Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

“Wala akong magawa eh, gusto ko pumunta ng amusement kasama kayo.” Nakangiti kong sabi at lahat sila ay natahimik.

“You’ve really changed, Erin. Pero sure ka ba? Look at you, kagagaling mo lang sa away kahapon.” Nag-aalalang sabi ni Xian nang hawakan niya ang mukha ko. Ngumiti lang ako ng tipid at saka tumango.

“Sure ako, galos lang naman ‘to eh. Ano? Let’s go?” Aya ko at wala rin silang nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse, hindi na rin kami naghiwalay kaya kay Xian na ‘yong ginamit namin dahil siya lang ang may malaking kotse sa kanilang lima.

“Guys, aware ba kayo na aberrant ako?” Tanong ko ngunit tahimik lang sila. Hindi ko kasi matandaan kung alam ba nila, ang pagkakatanda ko kasi si Alex lang ang may alam sa totoo kong kind.

“What do you mean?” Tanong ni Zero.

“Keen, insolent at intrepid ang kind ko kaya ako naging aberrant.”

“Seryoso ka ba? Paano ka nakapasok sa academy?” Tanong ni Xian.

“Because of dad, pineke niya ‘yong result test ni Erin. Aware naman kayo na delikado ang mga aberrant sa academy, right? Sikreto lang natin ‘to.” Pagsingit ni Alex.

“Pero alam ni Chloe, hindi ko sinabi at hindi rin ako umamin pero sabi niya hindi ko maitatago sa kanya na aberrant ako. What should Iㅡ”

“Guys! Yuko!” Biglang sigaw ni Xian at mabilis akong nayakap ni Jester para yumuko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakarinig na lang ako ng putok ng baril. Nagpagewang gewang na rin ang kotse.

“The hell?!” Sigaw ni Zero, nasa harapan kasi siya habang nasa likod naman kaming apat nila Tyler.

“Kumapit kayo.” Sabi ni Xian at mabilis niyang pinatakbo ang kotse. Nakita ko namang may hinugot si Tyler sa may pantalon niya. The fuck? Bakit may dala siyang baril? He gotta be kidding me.

“Tyler, bakitㅡ”

“Don’t worry, marunong akong gumamit. Lahat kami meron nito.” Sabi niya at mabilis niyang binuksan ang bintana. Nilabas niya ang kamay niya at agad pinaputok ang baril sa kotseng nasa harapan namin. Mukhang pinatama niya ‘yon sa gulong kaya bumangga iyong kotse sa puno.

“Mabuti na lang at bulletproof ‘yong windshield ko.” Sabi ni Xian, dahilan para magsalubong ang kilay ko. Eh, bakit pinayuko niya pa kami? Ugh. Hindi ko akalain na ngayon na darating ang problema. Sabi na at kanina pa may nagmamasid sa akin.

“Bumalik na tayo sa academy.” Suhestiyon ni Alex.

“Hindi. Sure ako na may red organization sa academy, hindi na rin ako sa safe ro’n. Natatandaan niyo naman ‘yong tatlong lalake noon eh.. Hindi na sila nakasunod kaya tumuloy na tayo sa amusement.” Kalmadong sabi ko.

“You’re unbelievable, nasa bingit na ng kamatayan ‘yang buhay mo gusto mo pa rin mag-amusement?” Naiiling na komento ni Zero.

“Para saan pa at naging Cross ang apelyido ko kung madali rin akong matatakot?” Napailing na lang sila at tumuloy sa byahe na parang walang nangyari.

Pagdating namin, bumili kami agad ng ride all you can ticket, sinulit namin ‘yong araw para magsaya. Lahat ng rides sinakyan namin pero hindi rin kami nagtagal dahil inaalala nila ako, kaya kahit ayoko pang umuwi wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nila.

“Hi mga kuya, pwede bang magpa-picture sa inyo?” Tanong ng mga babaeng lumapit sa amin.

“Ah okay lang.” Nakangiting sabi ni Xian. Tch, masyado siyang mabait. Ano bang feeling ng mga babaeng ‘to? Mascot ‘yong mga kasama ko?

“Ate, paki-picturan mo naman kami oh.” Inabot sa akin ng babae ‘yong camera pero tinitigan ko lang ‘yon. As if naman magpapautos ako sa kanya.

“Hindi siya photographer.” Inakbayan ako ni Zero at saka naglakad palayo sa mga babaeng ‘yon. Naging maingat rin kami sa pagbalik sa academy dahil sa insidenteng nangyari kanina.

Mabilis lumipas ang oras, magkakasama na kami ngayon nila Kevin kasama si Akira at Chloe, hindi rin mawawala ‘yong lima dahil nagdodoble protekta na sila ngayon sa akin. Ayoko naman sayangin ‘yong araw kaya inaya ko na sila kumain, who knows. Baka sa susunod na araw hindi ko na ‘to magawa.

Someones P.O.V

Pinagmamasdan ko lang ang mga kaibigan ko, napaka-boring kapag Saturday pero pagkasama ko sila sumasaya ako. Kasalukuyan kaming kumakain ng tumunog ang phone ko.

“Sagutin ko lang ‘to.” Paalam ko sa kanila at agad lumayo sa lamesa kung saan kami nakapwesto.

Mom, napatawag ka?

Are you with Erin right now? Panandalian akong hindi nakasagot dahil sa tanong ni mommy.

Hmm, yes. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?

Help me to do my plan, gusto kong i-update mo sa ‘kin lahat ng lakad niya, kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya.”

Wait, why? You’re being weird, Mom.”

Just do what I said, ayaw mo naman siguro na pumatay ako ng tao ‘di ba?Muntik ko nang mabitawan ang phone ko. Anong nangyayari?

Wait, Mom. What’s with you all of a sudden?

Gusto kong mapasakamay ng red org ‘yang Erin na ‘yan. Kung ayaw mong sundin ang gusto ko, ako mismo ang papatay d’yan sa kaibigan mo.” Napalingon ako sa lamesa kung saan kami nakapwesto nila Erin. I don’t know what’s going on. Si mommy ba talaga ang kausap ko ngayon?

I need your answer!

O-okay, ano bang nangyayari? Bakit bigla ka na lang naging gan’yan kay Erinㅡ Binaba ni mom ang tawag at naluha-luha akong bumalik kung saan kami nakapwesto. Tuwing ik-kwento ko si Erin sa kanya, masaya naman siya pero ngayon, anong nangyari? Kaya ko bang gawin ang pinapagawa niya?

Monstrous Academy 2: Chasing the bad girl [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon