A/N: Still sunday ‘to nangyari. Kasabay nung last chapter. Well, this is how this chapter goes. Sabay sabay nangyari ‘tong mga ‘to. You’ll just see the catch kapag tapos na kayong mag-basa. :) Enjoy!
Sorry nga pala sa matagal na pag-update. Wala kaming internet eh. Tsaka ang hirap maging fourth year ah! Hahahaha. xx
[ HARRY’S POV ]
On the way ako kila Ella Shandy Valencio, my love. Susunduin ko kasi siya eh.
“Kahit may driver na yun, kailangan maging boyfriend pa din ako sa kanya. Mahal ko yun eh.” sabi ko sa driver ko, nagtanong kasi kung bakit kailangan ko pa sunduin si Esha.
Ano? Akala niyo ako nag-dadrive! Pfft. Wala pa nga akong license eh. Binebaby pa kasi ako samin eh. Psh. Eh ano bang pinagsasabi ko! Yung bahay nila Esha medyo malapit sa university since sa kanila yun eh, pero medyo malayo din. I mean lalampasan yung university. Eh bakit ko ba sinasabi ‘to? Hay nako. Gusto ko na makita girlfriend ko.
Tumingin na lang ako sa labas para naman makalma ‘tong isip ko. Pero may napansin ako na nakakuha ng atensyon bigla.
T-teka?!
Kilala ko yung mga yun!
Nasa may gilid sila ng mataas na building na ‘to. In fact, naka-ikot sila dun sa isang bench. Kilala ko nga sila! Likod pa lang eh! Ang hilig hilig nila mag-walk out sa barkada namin... Pero anong ginagawa nung isang yun dun?
“Kuya, tigil nga po muna tayo dun sa may tapat nila.” sabi ko. Tumigil nga si kuya sa may tapat ng limang babae. Medyo malayo pero kita ko pa din sila.
Matagaltagal din kaming nanatili dun.
“Hindi po ba kayo bababa?” tanong ni kuya driver.
“Pagmamasdan ko lang po sila.” sabi ko naman pero saktong lumingon yung mga babae at nakatingin samin. Hala! Mukhang naka-halata na sila. Kumunot kasi ang noo nung isa. Paano na yan!
“Alam ko na kuya! Kunwari nag-park ka na lang po. Kunwari ikaw lang ang laman nung kotse para di sila mailang. Bili kayo kunwari dun sa convenience store dun.” turo ko dun sa store na tapat lang ng pinaradahan namin.
Habang bumibili sa kuya, nakita ko naman na kumportable na ulit sila sa paggalaw. Nakapaligid ang apat na babae kay...
Kim.
Sigurado ako, seryoso ang pinaguusapan nila. Seryoso din kasi ang mga mukha nila. Naguguluhan ako ah!
Bigla naman nilang binigyan ng pera si Kim! What? Why? Hindi ba, mayaman ‘tong si Kim? Bakit niya kailangan ng pera galing sa mga babaeng ‘to?
Dumating na din si kuya. “Kuya, mukhang nabusog ka ah.” Biro ko. Para hindi mahalata ang pagka-confused ko.
“Sinulit ko na eh. Oh, Harry. San na tayo?”
“Diretso na po tayo ng university.” sabi ko. “Itetext ko na lang po si Esha na hindi ko siya masusundo.”
Focus na focus pa ako sa pagtetext pero nung pag-angat ko ng ulo ay nahagip nanaman ng mata ko ang isang babae.
“Wait...A-alice?!”
[ ALICE’S POV ]
Wee!
Ngayon na ang dance competition! ^___^ I am really excited. Sobra sobra!
Kim and I are at school na. We’re very aga nga eh. Kim texted me right after she attended mass na dumiretso na kami sa university, kaya here we are.
Pero I think Kim’s not in the mood. She’s matamlay ngayon. She’s not like this naman eh. This past days, ewan ko ba bigla siyang naging ganun.
BINABASA MO ANG
Once In An Existence
Teen FictionWRITTEN BY: weirdcheesecake :) "Ang kahit anong tulad nito sa ibang istorya ay isang coincidence lamang. Ang storyang ito ay isang kathang-isip lamang ni weirdcheesecake. Inuulit ko, ang pagkakatulad ng scenes, characters, setting sa ibang storya ay...
