Episode 1 : The Vendetta

Start from the beginning
                                    




****


"ROBERTOOOOO!!"


Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Kael sa gate nitong school ay sinalubong na agad kami ni Agnes habang sumisigaw pa. Pinagtitinginan tuloy siya ng ibang studyante.


"Roberto. Pfft." Narinig ko pang nagpipigil ng tawa si Kael. -__-


Pagkalapit ni Agnes samin ay agad niyang hinarap samin ang isang notebook. Puro numero ang nakalagay dun kaya wala akong maintidihan. "Patulong naman ooh~"


Sumabay na rin siya samin, at habang naglalakad kaming tatlo ay tinitignan ko rin ang notebook niya, at sa tingin ko mga math problems nga tong mga 'to.


"Bukas na namin yan ipapass at di pa ako nakakapagsimula T___T" Malungkot pa na saad niya. Gusto ko man siyang tulungan pero...


Mahina ako sa Math T___T


"Di ko alam pano 'to gawin, Agnes. RIP ako pagdating sa math."


"Ikaw rin? Huhuhu apir tayo Bert" Bert amp -__-


Natawa naman si Kael at kinuha yung notebook ni Agnes. "Patingin." Tinignan niya ito saglit at tsaka isinuli kay Agnes. "Mamayang lunch break nasa rooftop lang kami ni Boss. Punta ka nalang dun para matulungan kita"


Agad namang lumiwanag ang mukha niya "TALAGAA? THANK YOU, KAEL! " Patalon talon pa siyang umuna samin sa sobrang tuwa. "Sige kita nalang tayo maya ah. Bye Kael, bye Bert! " At agad na nga siyang umuna sa'min.


" Ba't hindi niya matandaan pangalan mo, Boss?" Natatawang tanong ni Kael.


" Ewan ko dun. Halata namang pinagtitripan lang niya pangalan ko. Bert amp." Nakapoker face kong sagot. Okay lang sana kung tawagin niya ako sa kahit anong pangalan eh . Basta mga astig na pangalan lang. Eh kaso ang babantot ng mga tinatawag niya sa'kin -__-


"Cute naman ang Bert ah. Hahahaha"


"Isa ka pa eh T__T "


" Hahahaha joke lang, Boss "



***


Pagkarating naming dalawa ni Kael sa room ay halos andito na lahat ng classmates namin. Malapit na din kasi mag bell.


Pagkaupo ko sa upuan ko ay binati agad ako ng seatmate ko " Hi, Virgel." Nakangiting bati niya. Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Tsaka yung boses niya ang sobrang hinhin. Ang sarap pakinggan sa tenga.


" Hi Claire." Nakangiti ring ganti ko. Buti pa siya tinatawag niya ako sa sarili kong pangalan ^___^ ( A/N: Remember Claire? Kung hindi punta kayo sa chapter 36, may scene siya dun :) )

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now