CHAPTER 41: WILL TODAY BE THE END?

1.4K 21 3
                                    

Dumating si Kim at Vic na magkasama sa Solaire Hotel pasado alas diyes ng gabi.

Inikot agad ni Kim ang paningin sa loob ng venue ng party para makita kung saan nakapuesto ang bullies at si Bang, saka pa lang ito itinuro kay Vic.

"Wafs tara, ayun sila oh," turo ni Kim sa mga kaibigan nila.

Sakto namang pagpaling ng tingin ni Vic sa itinuro ni Kim ay ang paghawak sa bewang ni Bang ng general manager nila na si Mr. Davila, na obviously ay wala talagang planong tantanan ang girlfriend ni Vic.

Talagang 'yang ungas na iyan ayaw kaming tantantan e, iritadong sabi ni Vic pagkakita sa pasimpleng pag-take advantage ng GM nila kay Bang.

"Kalma bro for sure naman napipilitan lang si Bang na makisama dahil Christmas party ito," sabi ni Kim.

Nakaka-buwisit naman kasi! Alam na niyang kami ni Bang pero ayaw pa rin tumigil. Sana di ba respeto sa tao? asar na sagot ni Vic.

Tinapik ni Kim sa balikat si Vic saka sumenyas na lumapit na sila sa grupo.

Bago pa tuluyang makarating sa bullies ang dalawa, muling pinaalalahanan ni Kim si Vic.

"Vic, sana kaunting lamig ha. Party ito ng opisina, hindi magandang pairalin natin ang personal issues natin kanino man ngayon ha?" sabi ni Kim.

Habang lumiliit ang pagitan nila Vic at Kim sa kinaroroonan ng grupo ay siya namang pag-alis ni Bang sa puwesto para makipag-sayaw sa GM nila.

Kaya paglapit ng dalawa sa mesa, paalala agad ang bunga d kay Vic.

"Vic, kalma ha. Kami na nagsabi kay Bang na pagbigyan na si GM para tigilan na rin siya. Nakaka-ilang balik na iyong rin kasi iyong tao, nakakahiya din naman sa kanya lalo pa at general manager natin siya di ba?" paliwanag ni Aby.

Tinapik lang naman ni Cienne si Vic, senyales na okay lang iyon.

Si Mika naman: "Oh Vic, Kim, ano hindi pa ba kayo kakain? Hindi pa ba kayo gutom? Tara kaya muna samahan ko na kayo dun sa buffet table baka sakaling mag-iba ang mood nitong si Vic.

Halika nga Miks, mabuti pa nga samahan mo kami nitong si Vic dahil siguro gutom na rin naman ito, dagdag naman ni Kim.

Hinigit na ni Mika si Vic mula sa upuan nito at nilambing ng bahagya para mapasunod na kumain na lang sa halip na magmukmok.

"Daks, please tara na muna dun sa buffet. Kunyari na lang ako muna ang date mo kahit hanggang makabalik lang si Bang sa puwesto natin," malambing na sabi ni Mika.

At dahil sa lahat sa kanilang magkakaibigan, si Mika ang pinaka-malapit kay Vic kaya kapag ang una ang humiling mahirap para kay Vic ang hindi magpa-ubaya lalo at alam naman niya na gusto lang siyang aliwin nito.

Okay sige na, sige na. Hay! Lakas mo lang talaga sa akin e, sabi ni Vic.

Pero napaisip si Vic sa huling sinabi ni Mika .... Honestly natuwa ako sa huling hirit mo Mika. Sige gusto ko iyong idea na ikaw uli ang ka-date ko ngayon. Mukha namang nage-enjoy na siya e, so I might as well enjoy din naman di ba?

"Vic, huwag ka ngang ganyan. Alam naman nating nakikisama lang si Bang dahil boss naman natin si Mr. Davila. Mag-enjoy tayo hanggat gusto mo pero wala ng isip ng kung ano-ano. Pede naman di ba? paliwanag ni Mika.

Tsaka mas ngayon tayo dapat mag-enjoy dahil parang mini-reunion na rin natin ito di ba? It's been a while since lumabas tayo at kung gigimik man hindi tayo nakukumpleto, paliwanag ni Cienne.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon