Episode 1 : The Vendetta

5.6K 191 41
                                    

Episode 1 : The Vendetta


**********


[ Virgel's PoV ]



"N-natatakot kaba?"


...


......


..............


Mahigit limang na buwan narin ang nakalipas.


Pero napakasariwa pa rin sa isipan ko ang pangyayaring yun.



" Pakiusap pilitin mo ang mabuhay..k-kahit para sakin lang. "


" H-habang buhay kitang poprotektahan...Virgel. T-tungkulin ko yan bilang k-kuya mo. "


..


........



Mapatos kong ilagay ang bulaklak na hawak ko sa puntod ni kuya ay napatingin nalang ako sa maasul na kalangitan. Napakapayapa ng panahon ngayon.


Ngumiti ako ng bahagya. "Maligayang kaarawan sa'yo, kuya." Mahinang bulong ko. Naramdaman ko namang umihip ng mahinahon ang hangin. Napapikit nalang ako habang pinapakiramdaman ito ng hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi ko.


"Boss." Tsaka lang ako napadilat ng bigla kong napansin ang presensya ni Kael. "Kailangan na nating umalis. Baka ma late pa tayo."


"Oo nga pala." Nakalimutan kong papasok pa pala kami. Napadaan lang kasi kami rito sa pinaglibingan ni kuya Argo bago kami papuntang school. Di ko namalayan ang oras. "Pasensya na sa paghihintay" Pakamot ulo kong sabi.


"Wala yun Boss" tatawa tawa lang kaming bumalik sa kotse. Pero bago pa ako pumasok ay tumingin ulit ako sa puntod niya. At sa di inaasahan ay nakita ko siyang nakaupo dun sa may puntod niya habang nakatingin rin sa kalangitan.


Parang gustong tumulo ng mga luha ko sa mga oras na 'to nung makita ko siya. Lalo na nung lumingon siya sakin saglit at tsaka ngumiti.


Pagkatapos nun ay unting unting naglaho ang imahe niya.


Napangiti nalang ako.


Alam kong andyan ka lang palagi sa tabi ko para protektahan ako kuya..


"Boss?"


Agad na rin akong pumasok pagkatapos.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now