CHAPTER SIX: the Reconciliation

1.5K 25 0

Sa paboritong bar na tambayan ng bullies ng gabing iyon ...

Ate Aby sa tingin mo susunod ba si Mika? Baka kasi mamaya mag-alibi iyon at hindi na pumunta, pag-aalala ni Kim.

Bakit ba kasi parang atat ka na kasama si Mika ngayon ha, Kimmy? Don't tell me ... pang-aasar ni Cienne.

Uy ano ka ba! Ang sama nitong si Cienne. Hindi kami talo ni Mika ano, kaya nga wafs e, gusto ko lang na nandito siya para mag-enjoy lalo pa next week puspusan ang trabaho. Saka siyempre gusto ko sanang maging komportable na uli si Mika sa harap ni Vic kasi nami-miss ko na silang dalawa e kaya gusto ko pumunta dito si Mika para tulungan natin siyang planuhin kung paano silang magkakabati uli ni Vic, pag-eemote ni Kim.

Sabagay may punto ka diyan Imi. Panahon na nga para magka-ayos iyong dalawa at sana itong project na gagawin natin ang maging daan para magka-usap na uli sina Vic at Mika, dagdag naman ni Cienne.

Oo at nami-miss ko na rin si Vic napaka-distant na niya sa atin mula ng bumalik siya dito sa Pilipinas. Naturingang nagta-trabaho tayo sa isang kumpanya at nasa iisang departamento pero ni wala man lang interaction sa atin si Vic, nagta-tampong sabi ni Aby.

Biglang may sumabat ...

Eee guys sorry ha! Biglang sabi ng boses.

Huh! Biglang lingon ng tatlo. Walang hiya ikaw lang pala Mika, sabi ni Aby.

Uso kasi mag-hi man lang muna di ba? Sabi naman ni Kim.

Natawa na lang si Cienne sa banat ng mga kaibigan sa bagong dating na si Mika.

Pero totoo guys I'm sorry. Alam ko naman partly to be blamed ako sa pagkaka-ganyan ni Vic siguro nasaktan ko siya dati pero pede pa namang i-save kahit iyong friendship siguro ano? tanong ni Mika.

Hindi ko naman kasi alam na aabot sa ganito at gugulo ng husto ang sitwasyon namin dati ni Vic e. I just hope na kahit man lang iyong friendship niya sa inyo maayos kung hindi na talaga kayang ibalik iyong dati sa amin. Promised Ate Aby I'll try to talk to Vic as soon as magkaroon ng chance," sabi pa ni Mika.

Tama na nga iyan mga drama guys, sabi ni Cienne. Let's enjoy this night okay!

For the bullies sabi ni Aby, kasunod ng pag-angat ng kanyang baso na tila ba nag-aalay ng toast ... for the bullies sabay-sabay na sabi naman nina Kim, Cienne at Mika.

For the friendship sigaw naman ni Kim kasunod ng pag-angat ng kanyang baso at isa-isang tinignan ang mga kaibigan na hindi naman siya binigo .... FOR THE FRIENDSHIP!

********

Kina-Lunesan nasa Sagada ang anim na magkaka-opisina na hinati sa dalawang grupo. Magkakasama sina Aby, Mika at Kim samantalang sina Bang, Cienne at Vic naman ang napiling magsama-sama. Isa ang pakay ng out-of-town trip ng anim na kawani ng advertising firm na Marie Thrempton at ito ay ang magsagawa ng mabilisang research.

Sa transient house ...

"Guys we will be staying here until Friday morning. Pero ang research at interview na isasagawa natin sa mga local, tribal group dito sa Sagada ay hanggang Miyerkules lang.

By Friday hindi na tayo lalabas. Dito na lang tayo at sa halip ay ipa-finalize ng mga magkakasama sa grupo ang lahat ng data na nakuha ng bawat isa sa atin. Dapat ay magawan din ito ng summary para kung kayang i-email ay ie-email natin ang resulta ng research natin sa team sa Manila. Kung hindi naman puwede at least we can have it ready para sa pag-uwi natin nakaset na," pagbibigay ng instruksyon ni Aby.

Agad namang sinegundahan ni Bang ang bilin ni Aby . . .

Specific dapat iyong mga tanong natin sa resource persons para madali lang ang tabulation at interpretation. Kailangan kasi nating ma-identify kung ano sa mga nakagisnang social values ng mga kababayan nating Pinoy na umiiral pa rin hanggang sa ngayon.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!