CHAPTER 42: WHEN HEARTS AND BODIES FUSE

2.2K 29 1

Nagising si Vic ng madaling araw na parang binabarena ang ulo niya epekto ng pinaghalo-halong inom ng alak mula sa party ng kanilang opisina hanggang sa pag-uwi niya sa bahay.

Bahagya lang idinilat ni Vic ang mata pero ipinikit din ito dahil maliban sa pakiramdam niya ay umiikot ang paligid masyadong masakit ang ulo nito at hindi niya kayang basta tumayo.

"Hay ang sakit talaga! Pero paano ba 'ko nakapasok dito sa kuwarto? Huling tanda ko nakayuko lang ako dun sa garden table kasi nahilo ako ng sobra," sabi ni Vic.

"Kainis hindi naman ako makatayo para man lang sana makapag-shower para mabawasan ang kirot ng ulo ko," sabi ni Vic.

..... ng biglang may yumakap sa kanya, kaya ang kaninang dahan-dahan niyang galaw ay nauwi sa pagbalikwas na patayo.

Sweetheart? nagtatakang sabi ni Vic nang makita niyang si Bang ang umakap sa kanya.

Oh, bakit ganyan? nagtatakang sabi ni Bang.

Ay, sorry, sorry sweetheart. Nagulat lang ako na nandito ka. Ni hindi ko nga matandaan paano ako nakarating dito sa loob ng kuwarto, tapos nandito ka pa bigla, paliwanag ni Vic.

Tara na nga dito. Bumalik ka na muna dito mamaya matumba ka pa diyan, sabi mo masakit ang ulo mo tapos bigla kang tatayo ng ganun, sabi ni Bang.

Nakatingin pa rin sa kanya si Vic pero sumunod naman ito sa sinabi na bumalik muli sa kama para maupo.

Sus! O-A sa reaction ha? napag samantalahin lang? natatawang sabi ni Bang.

Eei, sorry nga kasi. Sa nagulat naman iyong tao, ano ba! sagot ni Vic.

Gusto mo ng kape saka gamot para diyan sa sakit ng ulo mo? tanong ni Bang.

Opo sana sobrang kirot talaga ng ulo ko, pag-amin ni Vic.

Shower ka na muna para mabawasan iyan saka baho mo. Amoy alak, pang-aasar ni Bang.

Grabe naman sa baho, patampong sabi ni Vic.

Ha ha ha! Okay sige timpla muna kita, sabi ni Bang saka lumabas ng kuwarto.

Si Vic naman pinilit ng tumayo. Checked her cellphone and read the conversation that led to Bang sa bahay na kinaroroonan niya ngayon bago pumasok ng banyo para mag-shower.

"Ah, okay nagtext pala ko sa kanya kung nasaan ako," inosenteng sabi ni Vic na hindi na tanda ang ginawa.

Pagtapos na silipin ang phone niya ay pumasok na si Vic sa banyo at naligo para mabawasan ng kaunti ang sakit ng ulo niya at matapos na ang reklamo ni Bang na mabaho siya dahil sa amoy ng alak na isinisingaw ng katawan niya.

Ilang minutong nagbabad lang muna sa tubig na mula sa shower si Vic bago nilinis ang katawan matapos nito ay nagbanlaw na siya.

"Ano ba naman iyan pati damit na pamalit nakalimutan ko pang kumuha," sabi ni Vic kaya kinuha na lang ang isang pares ng bathrobe para may pang-balot siya sa katawang basa at saka pinunasan naman ang ulo gamit ang towel.

Nasa loob na ng kuwarto uli si Vic at kukuha na sana ng damit na isusuot ng bumalik si Bang at pumasok.

Sweetheart antay na lang po sa labas. Dun ko na iinumin ang kape, sabi ni Vic.

Antayin na lang kita sabay na tayo, sagot ni Bang.

Wait na lang po kasi sa labas ei. Magbibihis lang naman ako sandali, giit ni Vic.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!