Chapter Twenty three

Start from the beginning
                                    

“Oh! Erin, tara kain na.” Aya ni Akira nang makabalik ako, ang dami niyang in-order. Ano ‘to depressed eating?

“Paano nga pala kung ma-kick out ka?” Biglang tanong ni Akira sa akin.

“Eh, ‘di na-kick out.” Nagkatinginan kami ni Alex at para bang sinasabi niya sa akin na hindi mangyayari ‘yon kaya ngumiti ako.

Pagtapos naming kumain ay tumambay kami sa may park kung saan maraming bata ang naglalaro sa playground. Nakaupo lang kami sa mga upuang bato habang nagk-kwentuhan about doon sa nangyari sa party.

Halos maihi raw sa takot si Kevin kaya tawa nang tawa si Alex habang si Akira naman ay tahimik lang, malungkot pa rin ba siya dahil hindi siya nakapag-confess? Paano ko ba siya iche-cheer up matapos sabihin ni Zero sa akin ‘yong mga bagay na ‘yon?

Ugh! Seriously. Ang hirap nito, lalo na’t may gusto nga talaga sa akin si Zero. Kailangan kong makausap ang lalaking ‘yon.

Kinabukasan, Monday. Everyone is looking at me na para bang may sakit ako. Iniiwasan na para bang kapag lumapit sila sa akin ay mahahawaan sila. Uh, seriously?

“Hayaan mo na sila, Erin. Baka natatakot lang sila.” Sabi ni Akira nang mapansin din niya ang napapansin ko. Tumango lang ako at naghiwalay n arin kami ng daan. Pagpasok ko sa classroom ay gano’n lang din ang naging tingin sa akin ng mga kaklase ko pero hindi ko na ‘yon pinansin pa.

“Ang oa ng mga tao nowadays.” Iritang sabi ni Jester dahil maging sila ay napapansin din ang tingin sa akin ng mga tao.

“We can’t blame them.” Kibit balikat kong sabi at saka tumingin sa labas ng bintana. Mabuti na lang at wala pa si Zero rito, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos niyang mag-confess ng gano’n kahapon.

“Mukhang hindi papasok ngayon si Zero, ah.” Ani Tyler pero nanatili akong tahimik. Mabilis lumipas ang oras at hindi nga pumasok si Zero. Anong nangyari sa lalaking ‘yon?

“Cross, pinapatawag ka sa dean’s office.” Sabi ng prof bago siya mag-dismiss ng third subject, dahilan para magsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Napabuntong hininga ako bago marahas na hampasin ang mesa ko.

“Pwede ba! Kung natatakot kayo sa ‘kin mag-drop out kayo! Never akong mag-a-adjust para sa mga tulad niyong kinakain ng takot! Cowards.” Yeah, now I’ve done it. Nakakapikon na eh. Hindi ko na hinintay pang magsalita ang prof kaya lumabas na ako at dumiretso sa dean’s office.

“I heard what happened pero nakausap ko na ang parents mo.” Panimula niya nang maupo ako sa harapan niya.

“You can kick me out, sanay na ako.” Walang emosyon na sabi ko kahit sa totoo lang ay ayoko talagang umalis sa school na ‘to.

“Walang mangyayaring gano’n Ms. Cross, you will stay here until you graduateㅡand after what happened, mas lalo ka lang namin gustong panatilihin dito.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabing iyon ng dean. Nagbibiro ba siya?

“The owner of this school wants to keep you, so rest assured na mananatili ka rito hanggang sa grumaduate ka.” Dagdag pa niya.

“Are you serious? I mean thankful ako na hindi ako ma-ki-kick out but what’s the reason? Malaking gulo ang naidulot ko sa school. Anong kailangan sa ‘kin ng owner ng school na ‘to para panatilihin ako rito? It doesn’t make any sense.” Ngumiti ng makahulugan ang dean at saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

“You will find out soon.” Aniya at hindi ko na nagawang magtanong pa. Uh! Na-curious na naman ako. There's something strange about this school at sino ba ang owner nito? Kilala niya ba ako?

Nang mag-breaktime agad akong dumiretso sa pwesto namin nila Akira, pinilit kong ‘wag munang isipin ang tungkol doon sa owner ng school kaya binalita ko na lang sa kanila ang good news na hindi ako mapapaalis dito.

“This called for celebration.” Sabi pa ni Akira at saka inangat ang hawak niyang baso ng juice. Ngumiti lang ako ng malawak at saka ibinaling ang tingin sa lamesa no’ng lima. Wala pa rin si Zero.

Masaya kaming kumakain nang bigla na lang lumapit sa lamesa namin si Lexy. Awtomatiko akong napairap at bumuntong hininga.

“Hey bitch, let’s talk later. 1:00 p.m sa labas ng Intrepid’s head quarter.” Tumingala ako sa kanya at tinignan ko lang siya ng walang emosyon.

“Naririnig mo ba ako?” Tanong niya.

“Sorry pero tanga ka ba? Hindi ka ba nadala?” Tumayo na ako at saka siya hinarap. Sinubukan pa akong pigilan nila Chloe pero wala rin silang nagawa.

“Tignan natin kung hanggang saan ‘yang tapang mo. Sisiguraduhin kong maaalis ka sa academy na ‘to, trust me.” Inirapan niya ako at saka umalis. Bumalik ako sa upuan ko at niyupi ang coke in can na hawak ko. Damn it! What’s her deal?

“Don’t mind her, sweetie. Nagpapapansin lang ‘yon.” Sabi ni Kevin. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain, ano na naman ang kailangan sa akin ng babaeng ‘yon? Does she really hate me that much? Pathetic, kahit anong gawin niyang pagbabanta sa akin, hindi ang tulad niya ang magpapaalis sa akin sa eskwelahan na ‘to.

Naghintay ako sa may bench malapit sa intrepid’s head quarter. Saktong 1:00 p.m na pero wala pa rin si Lexy. Wala naman talaga akong pakialam sa mga sasabihin niya but once and for all, nagpunta pa rin ako.

“So you still came after all.” Tumayo ako at saka siya nilapitan.

“Just talk, kung ano man ‘yang walang kwentang salita na lalabas sa bibig mo. Makikinig ako.” Nginisian niya ako at hinawakan ang laylayan ng buhok ko bago iyon pinaglaruan.

“What an impertinent girl.” Komento niya kasabay ng pagtabig ko kamay niya.

“Wala akong panahon mag-aksaya ng oras sa ‘yo, sabihin mo na ‘yong gusto mong sabihiㅡ”

“You’re aberrant, right?” Nabigla ako sa sinabi niya ngunit pinilit kong ‘wag magpakita ng kahit anong emosyon. Crap! Paano niya nalaman ang bagay na ‘yon?

“Silence means yes, you know?” Ngumisi ako at saka siya tinitigan ng diretso sa mata.

“Stop spouting nonsense, Lexy.”

“Oh come on, don’t play dumb games, Erin. I have your true test result. Sinigurado kong makukuha ko ‘to that night, kung saan busy ang lahat ng tao. Habang takot na takot ang ibang estudyante, habang walang tao sa keen’s lab. That party was blast!” Tumawa siya ng malakas, para na siyang nababaliw.

“You know that’s against the rule.” Napalingon kaming pareho sa boses na ‘yon. Lumabas si Chloe at inangat ang cellphone niya.

“I recorded everything you’ve said. Now tell me, Lexy. Kapag ibinigay ko ba ‘to sa dean, makakasigurado ka ba na makakapag-stay ka pa rito?” Nilapitan ako ni Chloe at tumabi sa gilid ko habang nakatingin ng masama sa amin si Lexy.

“Go ahead at ipakalat mo ‘yang test result ni Erin, if that happens? Ipaparinig ko ‘to sa dean para sa gano’n, paalisin ka rin dito gaya ng gusto mong mangyari kay Erin.”

“Ano bang pakialam mo rito?!” Sigaw ni Lexy. Maging ako ay hindi ko makilala kung si Chloe ba talaga itong kasama ko. I mean, mapakamisteryoso niya.

“Chloe, ba’t mo ‘to ginagawa? I mean hindi mo kailangan makisali rito. Problema ko ‘to.” Nilingon niya ako at saka nginitian ng matamis.

“I’m your friend, kahit anong mangyari tutulungan kita. Asahan mo na sa lahat ng laban, kasama mo ako.” Makahulugang sabi niya.

“Why?” Naguguluhang tanong ko.

“Dahil kagaya mo, isa rin akong aberrant.”

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Where stories live. Discover now