CHAPTER 42: WHEN HEARTS AND BODIES FUSE

Magsimula sa umpisa
                                    

Pangako? tanong ni Vic.

Pangako. Pekman. Cross my heart. Mamatay man ako! sinserong sabi ni Bang.

Salamat po. Tara tulog muna tayo. Paggising natin mag-pack ka na ng gamit mo biyahe tayo, somewhere far dun na natin salubungin ang pasko at bagong taon, masayang sabi ni Vic.

Matapos na maubos ang kape at gatas ay nagbalik na sa kuwarto ang dalawa para muling matulog bago humiga ay kinuha ni Vic ang cellphone at nag-text sa kilala niyang agent na i-book siya ng biyahe at hotel para sa dalawang tao patungo ng Boracay.

Nag-text din si Vic sa nanay-nanayan niyang si Aling Miling at nag-iwan ng bilin sakaling hindi siya magising kapag dumating na ito sa bahay. Pagtapos nito ay tumabi na si Vic sa nag-iintay sa kanyang si Bang na nakahiga na sa kama.

I love you today, tomorrow and the days to come, sabi ni Vic kay Bang saka ito masuyong hinalikan.

Magtatanghalian na ng magising ang dalawa.

Good morning, hon! masayang bati ni Bang.

Magandang buhay, sagot ni Vic.

Ligo muna ako ha, paalam ni Bang na mabilis ng tumayo sa kama at pumasok ng banyo.

Sige po, maikling sagot ni Vic na bumangon na rin at nag-ayos sandali ng kama. Pagkatapos nito ay lumabas na siya ng kuwarto para tignan kung nandoon pa si Aling Miling.

"Magandang tanghali, anak! Napasarap yata masyado ang tulog mo ha?" bati ng matanda.

"Opo nga po. Naparami kasi ang inom ko kagabi," paliwanag ni Vic.

"Ano ba iyong text mo sa akin ng madaling araw ha?" paglilinaw ng matanda.

"Ibibilin ko na po sa inyo itong bahay. Bahala na muna kayo ha at magpo-propose ako kay Bang hindi ko alam kung papayag siya pero kung sakali mawawala kami ng matagal. Huwag kayong mag-alala hindi ko kayo pababayaan. At iyong condo naman ite-terminate ko na iyong kontrata hanggang ngayong Disyembre lang naman iyo kaya hindi niyo na kailangang intindihan pa iyon," sabi ni Vic.

"Nalulungkot naman ako anak. Bigla isang araw mawawala ka rin pala sa akin, e ikaw na halos ang panganay ko," madamdaming sabi ni Miling.

"Huwag na po kayong ganyan dahil hindi naman madali sa akin na iwan ko kayo. Ikaw na kaya ang nanay ko. Ikaw ang nandiyan nung panahon na nag-iisa lang ako sa buhay. Gusto ko lang naman sana na maging matatag kami ni Bang sa ngayon na nag-uumpisa kami, pero in time babalik po ako dito. At gusto ko pagbalik ko uli ng Pilipinas nandiyan ka pa din ha. Hindi mo ako pedeng basta na lang iwan ha, masasaktan ako, mahabang paliwanag ni Vic sa ina-inahan niya at siya din pinaka-matagal na taong nakasama niya sa buhay kahit sabihin pang hindi na sila ngayon magkasama sa iisang bahay.

"Hay anak! Basta ipangako mo din na mag-iingat ka ha. Ingatan mong mabuti ang sarili mo at ang puso mo anak kahit hindi ka galing sa akin, mahal na mahal kita," naiiyak ng sabi ng matanda.

Opo. Tama na 'yang iyak oh, pati ako naiiyak na e, pagsaway ni Vic.

----

Matapos ang pananghalian nina Vic at Bang pinaka-usapan ni Vic na huwag munang umalis si Ate Miling at sa halip ay samahan muna nito si Bang dahil may personal siyang aasikasuhin.

Sweetheart, bonding muna kayo ni Ate Miling ha, parang nanay ko na iyan e, kaya gusto ko mag-alone time muna sana kayo. May aasikasuhin lang ako sandali, paalam ni Vic.

Okay sige po. Magtatagal ka ba? tanong ni Bang.

Dinner time nandito na po ako, sagot ni Vic.

Okay sige. Ingat ha, sabi ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon