Chapter Thirty eight

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kung hindi ka na makapaghintay, then stop courting me.” Sabi ko nang sa wakas ay mag-decide akong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Tumayo na rin ako at nang maglalakad na ako ay pinigilan niya ko.

“Sorry, masama bang magselos?” Tanong niya and damn! Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko alam na may ganitong side si Zero, para siyang bata but stillㅡ

“There’s no reason for you to get jealous. Alam mong ikaw ‘yong gusto ko.” Sabi ko at saka tuluyang lumabas ng cafeteria. Dumiretso ako sa banyo para roon bumuntong hininga habang nakatingin sa sariling repleksyon. Ano ba ‘yong sinabi ko? Ugh! Damn that Zero! Pinipilit niya akong magsabi ng mga gano’ng bagay. It’s giving me goosebumps.

“Si Erin at Zero na kayaㅡ” Agad napatigil sa pagsasalita ang babaeng pumasok nang makita niya ako. Tinignan ko lang sila ng kasama niya pero bigla na lang silang tumakbo palabas. Problema no’n?

Pagbalik ko sa classroom ay hindi kami nagpansinan ni Zero. Hanggang sa ma-dismissed na ang klase ay nanatili kaming invisible sa isa’t isa.

“Guys, lalabas kami ni Tyler ngayon. Ipapaalam ko lang para hindi kayo maghanap.” Sabi ko at hindi ko na sila hinintay magsalita. Basta ko na lang hinatak si Tyler palabas ng classroom.

“Baka magselos si Zeㅡ”

“Hayaan mo siya.” Pagputol ko at dumiretso kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. I was wondering kung alam ba niyang pinsan niya ang bumaril sa akin noon. Hanggang ngayon kasinag wala pa rin akong lakas ng loob na itanong iyon sa kanya. Ewan ko, natatakot ako sa makukuha kong sagot. Well, ayoko nang isipin pa ‘yon, ang gusto ko ngayon ay ang mag-enjoy.

“Anong ride ang gusto mong sakyan?” Tanong niya pagdating namin sa amusement.

“I want the dangerous one.” Sagot ko at tinawanan niya ako.

“May gano’n ba? Oh sige, roon tayo sa drop tower.” Sabi niya at saka hinawakan ang palapulsuhan ko para dalhin sa pila.

“Hala ang gwapo ni kuya. Mukha syang babae.” Bulong ng babae sa likuran ko. Hindi ko malaman kung compliment ba iyon o insult. And since wala akong magawa, hinila ko si Tyler at niyakap ang braso niya.

“Pinagpapantasyahan niyo ba ‘yong boyfriend ko?” Tanong ko at halatang nagulat si Tyler. Tumahimik naman ‘yong dalawang babae at saka tumalikod sa amin, dahilan para matawa ako.

“Ang bad mo talaga, Erin.” Natatawang sabi ni Tyler at nag-peace sign lang ako. Nakatingin ako sa kanya the whole time, actually no’ng una kaming magkita ay akala ko talaga babae siya.

“Sige, Dad. Ikumusta mo na lang ako kay Tito Ramon at Tito Jp.” Agad kaming napalingon ni Tyler sa babaeng nakaupo sa tapat namin nang marinig ang pamilyar na pangalang binanggit niya. Tinignan naman niya kami nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya.

 Tinignan naman niya kami nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon