CHAPTER 30: REALIZATIONS

1.1K 19 0

Hindi pinigilan ni Vic si Bang ng magdesisyon itong umalis na.

"Pababayaan kita sandali, but it doesn't mean I am giving up. Maybe a little space will do hindi lang para sa iyo kundi para sa akin din to think things over better ng slow pero sure, sabi nito sa sarili.

Si Bang dumiretso sa kuwarto niya pagdating ng bahay at saka humiga. Hindi siya nagbukas ng isip, gusto niya lang mag-isip halo-halo ang nararamdaman niya ngayon kilig, saya at takot.

Sheeet! Ano ba kasi! Sana nagawa ko man lang magreact kanina tarantahin mo naman kasi Bangnita e. Pede naman na sinabayan mo ng biro yun hirit niya tulad ng ginagawa mo madalas para hindi awkward! Para hindi ka nag-aalala ngayon kung anong iniisip niya o nararamdaman.

Haist! Tanga! Tanga naman kasi e, andun na nga nagtapat iyong tao tapos anong pinaramdam mo? na hindi okay? sisi ni Bang sa sarili.

Sa kaka-analyze ng dapat na ikinilos at sinabi nito sa harap ni Vic kanina ay nakatulog siya at naalimpungatan ng bandang alas kuwarto ng daling araw. Pinipilit pa muli ni Bang na bumalik sa pagtulog pero parang ayaw na siyang dalawin ng antok kaya 30 minutes after ay bumangon na siya at naglagay ng kape sa coffee maker at naghilamos.

Kakaisip ko sa dapat mga ginawa ko kagabi, maski pala ang magbihis at magayos hindi ko na nagawa. Grabe Vic, ang epekto mo naman! sita ni Bang sa sarili.

Iniwan niya sandali ang kape at nagbanyo at pagtapos ay muling lumabas at bumalik sa kusina.

Lumabas siya sa terase ng bahay niya naka-halukipkip, yakap ang dalawang binti habang inuunti-unti ang paghigop sa kape habang nakatingin sa napakaraming ilaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan.

Samantalang si Vic sa mga sandaling ito ay nasa eroplano. Ilang oras pagka-alis ni Bang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa Australia.


FLASHBACK

Beep ... beep ... beep vibrate ng telepono ni Vic na nakapatong sa mesa sa terrace na kinaroroonan niya ....

Hello? Tita-mama napatawag po kayo, sabi ni Vic pagkasagot ng telepono.

Kumalma po muna kayo ... sige po mag-aayos lang ako at didiretso na sa airport dun na ako bibili ng ticket siguro in 8-10 hours na nandiyan na ako. Opo lakasan niyo lang ang loob niyo ha, please? saka ibinaba ang tawag.

Nag-dial si Vic ng telepono .... Please sagutin mo ... please.

Hello? Ate Aby, sorry to wake you up this early, but I have an emergency ... yes family matter. I will leave tonight .... Australia nag-aagaw buhay po ang uncle ko at ipinapatawag ako. Please ikaw na magpasabi ng biglaan kong pag-alis para hindi naman ako ma-AWOL please? one to two weeks siguro ... salamat.

Isang tawag pa muli ang ginawa ni Vic, hello Ate Miling? Si Vic po ito ... Ate baka puwede muna kayong tumao dito sa bahay ko mawawala po ako ng isa hanggang dalawang linggo ... opo ... may susi naman kayo di ba? dito na muna kayo sa bahay please para naman may tumao po. Maraming salamat, pasensiya at biglaan, saka muling ibinaba ang telepono at nag-ayos ng mga gamit.

Matapos ang mahigit isang oras ay bumaba si Vic sa lobby at nagpatawag ng taxi papunta sa airport kung saan siya ay magbabaka-sakaling makakuha ng chartered flight patungo ng Victoria, Melbourne.

END of FLASHBACK

Habang si Aby ay maagang dumating sa opisina kina-umagahan para ireport sa admin office nila na naka-urgent leave si Vic dala ng emergency sa pamilya at para na rin tignan kung ano ang mga pending na trabahong naiwan nito kung meron man.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!