CHAPTER 15: SPONTANEOUS

1.2K 25 0

Badang 3:30 ng madaling araw ... naalimpungatan si Bang dahil nakaramdam siya ng hapdi ng tiyan ... nagugutom yata ako, sabi nito sa sarili.

Mabigat ang ulo niya at masakit ito, pero pansin niya na nasa ibang hotel room siya at hindi ito pamilyar sa kanya.

Inikot niya ang tingin sa paligid ng kuwarto at isang maamong mukha ng kaopisina ang nakita niya. Nakatagilid itong nakahiga sa long sofa pero maliit para sa height ng kawawang natutulog.

Tsaka niya naalala na nag-inum nga pala siya at ito ang karamay niya sa pagdadalamhati sa naging desisyon niya na makipag-hiwalay sa boyfriend na si Aldrin.

Tumayo si Bang at nagpunta ng banyo ni Vic. Nag-cold shower siya para mabawasan ang sakit ng ulo, nag-toothbrush saka isinuot ang extra robe na nakita sa banyo at nagsuklay.

Lumapit at lumuhod si Bang sa bandang tiyan ni Vic pero nakatingin pa rin sa mukha nito bago dahan-dahang niyugyog para palipatin sana sa kama. Napansin niya na may luha sa gilid ng mata nito.

Umiyak ka ba? tanong ni Bang sa natutulog na si Vic. Pero bakit? may problema ka rin kaya? Pinunasan niya ito pero sige pa rin ang tulo ng luha kaya mas nilakasan ni Bang ang paggising sa katrabaho.

Vic, Vic, Vic gising!

Hindi nagtagal ay naalimpungatan nga si Vic, pero bago nagsalita ay pinunasan muna niya ang naramdamang butil ng tubig na umagos sa kanyang mukha.

Hi. Gising ka na? Anong oras na ba? sunod-sunod na tanong nito.

Humapdi kasi iyong tiyan ko parang nagugutom yata ako, sabi ni Bang.

Tsaka bakit diyan ka natulog? Kawawa ka naman, e kuwarto mo nga ito tapos ikaw pinagkasya mo iyan sarili mo sa sofa, nahihiyang sabi ni Bang.

Okay lang naman. Inisip ko kasi baka mamaya magising ka at magulat na may katabi, kaya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako dito, sagot ni Vic.

Naku sorry sa lahat ng abala ko sa iyo ha, sabi ni Bang.

Ano ba iyan ang aga-aga sorry. Okay nga lang e. Malay mo isang araw ako naman ang mangailangan ng "officemate" nakangiting sabi ni Vic na bumangon na sa pagkakahiga.

I will be more than willing to be there for you kapag dumating iyong araw na yun, ganti ni Bang.

Ha ha ha! Gutom lang iyan, sabi ni Vic. Wait ha banyo lang ako, sabi pa nito.

Paglabas ni Vic ay fresh na ang itsura nito. Ano order ba tayo o baba tayo sa lounge?

Hmm lounge na lang, puwede? tanong ni Bang.

Sige tara, mabilis na sabi ni Vic at naglakad papunta sa pinto.

Hindi naman gumalaw si Bang ... Eh, Vic?

Mmm? sabay lingon sa kasama.

Naka-robe ako oh! Pa-cute na sabi ni Bang, pedeng kapalan ko na ang mukha ko? pahiram ng shirt at kahit na shorts?

Ay sorry hindi ko napansin, tugon ni Vic saka naglakad papunta sa closet ng kuwarto at kinuha ang laundry bag na naglalaman ng mga damit na ipinalaba niya sa hotel.

Oh, pasensiya ka na sa mga damit ko. Pili ka na lang kung anong pede sa iyo diyan, sabi ni Vic.

Hinila ni Bang ang blue v-neck shirt at tokong short na gray and green ni Vic at ginamit ang isang pares ng tsinelas na kasya sa kanya at nagbihis sa banyo.

Salamat ha, nakangiting sabi ni Bang ng makalabas na ito.

Sus iyan na naman tayo e, sagot ni Vic. Tara na para magka-laman iyang tiyan mo.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!