Chapter Seventeen

65.8K 2.2K 253
                                    


17: Hidden feelings.
-

Tyler’s POV

Hanggang ngayon ay patago pa rin naming inaalam kung sino ang taong gumawa noon kay Erin. That was so dangerous, malakas din talaga ang loob ng tao sa likod ng insidenteng iyon. Dito pa talaga sa school, but one thing for sure, taga rito lang din ang gumawa no’n.

“Insan, ano ba? Ang tagal mo d’yan!” Reklamo ni Xander mula sa pintuan ngunit nanatili akong tahimik habang nakatingala sa shower. Napasuklay ako sa buhok gamit ang mga kamay ko, nakaka-frustrate. Sa aming lima, ako ang pinakawalang naitutulong para kay Erin.

Agad kong kinuha ang twalya at binalot sa ibabang parte ng katawanan ko. Si Xander naman ang bumungad sa akin dahil kanina pa siya nagmamadaling maligo.

“Sabihin mo nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Erin? Nakaaway mo siya noonㅡ”

“Hey hey, stop accusing me. Wala kang pruweba at saka tingin mo talaga kaya kong bumaril ng tao? Sinabi ko naman na sa ‘yo ‘di ba? Baka ‘yong mga tao sa loob ng gates of hell ang gumawa sa kanya no’n, not to mention na miyembro ng mafia ang isa sa mga nakaaway niyo.” Binangga niya ako sa balikat at saka padabog na sinara ang pinto ng banyo. Posible nga kaya?

Nagmadali akong magbihis para sa klase ngayong araw. Palabas pa lang ako ay sinalubong na ako ni Jester papasok ulit sa kwarto.

“Aray, ano ba?” Reklamo ko habang tinutulak niya ako.

“Shh. Tingin ka sa balkonahe.” Sabay kaming tumingin at may nakita kaming tatlong lalake sa likod ng girl’s dorm. Tumingin naman ako sa kaliwa at nakitang nasa balkonahe rin sila Xian, Zero at Alex.

“Sino ‘yong mga ‘yon?” Tanong ko pero bago pa man sila sumagot, may isang phone na ang nag-ring. Agad kaming napatingin kay Xian..

Erin, napatawag ka?

What? Hintayin mo kami.”

“What happened?” Tanong ni Alex at tumuro lang si Xian sa ikatlong palapag ng girl’s dorm kung saan nakita naming tumalon si Erin sa may sanga ng puno na nakatapat sa balkonahe ng 2nd floor.

“Nasisiraan na talaga siya.” Bulong ni Zero pero sapat na para marinig namin. Walang alinlangan siyang tumalon sa balkonahe at gano’n narin kami dahil hindi naman iyon gano’n kataas.

Erin’s POV

Hinihintay ko na lang matapos magbihis si Akira para sabay kaming lumabas. Sumilip ako sa balkonahe para magpahangin sana ngunit agad akong napaatras nang makita kong may tatlong lalake sa ibaba. Sila ‘yong mga nasa litrato, paano sila nakapasok dito sa academy? Saka bakit sila naka M.A uniform?

“May problema ba Erin?” Tanong ni Akira at umiling lang ako. Balak ko sana ulit sumilip ngunit nakita kong nasa balkonahe ng boy’s dorm ang lima. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Xian.

Erin, napatawag ka?

Nakikita niyo ‘yong tatlong lalake? Miyembro sila ng red organization, let me handle this.”

What? Hintayin mo kami.” Binaba ko agad ang tawag at sumilip sa balkonahe. Walang pagdadalawang isip akong tumalon papunta sa malaking sanga na nakatapat sa balkonahe ng room 218. Ito ‘yong sinasabi sa akin ni mommy na madalas akyatan ni dad papunta sa kwarto niya noon. Mabuti na lang at nandito pa rin ‘yon hanggang ngayon.

“Erin!” Sigaw ni Akira pero wala na akong oras para lumingon pa sa itaas kaya tinalunan ko na agad ang isang lalaking nakaabang sa pagtalon ko. Nadaganan ko siya at agad binigyan ng isang malakas na suntok.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now