi ko na lang pinansin ang bulungan nila. Ayokong dagdagan ang punishment ko, how come na kakapasok ko pa lang ay mapaparusahan na agad ako? He should warn me first. Tch.

Mabilis lumipas ang oras at talagang may nagsundo pa sa akin para lang siguraduhin na didiresto ako sa indoor pool. My life literally sucks today, what the hell.

“Wag ka mag alala, hindi lang naman ikaw ang may punishment ngayong araw kaya may makakasama ka sa paglinis.” Sabi ng sumundo sa akin. He looks like a janitor with his outfit. Nang makarating na kami sa tapat ng indoor pool, napanganga na lang ako. Seriously? Ang laki nito.

“Ito mga gamit, good luck.” Nakangiting sabi ng janitor nang ibigay niya sa akin iyong mop, pamunas at ilang chemicals pang linis. Sinamaan ko siya ng tingin at saka padabog na kinuha ang mga gamit na ‘yon.

Pagpasok ko sa loob, wala namang tao. Seriously, bakit ko ba ‘to gagawin? It’s just my first day! Pero wala na rin naman akong magagawa kaya susunod na lang ako sa gusto ng Travis na ‘yon. Inumpisahan ko sa locker room pero malinis naman na. Sunod kong pinuntahan ay ‘yong cr pero hindi ako nakapasok agad dahil sa boses na narinig ko.

“Aaah!” Sigaw ng babae mula sa loob.

“Ano? Panget, bilisan mo na d’yan at ‘yan akin na ‘yan.” Boses ng lalake, dahilan para pumasok na ako sa loob at tumambad ang isang babaeng nakaupo sa tiles habang iyong lalaki ay nakatayo sa harap niya.

“Ano? Bingi ka ba? Akin na sabi, eh!” Sigaw pa no’ng lalake at saka sinipa ang babaeng mukhang na-rape dahil sa gulo ng buhok nito. Mukhang siya ang naglinis ng locker room. Napatingin ako sa hawak niya, isang panyo. Ayan ba iyong pilit kinukuha ng kumag na ito? Mahirap ba siya at wala siyang pambili noon?!

˝Pwede bang ‘wag kayo rito? Mag lilinis ako.” Bored na sabi ko at agad nila akong tinignan and for some reason, biglang tumakbo iyong babae papunta sa akin. Medyo naawa naman ako kaya binitawan ko ang mga gamit na dala ko at saka siya hinila palabas pero hinabol kami noong lalake.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon