CHAPTER 22: WHEN GLUTTONY HITS!

1.3K 13 1

Nagising si Vic na tanghali na dahil madaling araw na sila nakauwi ni Bang mula sa Friday night out.

Nag-shower muna ito para gumaan ang pakiramdam dahil napadami ng bahagya ang nainom niya. Pagkatapos nagbihis ng komportableng pambahay na damit, jersey short at walang manggas na tshirt.

Nagsalang ng kape sa coffee maker upang mainitan ang sikmura, wala pa siyang ganang kumain.

Nang matapos ang bine-brew na kape ay naglagay siya sa mug at binitbit ito sa terrace.

Bakit kaya parang okay na iyong pakiramdam ko? Well every now and then nami-miss ko pa rin si Jus, pero iyong feeling in general, parang andali ko yatang naka-moved on, sabi ni Vic sarili.

Ganun ba talaga iyon? Nagtatakang tanong ni Vic pa rin sa sarili.

Hay life! Are things happening too fast? Huwag naman sana. Okay lang na maging magkaibigan kami, lalo na kung ganito naman iyong sarap sa feeling na kapalit ha ha ha!

Hala! Ano na bang mga pinagsasabi ko, sabi ni Vic saka muling humigop ng kape at pumasok sa loob ng bahay niya para buksan ang component at pagkabukas niya saktong ang kanta ... ay "All of Me" na naman ni John Legend.

Napangiti si Vic, dahil pakiramdam niya tinutukso siya ng pagkakataon. Paano naman, iyan yun tugtog kagabi ng ayain niyang magsayaw si Bang.

Ano ba iyan, pang-asar o tukso. Sabi ng huwag lagyan ng malisya e, ikaw naman diyan biglang iyan ang ipe-play sabi nito sa component na walang kalaban-laban.

"What would I do without your smart mouth

Drawing me in, and you kicking me out

Got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind .... "

Kaya napahiga si Vic sa sofa niya at ninamnam ang kanta habang nakatitig sa kisame na akala mo pinapanuod ang replay ng gabi na kasama si Bang.

Samantalang sa 6th floor si Bang busy sa kusina niya dahil late na rin nagising at gutom na ito at habang nagluluto ay kinakanta naman ang ....

"How many times do I have to tell you

Even when you're crying you're beautiful too

The world is beating you down, I'm around through every move

You're my downfall, you're my muse

My worst distraction, my rhythm and blues

I can't stop singing, it's ringing, in my head for you

My head's under water

But I'm breathing fine

You're crazy and I'm out of my mind ...."

At ng matapos na ang niluluto niya ay nag-shower muna ito at nagbihis. Paglabas ng kuwarto ay dumaan muna ito sa terrace niya, tumingala sa gawi kung saan niya narinig ang nagi-gitara nun isang madaling araw.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!