CHAPTER TWO: THE ANIMOSITY

2K 36 0

Sandaling itinigil ni Vic ang trabaho niya. Inabot ang pakete ng sigarilyo sa gilid ng bulsa ng leather na Alfa bag (sorry dito smoker si Vic) at saka na tinumbok ang hallway papunta ng pantry.

Nagtitimpla na si Vic ng kape at kumuha ng sandwich na nasa tray. "Well ito ang benefit ng nagta-trabaho sa international company. Kasi para sa trabahong ang puhunan ay paduguan ng isip, dapat busog ang tiyan," sabi ni Vic sa isip.

Sandwich na lang muna baka mabigla si tummy mahirap na baka hanapin ang banyo.

Kumagat ng sandwich at inilagay niya ito sa platito, isinuksok naman ang kaha ng sigarilyo sa bulsa at binitbit ang tasa ng kape papalabas sa terase ng pantry.

Nice place sa isip ni Vic dahil may espasyo na laan para sa mga smokers. At siyempre may mga mesa din para hindi problema kapag pinagsabay ang yosi break sa snacks.

(Isipin niyo parang cocktails nakatayo lang ang mga tao. Pedeng sharing ng table pede din naman solo)

Nasa labas na ng smoking area si Vic at naghahanap ng pupuwestuhan. Nakita niya ang table malapit sa nakatalikod na babae kaya naisip niya pede dun. Ilalapag na sana niya ang kape ng humarap ito sa kanya at tinitigan siya ng blangko.

Tumingin naman si Vic sa kaharap na magandang babae at saka naman nagbigay ng "what's wrong look." Weird naman bulong ni Vic.

Well ang babaeng weird na sinasabi ni Vic ay walang iba kundi si Bang na nagyo-yosi break din ng mga sandaling iyon at may dala din kape.

Biglang nagsalita si Bang, "may sinabi ka?

Ah e, wala sabi ko kape tayo, pakunwaring sagot ni Vic.

Thanks may kape na ako, mataray na sagot ni Bang.

Para i-diffuse ng unti  ang namumuong iringan sa pagitan nilang dalawa, hindi na muling umimik si Vic. Nagsindi na lang ng sigarilyo at tumalikod na rin sa babaeng obviously ay hindi gusto ang presence niya.

Init ng dugo niya sa akin. Wala man lang hi, out of civility? Wala naman akong atraso sa kanya ah. In fact ako kaya dapat ang inis sa kanya, dahil siya itong may atraso sa akin," sabi ni Vic sa isip.


FLASHBACK

December 2014 at the Manila Yacht Club kung saan ginaganap ang party ng Marie Thrempton. At dahil big party ito sama-sama ang lahat ng departamento kahit marami sa kanila ay hindi naman magkakakilala.

Double celebration ang kanilang pagtitipon, una ay dahil naging maganda ang taong 2014 para sa kanila sapagkat maganda ang kita ng kanilang advertising firm. Ikalawa ay dahil pumalo na ito sa ikalawang pinakamataas na puwesto sa hanay ng mga sikat na advertising firm sa bansa.

Bakit nga naman hindi magse-celebrate ng bongga, paano naman limang taon pa lang dito sa Pilipinas ang Marie Thrempton ay unti-unti na nilang nakukuha ang market ng mga kilalang big accounts in terms of ad placement. At iyan siyempre ay utang sa 20 mahuhusay na empleyado ng kanilang kumpanya.

At dahil lahat ay masaya . . . umuulan ng alak nandiyan ang beer, tequila, wine at brandy. Siyempre hindi naman mawawala ang games at raffle prizes.

Sa isang Christmas Party hindi kumpleto kapag walang singing challenge.

Kaya naman sa ikatlong round ang challenger na nabunot mula sa limang pangalan na isinumite ng gabing iyon kasali at .... natawag ang Victonara Galang!

Sige kanta! Hugot kung hugot!

"And now I do believe

That even in the storm we'll find some light

Knowing you're beside me

I'm all right

Now I can take the time

I can see my life as it comes up shining now

Reaching out to touch you . . .

Whoo! Hooo!

Go go go Vic sigaw ng tao sa mesang kasama kanina ni Vic.

Ipinalista ng mga kaopisina ni Vic ang pangalan niya sa singing challenge dahil alam nilang magaling na singer ang tahimik na si Vic ... iyon nga lang dapat medyo kargado na ito para wala ng hiya.

Pero bago pa magsimula ang singing challenge ay naka-ubos na sila Vic at mga officemates niya na kasama sa mesa ng dalawang bote ng red wine. 

Dahil kargado na nga ng alak pagkatawag sa kanya para kumanta ay agad itong nagpa-unlak. Wala ng tanggi-tanggi pa.

Whoooo!

Guwapo mo Vic!

Pa-kiss!

I love you na!  iba't-ibang sigaw na kantyaw kay Vic ng mga sandaling iyon. 

Habang siya wala na kina-career na ang pagkanta.

I can feel so much

Since I found you

Looking through the eyes of love ... (by Melissa Manchester)"

Si Bang nasa isang gilid nakatingin kay Vic na nakangiti.

"Well guwapo nga," pagkumpirma ni Bang sa sarili base sa isinigaw ng isa sa mga kasama nila sa trabaho.

Katatapos pa lang ni Vic na kumanta at inaabot muli ang mikropono sa emcee ...

. . . . lima, anim na hakbang at nasa mesa na muli ito, pero hindi pa nakaka-upo dahil binubuska ng mga kasama kaya napa-atras si Vic sa pangungulit ni Riri (Ria Meneses) na kasama niya sa Marketing Team.

Biglang itinulak ni Riri ang upuan ng paupo na si Vic kaya nawalan ito ng bahagya ng balanse. Saktong malapit ito sa gawi kung saan nakatayo ng sandaling iyon si Bang, na mula sa creative team at nakikipag-usap sa kaibigang si Tin Pe Benito na kasama din sa marketing unit nila Vic.

"Ay sorry Miss, hindi ko sadya," nahihiyang sabi ni Vic.

No. It's okay Pasko naman so walang kaso, nakangiting sabi ni Bang Saka galing mong kumanta ha," dagdag nito.

Ah hindi naman, nahihiya pang sabi ni Vic, medyo nakainom lang kaya matapang na. Pero thank you ha. Nga pala I'm Vic, saka inilahad ang kamay.

Hi. Shiela pero puwede na din Bang, sagot naman ng huli sa nagpakilala sa kanya.

Si Tin na kanina ay kausap ni Bang ay nakatingin lang sa dalawa ... ah ehem, ehem, ehem! Nandito po ako saka kunyaring ini-introduce ni Tin ang sarili.

Sira ulo ka talaga Tin! Sabay na pagkakasabi nina Bang at Vic kasunod ng malulutong na tawanan nilang tatlo.

Iyon naman tayo e, kayong dalawa nagkakilala lang nawala agad ako sa picture. 

Sarap ng kuwentuhan natin dito Bang e, tapos nagawi lang dito si  pogi nakalimutan na agad ako, pagbibiro ni Tin kay Bang.

Ikaw Tin dami mong alam ha, simpleng sagot ni Bang para itago ang hiya.

Oh ikaw naman Vic ayan di mo na ako kailangan, tadhana na ang gumawa ng way para makuha mo name niya, sabay turo kay Bang na sabi ni Tin.

Eeei Tin naman e, kung ano-anong sinasabi nakakahiya kaya kay Bang, sagot naman ni Vic sa pagti-trip sa kanya ni Tin.

At para hindi na humaba pa ang kantyaw sa kanya ...  si Vic na mismo ang nag-excuse sa dalawa.

Nice to meet you Bang. Dito na muna ako ha si Tin na ang bahala sa iyo diyan, at saka bumalik sa mga kagrupo sa mesa.

Tuloy ang ikot ng waiters para maglagay ng mga pagkain at inumin sa mga lamesang naka-set sa isang sa pinaka-malaking function room ng Yacht Club ng gabing iyon.

Nagpatuloy din ang raffle prizes at games ... kaya siyempre tuloy din ang inuman.

BREAKING BOUNDARIES (a BaRa story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!