CHAPTER 16: TO FRIENDSHIP

1K 21 0

Bago matapos ang isang oras na extended time na ni-request ni Vic ay nasa front desk na sila ngayon ni Bang at sine-settle ang halos tatlong araw na pananatili sa Hotel Sofitel. Saka sila lumabas sa lobby dahil ipinakuha na lang ni Vic ang kotse niya.

At ng dumating na ito sa harapan nila, pinag-buksan muna ni Vic ng pinto si Bang bago umikot papunta ng driver's side at sumakay.

So, sa CCP na muna? pagsisiguro ni Vic.

Yap dun na muna kawawa naman ang sasakyan ko, sabi ni Bang.

Then CCP it is, sabi ni Vic.

Ilang minuto lang ay nandun na nga sila, bumaba si Bang sa kotse ni Vic at nagsabing okay lang ba na susunod ka sa akin or gusto mo ng uwi? Okay lang naman baka may gagawin ka pang iba, si Bang naman ang humihingi ng paglilinaw ngayon.

Oo naman okay lang, sige na check mo muna iyong paligid ng auto mo bago ka sumakay just to make sure na walang tama or anything, mungkahi ni Vic.

Okay po, sabi ni Bang saka isinara ang pinto ng kotse ni Vic.

Inikot ni Bang ang buong paligid ng kanyang sasakyan para gawin ang sinabi ni Vic, so far maayos naman, walang tama o gasgas kaya pinindot na niya ang button sa kanyang susi para buksan ang sasakyan niya, in-start ang engine at hinayaan muna nito ng ilang minuto saka nagbukas ng aircon at ilang sandali pa kinambiyo paatras at pinihit ang auto papunta ng exit at nagbayad ng parking fee.

Bago tuluyang makalabas ng parking area ay nakita nitong nakababa ang bintana ni Vic at nakatingin sa kanya, kaya bumusina si Bang ng dalawang beses, pakahulugan na sumunod si Vic sa kanya.

Pinihit ni Bang pakaliwa ang kotse nito at pagdating sa kanto ng CCP at Roxas Boulevard ay ginalaw niya ang left turn, maya-maya ay may tumabi sa kanyang pamilyar na kotse, pareho silang nagbaba ng mga bintana.

Okay lang ha? sabi ni Bang.

Ay kulit ng ale! Sabi ni Vic.

Ha ha ha! just wanted to make sure na hindi ka napipilitan okay, sagot ni Bang.

Napipilitan ka diyan. Tara na oh, sabay turo na green light na at kumindat kay Bang.

Sa halip na sumagot ay agad na pinihit ni Bang ang kambiyo para umusad na ito, saka pa lang natatawang ginamit ang kaliwang siko para isara ang kanang bintana na naiwan niyang nakabukas.

How fate can really be so playful at times, sabi ni Bang sa sarili, at in-on ang stereo ng kotse na naka-cd kaya agad na tumugtog ang "Breaking Boundaries" ni Sam Attwater (check youtube).

Dire-diretso lang si Bang sa pagmamaneho at napapahinto lang sa bawat stop light, sinisilip niya si Vic sa rearview mirror niya, well nakakasunod naman ito sa kanya kaya naisipan niyang kumaliwa na sa kanto paglampas lang ng Museong Pambata dahil doon wala ng traffic light kaya magiging mas mabilis ang biyahe nila.

Huminto ang sasakyan ni Bang sa harap mismo ng gusali ng Manila Hotel at saka ipina-valet parking ang mga sasakyan nila ni Vic.

So, ano lunch muna tayo? tanong ni Bang.

Sige tara, kain muna tayo nagre-reklamo na mga alaga ko. Kung gusto mo naman pagka-order natin balik ka sa front desk para i-settle na ang room mo para pagkatapos, kukunin na lang natin ang mga gamit mo, suhestiyon ni Vic.

---

Isang oras mahigit makaraang kumain ay nasa kuwarto na ang dalawa ni Bang tinutulungan ni Vic si Bang na bitbitin ang mga gamit nito pababa.

So, saan na after this, tanong ni Vic.

Hindi ka pa ba pagod? Tanong ni Bang na hindi tumitingin sa kasama.

Hindi naman kumibo si Vic.

Nag-aantay ng sagot si Bang kaya nun tumahimik si Vic ay tinignan niya ito. Sabi ko hindi ka pa ba pagod? Iniisip ko sana umuwi na after this tutal nakapag-lunch na tayo e, kaunting oras na lang 24 hours na tayong magkasama, paalala ni Bang.

Pagod saan? Wala naman tayong ginawa kundi kumain at matulog, tapos nag-drive sandali, so anong nakakapagod? Balik tanong ni Vic.

Wala naman, simpleng sagot ni Bang.

Ah, okay sige, sige I get it, sagot ni Vic.

Uy ito naman, wala akong ibang ibig sabihin ano. Ikaw lang talaga ang iniisip ko kaya tinatanong kita, paliwanag ni Bang.

Hindi sige okay lang naman para makapag-pahinga ka na rin, malungkot na sabi nito.

Sure ka? Okay lang naman kung gusto mong sumama sa bahay ko. Well at least for a change may ibang tao akong kasama, sagot ni Bang.

Kaso medyo tampo pa rin si Vic kaya hindi muna ito sumagot. Isip, isip kasi naman sobrang enjoy siya sa company ni Bang nitong nagdaang mga araw. Masarap sa pakiramdam parang at peace ka lang, at walang ibang pumapasok sa isip. Nakakalimutan nga niya na may problema pa pala siya kay Jus. Mas gusto niyang i-entertain ang thought na mas masaya siya na mapangiti si Bang.

Hoy! Vic sabi ko po gusto mo bang sumama sa bahay ko at dun na lang magpahinga? ulit ni Bang.

Saka naman tumingin si Vic dito, medyo nagkakamot pa ng ulo. Saan ba ang place mo, sabi mo di ba sa Mandaluyong ka din nakatira? sagot ni Vic.

Yap, sa area ng Boni, sabi ni Bang.

Boni? Mukhang magkalapit nga lang tao ah. Saan ba sa Boni, dagdag na tanong ni Vic.

Sa Pioneer Woodlands, simpleng sabi ni Bang.

Woooh! Ibang level na itey! Natatawang sabi ni Vic.

Oh bakit naman? Nagtatakang sabi ni Bang.

Ha ha ha! Paano naman hindi ako matatawa sa pagkakataon, ako nakatira sa 8th floor ng Pioneer Woodlands Condominium. Ikaw ba anong floor? Sagot ni Vic.

Hala! Talaga? Totoo ba iyang mga sinasabi mo? Ako nasa 6th floor naman, tugon ni Bang.

Ha ha ha! sabi sa iyo e, ibang level na eh, pero in fairness nauna ka siguro sa akin kasi nasa lower floor ka pa e, unless mas preferred mo iyon? sagot ni Vic.

Dapat dun nga sana kaya lang nun nag-decide ako na mag-move in hindi pa tapos sa 8th or sa 10th floor kaso sabi nila may mga final touches pa raw na ginagawa, kaya sabi okay na rin at least makakalipat na ako at malapit lang sa opisina, paliwanag ni Bang.

So, I guess hindi ko na kailangang sagutin kung sasama pa ako sa house mo di ba kasi iisang lugar lang naman pala tayo, natatawang sabi ni Vic.

Korek! Tara na nga, hapon na baka abutin na tayo ng rush hour ma-traffic, Lunes pa naman.

Matapos ang isang oras na biyahe ay huminto ang kotse ng dalawa sa upper level parking kung saan naroon ang allotted parking space nila at nag-antayan sa elevator.

Andito na tayo, sabi ni Vic.

Oo nga eh, akalain mo pati parking natin magkatapat lang halos kung wala itong poste baka nagkikita pa siguro tayo dati pa, sabi ni Bang.

So, is it okay na hingin ko ang number ng officemate, friend at ngayon ay kapitbahay ko rin pala? natatawang sabi ni Vic.

Fine, fine, fine! Give me your phone, sabi ni Bang.

At agad naman itong kinuha ni Vic sa bulsa at inabot kay Bang.

Pinindot ang kanyang phone number sa directory ng phone ni Vic, oh ikaw ng maglagay ng name ko, saka inabot ni Bang sa kaibigan.

Text kita later, ayusin ko lang muna itong mga gamit ko sabi ni Vic bago sila sabay na pumasok sa elevator kasunod ng pagpinindot ni Vic ang 6th at 8th floor butoon para sa kanilang dalawa.

Unang bumaba si Bang, bye nakangiting sabi nito kay Vic.

See you later, sagot ni Vic.

Saka sabay na nagsara ang pintuan ng elevator sa pagitan nilang dalawa.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!