“Tapos nung nasa Tagaytay tayo, remember nung binalita ni Katy na mag-kakaron nga siya ng special performace? Binalita niya yun sa kanila. And yes, we purposely went home earlier para dun. Siguro she was too confused and depreesed kaya sinabi niya sakin na kailangan niya paikutin si Katy. Kailangan mawala si Katy on the of the dance competition kasi nakikita ng mga babaeng yun na malakas na competition si Katy.

“Today is the dance competition right? So I guess, ngayon din ang special performance ni Katy. I have not seen Katy since kanina. And so, since nagawa ni Kim ang plano nila, binigyan siya ng prize...” then I told him the reason of Kim.

It took him a lot of time bago maprocess ang mga sinabi ko, tanong ng tanong pa nga siya eh.

“Ethan should know about this.” Harry said.

“Not only him, everyone should know about this.”

[ ETHAN’S POV ]

Hay!

Kakadating ko lang ng school, mag-aayos pa kasi ako ng stage. Nag-volunteer kasi ako para dun? Ako pa. Medyo masipag. At syempre, joke yun. Napilitan lang para hanggang back stage makita ko si Katy.

Pero wala nga pala siya ngayon...pero naintindihan ko naman siya eh. Kung san siya masaya, dun na din ako.

Mukhang maayos na naman ang stage eh!

Sa totoo lang, late na kasi ako. Kaya nilapitan ko ang head, “May gagawin pa ba?”

“Ay Ethan! Pakitapon na lang ‘tong basura hka? Tapos pwede ka na magpahinga.” Inabot niya sakin ang isang garbage bag. Ano ba yan! Ito ba ang napapala ng late?

Pagkatapos ko itapon ang basura, dun na lang muna ako sa tambayan namin. Hihiga na lang ako dito.

Alam niyo ba, mas gusto kong ito na lang ang piliin ni Katy eh. Mas nakikita ko ang totoong siya kapag nandito siya, kapag kasama niya kami. Kaya nag minahal ko yun eh. Pero nakita ko din na pusigido siya at gusto din niyang mag-ballet.

Bigla kong naalala, "If we fall in love, we will have this melody in our heads

If we fall in love, anywhere with you would be a better place." ♫

Napangiti ako bigla eh. Baka may makakita sakin, isipin pang baliw ako. Hala. Pipikit na ako. Matutulog na lang muna ako.

“Ethan...”

“Ethan. Wake up.”

Katy? Bakit ka andito? Miss mo na ba ako?

“ETHAN!” !@#$%^&* boses ni Harry yun! Aish.

“Ano ba?!” Pag-mulat ko, nakita ko si Alice, Harry, Min, Esha at Kim. “What the?! Ganda ganda ng tulog ko tapos... Ugh! Basta anong ginagawa niyo dito?!”

“Technically, ayos lang na andito kami kasi tamabayan natin ‘to. Ethan talaga.” sabi ni Min. Sapakin ko kaya siya. No, wag. Pinsan nga pala yan ni Katy.

“Min naman. Ethan, we need to tell you something.” sabi ni Esha. Lumingon siya kay Kim na umiiyak?

“Hoy! Kim! Bakit ka umiiyak?!” tanong ko.

“Kasi naman! Pakinggan mo muna kami ha! Eto na...” sabi ni Alice. Umupo kaming lahat sa bench at pinakinggan ang kwento nila.

Hindi ko mapigilang hindi mainis kay Kim. Kahit kabarkada ko pa yan, kaya ko pa din mainis sa kanya! Pinahirapan niya si Katy ah. !@#$^&* talaga.

“Kim naman! Nagpaloko ka sa mga yun! At bakit tinanggap mo pa ang pera. Ibalik mo yan!” sabi ko.

“Wag ka naman magalit sakin, Ethan.” sabi ni Kim. “Hindi mo naman maintindihan kasi eh. Hindi mo pa nararanasan ang ikumpara. Palibhasa, wala kang kapatid. Walang ikukumpara sa’yo.”

At dahil dun natahimik ako. Oo nga naman.

“Sorry na, Kim. Pero tandaan mo, naiinis pa din ako sa’yo.” Kinulong ko ang mukha ko sa mga palad ko.

“Kailangan tong malaman ni Katy...” Kim

“Kahit naman malaman ni Katy, kailangan niya pa din mamili. Papunta na nga siya dun sa ballet school eh. Sabi niya sakin, importante yun para sa kanya at sa parents niya. Mukhang dun siya masaya eh.” sabi ko naman.  “Diba Kim?” Naiinis pa din ako ah.

“Oo. Pero naniniwala ako na malakas tayo sa kanya.”

“Kaya nga! Malakas nga tayo sa kanya kaya ayun, sinunod yung sinabi mo!” lalapitan ko na sana si Kim pero pinigilan ako ni Harry.

“Tol. Babae yan. May rason naman siya eh. Wag mong ibuhos sa kanya pagkabadtrip mo kasi nasira ang tulog mo.”

Natigil ako dun.

“Oo nga! !@#$%^&* mo!” Binatukan ko nga yung lalaking yun.

Nag-tawanan naman kaming lahat. Baliw din ‘tong si Harry eh.

Katy... asan ka na kaya?

Potek. Bakit hindi ko nga ba naisip yun?

Calling...Katy Perez <3

Kakarinig ko palang ang beep, hindi ko na siya pinagsalita.

“Katy! Kailangan ka nila dito. Nag-papanic sila!”

Narinig kong nag-buntung hininga siya, (B---)

Magsasalita pa lang ako, “Wait Ethan!” kinuha bigla ni Esha ang phone ko. Haaay. “Katy! Si Min 'to. Dongsaeng, I'm sorry. Talaga. Sinabi na sakin ni Ethan lahat at naiintindihan ko na why you need to choose that... pero kailangan ka namin.”

Dahil linoudspeaker ni Esha, narinig naming lahat ang sabi ni Katy, (Sige. Babalik na ako.)

“Wait, Katy. Hurry up. We need to tell you something. Someone is actually behind all of this. Bye.” Tinignan ko si Kim at mukhang kinakabahan siya. Dapat lang. Psh.

Inabot na sakin ni Esha ang phone ko...(Wait. What?!) !@#$%^&* naman talaga oh! Napindot wko ang end call bigla! Argh.

Bigla namin narinig ang malakas na bell mula sa campus. Alam namin kung ano ang ibig sabihin nun, “It’s starting, guys. The dance competition.” sabi ni Esha.

Once In An ExistenceМесто, где живут истории. Откройте их для себя