Chapter Three

85.9K 2.8K 472
                                    


3: First day trouble.
-

“Hoy, sino ka ba? Bagong salta ka lang dito, ah.” Ani ng lalaking nasa bandang likuran ko. Mahigpit namang nakakapit sa braso ko si Akira na akala mo’y mag-bestfriend na kami.

“Erin, ‘wag mo na silang patulan. Mga insolent ang mga ‘yan. Gangsters from different schools, dito sila tinapon dahil dito lang sila tinatanggap, mga sophomore na ‘yan.” Bulong ni Akira at tanging pagngisi na lamang ang nagawa ko. I mean, gangster? They look garbage to me though.

Nilapitan ako ng lalaking binato ko at nakipagtitigan pa sa akin. He tried to choke me but due to my quick reflexes, mabilis kong natabig ang kamay niya bago pa man niya mahawakan ang leeg ko.

“Layo.” Utos ko kay Akira nang buong pwersa kong tinanggal ang kamay niyang kanina pa nakapulupot sa braso ko.

“Eriㅡ” Hindi na naituloy pa ni Akira ang mga sasabihin niya dahil nagsimula na akong sumugod. Inuna ko ang lalaking nagtangkang sumakal sa akin kanina, inapakan ko ang paa nito atsaka siya sinikmuraan. Napayuko siya dahil sa ginawa kong iyon. I was about to give my final blow, tutuhurin ko sana ang mukha niya since nakayuko ito ngunit may dalawang lalake ang humawak sa magkabilang braso ko.

“Ang lakas ng loob mo.” Madiing saad ng lalaking nasa kaliwa ko.

“Come on, Xander. Teach her a lesson.” Dagdag pa nito and the next thing I knew? Nasuntok na ako ng Xander na iyon sa may bandang pisngi. I can taste the blood in the corner of my lips. Sinamaan ko siya ng tingin at nag abang sa muli niyang pagsuntok ngunit naramdaman kong bumitaw ang dalawang lalaking nakahawak sa braso ko. Tila napako naman ang paa ng Xander na iyon mula sa kinatatayuan niya.

Nag umpisa na ring mag ingay ang mga babae, more of kinikilig kaya naman lumingon na ako sa likuran ko.

“Tyler! Ano na naman ba?” Reklamo noong Xander and for some reason, bigla na lang akong nilapitan noong Tyler atsaka nginitian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Tyler! Ano na naman ba?” Reklamo noong Xander and for some reason, bigla na lang akong nilapitan noong Tyler atsaka nginitian. Woah, I thought he’s a girl.

“Erin, nasaktan ka ba? Pag pasensyahan mo na ‘yong pinsan ko.”Aniya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Did I heard it right? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Eh ngayon ko pa lang naman siya nakita. Am I that popular? Lol.

“Hindi mo na ako naaalala? Tyler Sandoval, anak ni Matthew, gangmate ni Tito Thunder, ng daddy mo.” Sabi nito and so I close my eyes trying to remember my childhood days.

“Yeah, I kind of remember pero paano mo nalamang ako ‘to? It’s been years.”

“Hmm, It may sound weird or creepy pero ini-stalk ko kasi ‘yong facebook mo.” Aniya at napangiwi na lang ako. Seriously?

“Xander, stop this nonsense or elseㅡ” Hindi naituloy ni Tyler ang sasabihin niya nang bigla kaming palibutan ng iba pang kasama noong Xander. Kusa naman nang tumabi ang ibang estudyante habang si Akira ay nakita ko na lang na tumakbo papalayo. Saan naman pupunta ‘yon? Don’t tell me, tatawag siya ng guard para pigilan ang away na mangyayari? Ugh.

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon