CHAPTER NINE: AMBIGUITY

1.3K 18 0

Unang pinuntahan ng grupo ang bukirin. Si Aby at Bang ang nakatokang makipag-usap sa mga kinauukulan bilang sila ang team leader at mas bihasa sa pagpapaliwanag sa mga tao ng kanilang pakay.

Habang papalapit ang dalawa sa pinaka-matandang lider ng minority group sa Sagada ay matamang tinitignan ng mga ito ang dalawang papalapit sa kanila kasama ang kanilang kababayan na nagsisilbi sa ngayong driver para sa ilang araw na pananatili.

Nang makalapit na ang dalawa ay magiliw na bumati ang mga ito sa matatanda

Magandang umaga po, magkasunod na bati nina Aby at Bang.

Magandang umaga naman sa inyong maririkit na mga dalaga, sabi ng matandang babae.

At saka nagsalita ang driver sa kanilang dialekto ..... abcdefghijklmnopqrst ......

Matapos ang 10 minutong paliwanagan ay bumalik ang dalawa sa sasakyan.

Okay guys! Dalawang grupo tayo di ba, Kim at Mika, sa akin kayo sasama dito lang din naman tayo sa area pero makikipag-usap tayo ng hiwalay sa mga tao dito at ganun din naman sina Bang na kasama si Vic at Cienne.

Dalin niyo ang recorder at video, sabi ni Aby ... charged naman ang lahat ng gamit natin kaya sana mai-document natin ng maayos ang lahat ng kakausapin natin.

Kuha din tayo ng kaunting sitners para naman makita nila ang ganda, in case na magustuhan nila alam natin later on iyong scenery na pede nating kunan dito, sabi ni Bang.

Take note also of some important details para wala tayong ma-miss at hindi natin kailangan balik-balikan iyong recording kung hindi rin lang kailangan that way less time ang mako-consume natin, dagdag pa ni Bang.

At in case na gutumin tayo o mauhaw balik lang dito sa van okay, dito lang maghihintay sa atin si Kuya.

Mayroon tayong baon na coffee at sandwiches dito. Good luck sa ating lahat at balik din tayo dito ng 9:30 okay but make sure na nakakuha na each group ng at least tatlong resource person ha kasi lilipat na tayo after this sa area ng palengke at last stop natin sa malapit na eskuwelahang pang-high school dito.

Sa grupo ni Aby

Si Kim ang nagsilbing cameraman sa grupo ni Aby, si Mika ang tagatanong, at si Aby ang nagte-take down ng ibang detalye sa interview at manaka-nakang nagbibigay ng follow up question.

Inang bakit sa kabila ng mga nababalitaan ninyong laganap na karahasan sa ibat-ibang panig ng bansa nananatili kayong kalmado at bukas sa mga dayuhang gaya namin? Hindi ba kayo natatakot na isa sa mga pinatutuloy ninyo ay maaring magdala ng kapahamakan sa inyong lahi? tanong ni Mika

. . . .

Kina Bang naman

Si Cienne ang nagtatanong dahil mas mabilis nitong nakuha ang kumpiyansa ng kanilang kausap, si Bang ang nagno-notes at nagbibigay din ng ilang tanong, at si Vic gaya ni Kim ang in charged sa audio at camera recording.

"Kilala mo man o hindi ang isang tao basta marunong kang tumingin sa mata, makiramdam sa kanyang galaw at damhin ang puso ng isang nilalang malalaman mo kung ano ang nasasa loob nito. Hindi mo kailangan makasama o makilala ng mahabang panahon ang isang tao para masabing ah itong isang ito mabuti ito, o kaya naman ah iyan masama iyan.

Mga anak kaya nga may mga taong nabibihag ng sinasabi nilang love at first sight. Dahil sa unang pagkikita pa lamang nabasa na ng kanilang mga puso ang damdamin ng bawat isa. Nakita na ng kanilang mga mata ang galaw ng pagmamahal na mayroon para sa kanila, pagtatapos ng matandang kausap naman ng grupo ni Bang.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!