Pero ilang oras na ang nakakaraan pero hindi pa rin dumarating si Yabang.

Nasaan na ba siya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Pero tanging tunog lang ng operator ang sumasagot. Naka-off ang phone nito.

Psh.

"Nasaan na ba si Yabang? Bakit ang tagal niya?" Tanong ko kay Klein.

"Hayaan mo, darating na yun. Ikaw naman, masyado mong namimiss." Tila panunukso niya sa akin.

Napaismid na lang ako.

Medyo naiinis na rin kasi ako. Bakit kailangang naka-off ang phone niya?

Hays.

Umupo na lang ako sa nakalatag na mat. At nakatitig sa puntod ni ate. 

Nang bigla ulit tumugtog ng gitara si Jules. At nagduet sina Klein at Glai.

♫ Girl you are to me
All that a woman should be
And I dedicate my life
To you always

A love like yours is rare
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way
For always

Napatingin ako sa kanila at napansin kong lahat sila ay iisa lang ang tinitingnan. 

Dinako ko ang tingin ko sa tinitingnan nila. Napatayo ako.

Si Yabang, naglalakad papunta sa akin.

And we both know, that our love will grow
And forever it will be, you and me

Ang gwapo niya sa suot niya. Naka-puti na polo shirt siya na napapailaliman ng puting coat. Nakaitim na maong pants din siya at puting rubber shoes. Para get-up niya yung mga nakikita kong get up ng mga artista sa TV.

At saka bakit ganun ang suot niya? Parang may pupuntahan siyang kasal.

May dala-dala siyang buoquet of pink roses.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa nangyayari.

Nang nakalapit na siya sa akin, akala ko ibibigay niya ang buoquet sa akin. Pero nilagpasan niya ako at ipinatong ang iyon sa puntod ni ate.

"Happy birthday, Max." Sabi pa niya.

Psh. Napahiya ako dun ah. Aish! Nakakainis talaga siya.

Tumayo siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Akala mo sayo no?"

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon