"Pero seriously Mandy, ang ganda-ganda mo ngayon." Sabi ni Jules na nakapwesto sa driver's seat. Tumingin siya akin gamit ang rear mirror.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

Nanatili pa rin kaming magkaibigan ni Jules pagkatapos naming maghiwalay. Siya na nga ang naging male bestfriend ko. Sabi pa niya, inaabala niya raw muna ang sarili niya sa trabaho. Nagiging isa na siya sa mga in demand architects ngayon.

"♫ Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~ ♪" Bigla namang kumanta si Calvin na nasa front seat din.

"Ulol!" Nasabi na lang ni Jules.

Nagsitawanan lang kami nang bigla akong may napansin.

"Teka, asan si Yabang?" Tanong ko.

"Susunod na raw siya. May pinuntahan lang daw sandali." Sagot ni Klein na nasa likuran namin. Katabi nito ang girlfriend niya na si Glai.

"Ah," Tumango ako.

Habang bumabiyahe, nagkukwentuhan lang silang lahat. At ako, nakangiting nakikinig lang sa kanila. 

Nakapagtapos na kami ni Trina at may mga trabaho na rin kami ngayon. Ako na ang namamahala ng pharmacy namin. Si Trina naman, nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company.

Going strong pa rin naman ang relationship nila ni Calvin. Si Calvin na ngayon ang presidente ng kompanya nila. Ang taray nga ni Trina eh, first lady. Haha. Kahit na medyo nagtatalo pa rin sila minsan dahil sa babae.

Pero alam ko naman na hindi siya lolokohin ni Calvin. Sigurado ako dun. Malaki ang tiwala ko sa kanya.

Sabi pa nga ni Calvin, may balak na raw siyang magpropose kay Trina. Excited na ako! 

Sina Klein at Glai naman, ganun rin. Going strong. Agad naming nagustuhan si Glai nang makilala namin siya. Aside sa sobrang ganda niya, sobrang bait niya rin. Magkasundong-magkasundo sila ni Klein. 

Masaya ako para kay Klein dahil nahanap na rin niya ang babaeng para sa kanya.

Kami naman ni Yabang, almost 10 months na rin ang relasyon namin. Nang umuwi siya mula Finland ten months ago, hindi na siya bumalik pa ulit doon. Mas gusto niyang magtrabaho dito. Ayaw niya raw mapalayo sa akin this time.

Sobrang masaya kami. Kahit na minsan iniinis pa rin niya ako at kinukulit hanggang sa magsungit na naman ulit ako sa kanya. Tapos siya rin, mayabang pa rin minsan. Haha. Inert na yata sa amin yun.

* * *

Masaya naming ginunita ang birthday ni ate. Kumanta kami ng happy birthday song sa harap ng puntod niya. Kumain din kami, masayang nagkwentuhan, at nagkakantahan. May dala kasing gitara si Jules.

Inaalala rin namin ang mga panahon na kasama namin si ate. Puro ngiti ang namutawi sa mga labi namin habang inaalala ang mga iyon.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon