Chapter Ten

74.7K 2.4K 231
                                    


10: New friends.
-

“Xian.” Tawag ko ngunit agad niyang sinuntok ang lalaking sinipa ko kanina at mabilis siyang sinugod ng isa pang lalake habang ang leader ay nanunuod lang. May mga galos na rin si Xian pero bakit siya lang ang nandito? Nasaan sila Alex?

“Xian, watch out!” Sigaw ko nang makitang hahampasin siya noong leader. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakaiwas siya. Nagawa niya pa akong tignan at puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi ko namamalayan na may kumakalas na pala noong lubid na nakapulupot sa katawan ko.

Si Tyler. Tumatakbo na rin papunta sa direksyon namin sila Zero at may mga humahabol sa kanila. Binigyan ng isang malakas na suntok ni Alex iyong lalaking humawak sa balikat niya, ganoon din naman ang ginawa ni Jester.

Tinignan ko si Tyler at nang makalas na iyong lubid sa katawan ko ay bigla akong nanghina pero mabuti na lang at nasalo niya ako. Kinarga niya ako in bridal style at inilayo sa lugar na iyon. Marahan naman niya akong inupo sa malaking bato at hinawakan ang mag kabilang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.

“Dito ka lang, tutulungan ko sila. ‘Wag na ‘wag kang aalis dito, okay?” Bilin niya at tumango naman ako, matapos noon ay nagmadali na siyang tumakbo pabalik and for some strange reason, napangiti ako. Seryoso talaga sila na poprotektahan nila ako.

“Xian.” I tried to call his name but it came out as a whisper. Bigla naman akong napalingon nang bumukas ang pintuan. Si Zero, nakatingin siya sa akin, may band aid siya sa may bandang noo. Mukhang napalaban talaga sila.

“Erin.” Nag-aalalang tawag ni Xian nang mapansin niyang gising na ako. Mukhang nasa infirmary kami ngayon, pangalawang beses ko nang nawalan ng malay but this time, sobrang sama na ng pakiramdam ko.

“Sabi ng nurse, mas makakabuti kung magpapahinga ka muna, ‘wag ka muna masyadong kumilos.” Sabi ni Xian habang tinatanggal niya ang mga buhok kong nakaharang sa mukha ko. Ngumiti ako ng bahagya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.

“Sorry for causing too much trouble. I know this is weird pero ano ‘yong pwede kong gawin para makabawi sa inyo?” Nahihiyang tanong ko at nagkatinginan naman sila ni Zero bago siya ulit magsalita, alam ko na rin iyong lalabas sa bibig niya kaya inunahan ko na siya.

“I’m serious.” Bumuntong hininga ako dahil halata namang iniisip nila kung seryoso ako o hindi. Ngumiti si Xian at saka hinawakan ang kamay ko.

“Okay, alam kong mahirap ‘to para sa ‘yo pero, I want you to be more friendly.” Aniya at nagdalawang isip pa ako bago tuluyang tumango. Gusto kong tumawa dahil sa naging reaksyon niya pero masakit iyong labi ko kaya hindi ko mabanat ng masyado. Magsasalita pa sana siya ngunit bumukas ulit iyong pintuan.

“Montero, kailangan ka sa faculty.” Sabi noong babaeng nag-welcome sa akin noong unang araw ko rito sa academy.

“Sige na, ako na bahala sa kanya.” Ani Zero.

“Pahinga ka.” Tumango lang ako sa sinabi ni Xian at lumabas na rin siya ng kwarto kasama ‘yong babae. Sa totoo lang, mahirap talaga ang gustong mangyari ni Xi, pero wala namang masama kung susubukan ko. Alam ko namang mahirap din para sa kanila na bantayan ako. Be friendly, that’s the least I can do para lang makabayad sa kanilang lima.

"Okay na ko rito, pwede mo na akong iwan.” Humarap ako sa kabilang direksyon para hindi ko makita si Zero. I hate to see his face pero naramdaman kong naupo siya sa kama at may inangat na kung ano.

“S-sorry for what happend. I forgot that you’re afraid of being closed in to a small space.” Mabilis akong lumingon dahil sa sinabi niya. He really know how to say sorry, huh?Medyo natawa pa ako nang makitang inabutan niya ako ng marshmallow. Kinuha ko iyon sa kanya at umiwas ulit ng tingin bago mapangiti ng tipid.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now