“At ito, nakita ni Jester malapit sa parking lot.” Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Cellphone ito ni Chloe, saktong magsasalita sana ako nang mag-ring ang phone ko.

Sino ‘to?

Kumusta? Kasama ko nga pala ang kaibigan mo.”

What the hell?! Sino ka? Anong ginawa mo kay Chloe?!

May ibibigay akong address, let’s meet there.” Agad niyang binaba ang tawag kaya hindi na ako nakapagtanong pa.

“What? Sino ‘yon?” Tanong ni Tyler.

“Aalis akoㅡ” Akma na sana akong tatalikod ngunit mabilis akong nahatak ni Zero.

“What? Nababaliw ka na? Ni hindi mo nga alam kung sino ‘yong tumawag sa ‘yo.”

“I don’t care, hawak nila si Chloe.” Tinitigan lang akong mabuti ni Zero. ‘Yong mga tingin niyang ‘yan. Ano bang gusto niya iparating?

"I’ll go with you.”

“Kaya kong mag-isㅡ”

“Sasama ako! Tara.” Mabilis niya akong nahatak at saka hiniram ang motor ni Jester. Hindi na sumama ‘yong iba dahil pinigilan ko na sila bago pa sila magpresinta.

Pag-alis na pag-alis namin ni Zero ay tahimik lang akong nakaangkas sa likuran niya. Pinakita ko sa kanya ‘yong address na minessage noong lalaking kausap ko. East district, doon kami papunta ngayon.

“Erin.” Rinig kong tawag sa akin ni Zero. Wala kaming suot na helmet dahil sa pagmamadali.

“Why?”

“Nothing.” Napataas na lang ako ng kilay, he’s acting weird again.

Pagtapos ng halos isang oras na byahe ay huminto na si Zero sa isang bakanting lote. May kinakalawang na gate at isang maliit na bahay mula sa dulo ng lote.

“Sure ka ba na rito?” Tanong ko at tumango lang siya. Binuhat niya ako bigla patawid doon sa gate at sumunod siya. Marahan naman kaming naglakad papunta sa bahay, masyadong matataas ang mga damo rito.

“Aw!” Napahawak ako sa paa ko nang maramdamang may tumusok doon. Mabilis naman akong nalapitan ni Zero at nanlaki na lang ang mata ko nang pasanin niya ako ng walang pasabi.

“Ano ba! Ibaba mo ako.”

“Masusugatan lang ‘yang hita mo sa mga damo.” Aniya at kaagad din niya akong nilapag nang makalagpas na kami sa damuhan. Nasa tapat na kami ng lumang bahay, pasimple lang akong sumilip sa loob nito pero walang tao.

Sinubukan kong tawagan ‘yong number kanina at agad naman niya iyong sinagot.

Too late, better luck next time.” Sabi nito, dahilan para magsalubong ang kilay ko.

What the fuck are you trying to say? Nandito na ako!

I know, but wala sa usapan natin ang magsama ka. Just wait for my next call.” Ibinaba niya ‘yong tawag kaya nasipa ko na lang ang pintuan.

“Bakit?” Tanong ni Zero.

“Wala sila rito.”

“Tara na, mag gagabi na, bumalik na tayo. Magiging okay si Chloe.” Sabi niya at saka bumalik sa motor ni Jester, kung sino man ang mga walangyang gumagawa nito, sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ‘to! Red org man ‘yan o ano, ako dapat ang puntirya nila! Hindi nila kailangan idamay ang mga kaibigan ko. Fuck!

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now