CHAPTER 32: BRIGHTER DAYS AHEAD

1.1K 22 2

Day 4 sa Australia

Wala pa rin pagbabago sa sitwasyon ng amain ni Vic comatose pa rin ito at kung minsan ay nagpa-flat line pa nga ang heartbeat pero pilit na nire-revive ng mga doktor base na rin sa paki-usap ng iba nilang kaanak.

Dahil hindi naman maaring magsabay-sabay ang pasok ng mga ito sa loob ng ICU balitang patakaran sa ospital para sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon minabuti ni Vic na sa simbahan na lang muna siya uli magpalipas ng oras.

Matagal na nasa loob ng simbahan si Vic taimtim na nagdarasal at humingi ng kalakasan para sa kanilang lahat sa pamilya na kayanin nilang tanggapin anuman ang kahihinatnan ng kalagayan ng Uncle Felix niya.

Tulad ng mga nagdaang araw pagtapos sa simbahan ay sa coffee shop ang diretso ni Vic.

Sa ganitong pagkakataon ang social media ang koneksyon ni Vic sa mga kaibigan sa Manila lalo na kay Bang.

At kung mayroong isang bagay na naibigay na maganda sa kanya ang biglaang pag-alis iyon ay ang lalo pang mapalapit sa babaeng mahal niya.

Pero unlike kahapon hindi sa twitter nag-message si Bang kundi sa Viber ni Vic dahil private ito unlike sa twitter na nababasa ng marami ang interactions nila.

I wish I am with you at this point in your life to give you a hug and cheer you up, sabi ng mensahe ni Bang.

Kaya kahit na galing sa pagiyak ay nakaramdam ng kagaangan ng loob si Vic.

Yeah. I do wish you are here beside me I feel so weak. I can't do anything right now. My uncle's condition is not good, as if anytime he can leave us. Siya lang ang meron ako. Siya alng ang taong nagmahal at tumanggap sa akin na walang kuwestiyon. Hindi ko alam kung paanong magiging malakas para sa aming lahat, sabi ni Vic sa sagot niya.

Hey! Hindi ko alam paano pagaanin ang nararamdaman mo ngayon. Pero alam mo na hindi gusto ng uncle mo makitang mahina at nasasaktan ka. Maaring wala ako diyan sa tabi mo ngayong panahong ito but I am here wishing and praying for the best. Kung dati uncle mo lang ang kayang magmahal sa iyo unconditionally, now I am here at ang bullies willing to give the same, sabi ni Bang.

Salamat sa pag-aalala for me. Sana hindi iyan out of awa ano? Pagbalik ko kaya ganito pa rin tayo? Sana walang magbago. I really miss you Bang. Marami sana akong gustong sabihin but I know hindi ito ang tamang pagkakataon at paraan para iparating sa iyo ang mga iyon, message uli ni Vic.

Kapag bumalik ko you will know kung may nagbago o kung magbago man I promise you it will be for the better. I miss you too. Mahirap din palang mag-adjust sa bagay na nangyari ng biglaan, tapos sa isang iglap mawawala that's how life is with me here that you are not around, sagot ni Bang.

Will you give me a bug big hug when I come back? tanong ni Vic.

Kahit million hugs and embrace pa bumalik ka lang soon, sagot ni Bang.

Promise? Sabi ni Vic sa message.

Promise po, pag-assure ni Bang.

Thank you, sagot muli ni Vic.

Bye muna ha. I need to do something pa e, sabi ni Bang.

Okay sige. Ingat sa pagda-drive pauwi ha, bilin ni Vic.

Emoticon na kiss ang isinagot ni Bang sa bilin ni Vic sa kanya.

Samantalang si Vic naman ay nagpadala na lang ng heart emoticon at saka in-off ang viber at binuksan naman ang twitter account niya para sagutin ang DM na padala ng mga bullies na sina Mika, Kim, Cienne at Aby at ilang sandali pa ay muling bumalik sa ospital.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!